HYH #29 - Reunite

1.6K 48 4
                                    

ZAIMYL POV

Kasalukuyang kumakain na sila Daddy at Mommy kaya nagseserve na ako ng mga kakainin nila.

"*chuckles* Kay gwapo naman ng waiter." sabi ni Mommy ng makita akon nagseserve.

I smiled at her.

They seem so sweet together. Sana, tuloy tuloy na 'to.

Thank God. Binigyan kami ni Xairyl ng mga magulang na mahal na mahal ang isa't isa.

"Subuan mo ako, Love." sabi ni Mommy kad Daddy kaya sinunod naman siya ni Dad.

"Ma! Magpakipot ka naman!" ani ni Xairyl.

Talk about pakipot? Eh siya naman gumagawa ng first move.

"Yin, nanganak na 'ko ng kambal at lahat lahat. Magpapakipot pa ba ako?" nagtawanan na kaming lahat sa sagot ni Mommy.

---

Nang matapos na silang kumain ay iniwan na muna namin si Mommy at Daddy para makapag-usap narin.

Kaya heto kami ngayong apat sa living room. Naghihintay.

"Nagugutom na 'ko." sabi ni Xairyl kaya agad siyang tumayo at naglakad sa kusina, siguro magluluto yun agad namang sumunod si Zachary sa kanya.

Well.

Feeling ko, ang liit liit ng sofang inuupuan ko lalo na ay katabi ko si Excell.

Kinakabahan ako.

Teka.

Anong sasabihin ko? Ako ang lalaki dito kaya dapat ako ang gumawa ng first move.

Wait-what? First move? Manliligaw lang?

Tumikhim ako para kasing may nakabara sa lalamunan ko eh. Ano bang nangyayari?

"Ah/Ah." sabay naming sabi.

"Sige, mauna ka na." sabi niya

"Ah, ikaw na muna." balik ko

"Di, okay lang."

"Ah. Eh, Ladies first."

Ilang sandali rin kaming natahimik.

"Ahm. Ako na lang. Ah, Kasi." panu ba 'to? Saan ako maguumpisa nito?

"A-ano yun?" nauuutal niyang sabi. Napangiti ako sa loob ko dahil sa pag-iisip na affected din siya ng presensya ko.

"Ano kasi..... Uhm..... Pwede ka ba.... .....b-bukas?"

Napayuko ako dahil sa hiya.

Pinag-isipan ko talaga 'to ng matagal. Ayoko ng patagalin pa 'to. Desidido na ako. Ipinagpaalam ko na rin kay Lala.

"O-oo."

Napatingin ako sa kanya. Siya naman ngayon ang nakayuko at mukhang nahihiya rin.

"S-salamat." nginitian ko siya nung inangat niya ang mukha niya, Ngitian niya rin ako pabalik.

Ewan ko ba.

Nauuutal narin ako.

Ang cute niya kasi.

Para siyang anghel na bumaba sa langit para bantayan ako. Mas gumaganda siya kapag tinititigan.

"Ahem!"

Napaayos ako ng upo ng tumikhim si Xairyl ay maya maya'y humagikgik.

"*chuckles* Aren't you hungry? Well, mukhang hindi dahil busog na busog na kayo sa mga tinginan niyo pa lang! hahaha."

Tumatawa na siyang bumalik sa kusina. Ays! Pasaway na babae!

Lumingon ako uli sa katabi ko.

"Ah. Tara na sa Kitchen?" yaya ko. Agad naman siyang tumango at ngumiti.

Nadatnan naming nakahanda na ang mga pagkain at kumakain narin si Xairyl at sinusubuan pa niya si Zachary.

Tsk.

Hindi talaga marunong magpakipot 'tong kambal kong 'to. Siya lagi ang first move sa lahat ng bagay. Kulang na lang siya ang lalaki at si Zachary ang babae.

Ipinaghila ko ng upuan si Excell para makaupo na saka tumabi ako sa kanya.

Nakakagutom nga.

Ngayon lang ako nagutom ng makita ko ang mga luto ni Xairyl. Mukhang masasarap.

Kinuha ko ang kanin saka pinaglagay ng kanin ang plato ni Excell, "Salamat." sabi niya at nilagyan ko din yung sakin.

Lalagyan ko sana ng Bicol Express ang plato ni Excell pero nilayo niya ito.

"Ayaw mo ba?" tanong ko.

Umiling iling siya.

"Maanghang yan, diba?" tinignan ko siya, parang natatakot na ewan ang mukha niya.

Huh?

Ayaw niya ng maanghang?

"Oo eh." sagot ko.

"Pasensya na, Allergic kasi ako sa Maanghang." Ayy, kaya pala.

"I thought, ayaw mo ng luto ko hahaha." singit ni Xairyl. "Gusto mong magluto ako ng hindi maanghang?"

Umiling uli si Excell. "Wag na, hindi matatawag na Bicol Express yan kung walang sili *chuckles* Okay na ako sa Chopsuey."

"You sure?" paninigurado ni Xairyl.

"Oo, paborito ko kasi yung Cauliflower."

Whoah!

Di nga?

"Really? That's good to hear. You know what, Zaimyl loves Brocolli too! So, Im gonna call you Chopsuey Loveteam! Yay!" tuwang tuwang sabi ni Xairyl. Napahagikgik naman si Zachary sa tabi niya.

What the heck is wrong with Chopsuey Loveteam?

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now