HYH #43 - Birthdays

1.4K 40 4
                                    

EXCELL/DIANARA POV

Nahihiya talaga ako lalo na ng makita ko siyang nakaboxer lang. Ganda ng katawan. Shems! Pengeng kanin! Ulam na kasi eh.

Inaamin kong marami na akong nakitang hubad na mga pasyente pero ibang iba talaga ang epekto niya sa akin.

Oo nga naman. Dahil mahal ko na siya. Ni hindi ko nga lang magawang tumingin sa kanya at makipag-usap sa byahe.

Maya maya'y nakarating na kami at pinagbuksan niya kami ng pinto ni Xairyl.

"I'll just wait you here." Sabi niya.

"No! Come with us! Sino na lang magbibitbit ng pinamili namin?" Pag-aapela ni Xairyl.

Kumunot noo muna si Zaimyl. Bakit ba ang gwapo gwapo niya sa paningin ko kahit na anong ekspresyon ang ipakita niya?

"Just call me if you're done."

"No way!"

"Call me." Seryosong sabi ni Zaimyl saka pumasok aa loob ng kotse. Hindi ko na alam kung anong ginagawa niya since tinted ito.

"Argh! Tara na nga!" Padabog na sabi ni Xairyl habang kinakaladkad niya ako.

Kumuha kami ng malaking push cart ni Xairyl. Grabe pala. Napakamabusisi niya sa mga gulay at ingredients na makukuha niya.

Puro malalaking mga kahon ng flour at kung anu ano pa. Kawawa naman si Zaimyl pag nagkataong binuhat niya ito.

Ngayon tig isa na kami ng push cart. Yung isang cart na kay Xai na puro frozen goods ang karga tapos yung sakin mga ingredients na.

"Masyado na yatang marami 'to Xai?" Tanong ko

"Hindi, kulang pa 'to."

"Pero baka hindi na mabuhat ni Zaimyl ang lahat ng 'to."

Humagikgik muna siya bago magsalita "So, nag-aalala ka sa kakambal ko?"

Namula ako bigla dahil nahuli niya ako "Hindi naman sa ganun." Palusot ko.

"Oh, Excell~~este Dianara na pala. Wag ka ng mahiya sa akin. Botong boto naman ako sayo eh."

"Grabe ka naman." Napahawak ako sa dalawa kong pisngi dahil sa hiya.

"Mas boto ako sayo hindi gaya ng Michelle Cruz na yun."

"Ganun ba?"

"Oo, tara na nga."

Pumunta na kamin Fruits Section at dahil paborito niya ang Green Apple ay halos pinakyaw na niya ito lahat. Pinakarga pa sa karton.

Ako din kaya?

Kumuha ako ng Lansones pero naalala ko na paborito rin pala ni Zaimyl ang lansones kaya dadamihan ko na lang.

"More manggoes please?" Sabi ni Xairyl sa isang empleyado.

"Sige po Maam." Nagmadaling umalis ang empleyado para siguro tumingin ng panibagong stock.

Bakit naman masyadong marami? Humarap si Xairyl sa akin.

"Hindi mo lang siguro alam pero, birthday ko ngayon." Tuwang tuwa niyang sabi.

"Waah! Talaga?! Naku, happy birthday!"

"Salamat!" Saka niya ako niyakap.

Birthday niya pala. Ba't hindi niya agad sinabi. Teka, alam ba 'to nila Zaimyl?

Emeged!

Diba, kambal sila?

So, it means--Birthday niya rin?!

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now