HYH #42 - Check Up

1.5K 44 4
                                    

Thanks to "PSYCHESPELLCASTER" for adding this story in her reading list.. (n_n)

☆☆☆☆☆

ZAIMYL POV

"Salamat sa paghatid Brocolli."

"You're always welcome, Caulif." saka na siya naglakad papasok.

Ang simple simple niya talaga.

Bumalik na ako sa sasakyan at nagdrive papunta narin sa klase ko.

Pagkapark ng ko ng kotse ay dumiretso na uli ako sa klase. Pagpasok ko ay nagtinginan ang mga kaklase ko. Anong meron?

Bakit sila makatingin ng ganyan?

Umupo ako uli sa tabi ni Zachary. Maging siya nakatingin lang din.

"Why?"

"You're look different."

Huh? Napakunot noo akong nakatingin sa kanya.

"What do you mean?"

"You're smiling."

Huh?

Iginala ko ang paningin ko na kasalukuyang nakatingin parin ang mga kaklase ko pero tumalikod din sila nung magtama mga mata namin.

Big deal ba yun?

"Tsk."

"Xairyl told me what happened."

"Tsk. Daldal queen."

"Hahaha!"

Napatingin ako na di oras sa kanya at alam kong pati ang mga kaklase namin ay nagtataka sa aming dalawa. Makatawa naman kasi wagas. Mukha ba akong nagjojoke?

"Mas malala ka pa pala sakin."

"Haha. I can't help it."

"Lakas na yata tama mo sa kambal ko ah?"

"I guess so."

Hindi na ako umimik. Nakinig na lang ako ako lecture ng prof namin. Nasa mood ako ngayong makinig.

Pagkatapos ng klase ay umuwi na ako. Hindi ko nahatid si Excell--este Dianara pala kasi mas naunang natapos yung klase niya kaysa sakin kaya dumiretso na siya sa Ospital para magDuty.

Nagbihis muna ako bago magpuntang likod bahay. Ang tagal ko na pala siyang hindi nabibisita. Kumusta na kaya siya?

Naabutan ko siyang nakahiga at sarap na sarap sa pagtulog sa loob ng bahay niya. Hindi niya man lang ako napansing nakatayo sa tabi niya.

Maya maya'y inangat niya ang mukha niya at agad na tumayo para lumapit sa akin at dinidilaan dilaan ako.

Umupo ako. "Kumusta ka na Awwski? Pasensya na ha? Hindi na kita naaalagaan."

"Aww! Aww!"

"Sige, pakakawalan na uli kita basta wag ka ng magkalat ha?"

"Aww!"

Kinalagan ko siya sa tali niya. Labrador ang lahi niya at kulay Brown siya.

"Sige na! Maglaro ka na."

Agad naman siyang nagtatatakbo dahil sa saya siguro nang makawala sa pagkakatali.

Mukhang masarap ngayong magswimming ah. Mapaliguan nga si Awwski bago kami magswimming.

"Awwski! Bilisan mong lumangoy!" Sabi ko sa aso ko. Nag-uunahan kasi kami eh.

Baka napapagkamalan niyo na akong baliw ah?

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now