HYH #13 - Baboy Man

1.8K 60 9
                                    

Natapos ang maghapon ko na. Uhm. Okay lang na hindi na ewan. Kanina pa ako lutang. Anong gagawin ko?

Huh?

Ano na naman kayang pinagkakaguluhan nila dun? Tsk. Mga walang magawa sa buhay.

Teka?

Bakit nga ba ako nandito?

Paano ako napadpad sa lugar na 'to?

Asan na ba ako?

Nasabi ko bang wala akong kaibigan, tropa o barkada? Bahay at School lang ako.

Ayaw ko kasi ng niloloko at pinagtataksilan ng mga pinagkakatiwalaan ko.

Ngayon lang ako napadpad sa lugar na 'to.

Kita kita ko na pinalilibutan ng sampong katao ang isang lalaki. Kilala ko siya. Siya yung lalaking walang pakialam sa mundo. Siya ang kaklase ko. Tahimik at misteryoso. Minsan nga wala siya pero nakakapasa parin sa mga exam. Matalino nga siguro.

Mukhang away at gulo ang gusto sa kanya ng mga taong yun.

Aalis na sana ako ng huli na ang lahat dahil nakita nila ako.

"Hoy! Ikaw!"

Ah-ow!

Dahan dahan akong lumingon at pinakitang hindi ako natatakot. May alam naman akong self defense kahit papano. In case of emergency ba. Pero hindi talaga ako hilig sa pakikipagbasag ulo.

"Wag mo na subukang tumakas dahil damay ka na rito!" sabi nung isa sa kanila.

Napakunot noo akong nakamasid sa kanila.

"Tsk. Bakit kasi hindi niyo naman agad sinabi na gusto niyo ng audience?" pang-aasar ko.

"Aba't!" sabi sakin nung isa pero kitang kita ko na binubugbog na ng Kaklase ko ang mga kasamahan niya. "Lider!" sigaw niya sa papalapit na lalaki.

Ewan ko. Wala sana akong balak sumali pero nakita ko ang lalaking yun. Nang init ang ulo ko. Bumalik ang galit ko sa lahat ng nangyari. Kumukulo ang dugo ko at nanginginig ang mga kalamnan ko.

Mga baboy!

Look who's here?

Presenting: The Baboy Man!

Ang lalaking tumikim kay Michelle Cruz. Anong ginagawa nila dito? Naghahanap ng away?

Pest tea!

Wala akong pakundangang tumakbo sa kinaroroonan niya at sinipa siya ng malakas sa pisngi. Dahilan para tumalsik siya.

"Lider!" tawag ng lalaki sa kanya habang inaalalayan siyang bumangon. Kitang kita ko ang dugo sa gilid ng labi niya.

Kulang pa yan! Kulang pa yan sa panghahayop mo!!

Bumangon siya at tumingin sakin ng masama. "Fvck! At sino ka naman?!"

Mas Fvck you ka!!!

"Wag mo ng alamin pa, dahil baka magsisi ka lang!"

"Tsk. Mayabang!" aakmang susuntukin niya ako pero napigilan ko.

Hinila ko ang braso niya sa ere saka buong lakas ko siyang ibinalibag.

*Boogsh!*

"Aaahh!!" sigaw niya sa sakit ng katawan.

"Kulang pa yan!" umupo ako sa harap niya at pinagsusuntok ko ang mukha niya hanggang sa mabura!

Maya maya'y inawat na ako ng kaklase ko. "Tama na."

Tumayo ako at dumura sa harap niya saka dumistansya sa kanila.

Inaalalayan siya ng mga alalay niya para bumangon at naglakad palayo.

"Sa susunod na makita ko pa siya. Sisiguraduhin kong manghihiram na siya ng mukha sa baboy!"

Nanggigigil parin ako sa galit.

"Tsk."

Napatingin ako sa kaklase ko na nanlilisik ang mga mata sa lalaking binugbog ko. Halatang gusto niya ring gumanti.

"Zaimyl." pakilala ko na hindi nakatingin sa kanya.

"Zachary." sagot rin niya.

Well, sa tingin ko'y may pagkakatulad kaming dalawa. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya.

Pareho kaming malungkot.

Heal Your Heart 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon