HYH #22 - She's Here

1.6K 50 5
                                    

Anong nangyari sa kanila?

Bat ganyan sila makatingin?

"Why?" nakakunot kong tanong.

"Ang haba naman ng usapan niyo." sabi ng isa pang guitarist.

"Ang gagwapo niyo pa." sabi ng baklang manager.

"Tsk."

"San ba kayo nag-aaral?" tanong nung drummer na babae.

"Sean University."

"Whoah!/Ohw!/Wow!/Cool!/Astig!" sabay sabay nilang sabi.

"Diba, Sean University at Menesis Academy ang pinamahal at sosyal na school?" sabi uli nung drummer na babae.

"Tsk. Hindi pa ba kayo aakyat? Baka wala ng manood!" inis kong sambit at walang kaabog abog na umakyat na sa stage.

"Ah, oo nga pala! Go,go, go!" tarantang sabi ng baklang manager.

Pagkalabas ko sa  backstage ay hihiyaw na sana ang mga manunuod pero hindi natuloy nang malamang hindi talaga ako ang vocalist ng bandang ito kaya nababakas sa mukha nila ang tanong na yun.

Lumapit ako sa microphone stand. "I'm not the vocalist of this band. It's just something came up. I'm Zaimyl Miguel, sorry for fitting in."

Lumakas ang bulong bulungan.

'Huh? wala sa Third?!'

'Paano na yan? Umalis na tayo dito.'

Napakunot noo ako sa narinig ko.

'Pero, okay lang. Gwapo naman yung pumalit!'

Ngumiti ako labas ang ngipin ng marinig ko yun.

'Kyaa! Ngumiti siya!'

'Whoah! Ang pogi!'

'Aaah! Grabe, kinikilig ako!'

'Peste! Nalaglag ata panty ko!'

Siguro naman, nakuha ko na ang loob nila.

"So, we're okay now?" sabi ko sa kanila saka ngumiti at kumindat.

'Okay na okay!'

Pagkasagot nila ay tumango na ako saka nilapitan ng nakangiti ang listahan ng kakantahin.

Tinandaan ko na lang ang pagkakasunod sunod ng mga ito. Napatingin ako sa mga myembro ng banda. Nakanganga lang silang nakatingin sakin.

Binalik ko tingin sa listahan ng mga kakantahin. Good thing dahil alam ko ang lahat ng yun.

"I hope you'll like it."

Tumingin ako sa drummer at tinanguan na signal na umpisahan na.

Ang unang kanta.

"For those people who didn't contented for what and who they have."

Sometimes love just ain't enough - Renz Verano

After that.

"Loving someone is a great feeling you've ever feel but when that someone leave you, it's damn hurt like hell!"

It will rain - Bruno Mars

Next.

Sanctuary - Callalily

Whatever it takes - Lifehouse

Hanggang sa last na kanta.

"Ang puso ko parang Rubix cube, may dadaan para sirain pero may darating para muling buuin." sabi ko ng makita sina Lala, Xairyl, Zachary at Excell na nanunuod narin.

Mas nakatutok ang paningin ko kay Excellen.

"I've tried to loved a person but in the end she chose to leave me." Iginala ko ang paningin ko sa mga tao dahil napa-'Oh' sila sa sinabi ko pero mas nagulat ako ng mahagip ng mga mata ko sa isang pamilyar na mukha. "She chose to break my heart into PIECES." nakatingin lang ako sa kanya at talagang diniinan ko ang salitang 'pieces'.

Napayuko siya. Great. Just Great. Nagsisisi ka na bang lukuhin ako?! Naguguilty ka na ba ngayon?! Ha?! Michelle Cruz?!

She's here?!

And what are she doing here?!

"But, I know. Someone will come on my way and fix my heart." tumingin uli ako kay Excell at alam ko nakatingin  din siya sakin dahil nagtama ang aming mga paningin. "I know, you'll heal my heart." ngumiti ako at kumindat. Ngumiti rin siya saka tumango.

'Yaah! Ako na lang! May first aid kit ako dito!'

'Aaaahh! Tangna! Ang Tanga ng nang-iwan sayo!'

'Na sayo na ang lahat! Boba siya!'

'Malamang, sising sisi na siya ngayon!'

'Leshe! Di siya kawalan!'

'Subukan niya lang maghabol! Makakalbo siya! Sumbong mo sakin!'

'Waaah! Bakit ngayon lang kita nakita!'

Natatawa ako sa mga comment nila. Ayos! Parang nagugustuhan ko ng maging Vocalist na talaga ng banda.

What do you think?

Uhm.

I'll think of it first.

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now