HYH #27 - For Real?

1.5K 50 4
                                    

Bumalik uli sa kinaroroonan namin si Xairyl kasama na ang kanyang Daddy at Lolo.

"Lala!" sigaw ni Xairyl.

"Yin, huwag ka ngang sumigaw! Hindi pa bingi ang Lala mo!" suway ng Lolo niya.

"Ma, wala pa daw po si Yang?" tanung ni Tito Zeke kay Lola Elena.

Yang?

Ah. Oo ngapala, Ayaw nilang tinatawag ko silang Maam at Sir.

"Wala pa nga anak." sagot naman ng matanda.

"Naku, mukhang nagustuhan yata ang Apo ko ah?" Umupo naman si Lolo Kael sa tabi ni Lola Elena.

"No way!" sagot ni Xairyl. Maya maya'y biglang tayo at naglakad.

"Where are you going Yin?" tanong ng Daddy niya.

"He's coming." sabi niya hanggang sa maglaho na siya sa paningin namin.

"Grabe. Alam na alam at ramdam na ramdam talaga nila ang isa't isa." sabi ng Daddy niya.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nakakapit na si Xairyl sa braso ni Zaimyl at papalapit sa amin.

Ang cool talagang tignan ni Zaimyl kapag nakalagay lang sa dalawa niyang bulsa ang magkabila niya kami. Pa-cool talaga!

But.

Why?

When?

What.. happened?

He's smiling.

"Dad! Lo!" lumapit siya saka humalik sa mga pisngi at naupo sa tabi ng Daddy niya.

Nakatingin lang ako sa kanya ng nabigla ako dahil nagkatinginan narin kaming dalawa.

He smiled at me!

Oh-Em-Zee! Zee, stands for Zaimyl!

Waah!

(O///O)

Hanubato!

Nagagaya ko na ang mga expressions ni Xairyl!

"What took you so long Yang?"

"Yang na naman, Dad?" napangiti siya na parang ewan. Mukhang nakahigh siya sa itsura niya ngayon.

Pinahithit yata siya ng droga ng Mara na yun ah? Idagdag pa natin ang panghithit ng Vulcaseal!

Tsk.

"So, does she signed the contract?"

"Yes, Dad. In just 5 minutes!" then nagsmile uli siya.

"Great. Thank's Son! and how did you do that? And why did you arrived this late?"

"Welcome, Dad. *smiles* Nothing Dad." (^_^)

Napakunot noo ako.

Sa totoo lang?

For Real ba 'to?

Hindi na ako natutuwa sa mga nakikita ko.

(_ _')

May ibang babae ng nakakapagpapangiti sa kanya.

"Tsk. Fine. Ikaw na gwapo!" sabi ni Sir Zeke saka nagpout. Ang cute!

Nagtatawanan kami ngayon dahil sa inasal ni Tito Zeke.

Parang silang bata na naagawan ng lollipop. Ngayon ko lang silang nakitang ganyan kakwela. Parang nakuha ni Xairyl ang side na yun ng Daddy nila.

"Para kang bata, Daddy!" sabi ni Xairyl. Naku, Nagsalita ang parang bata.

"Look who's talking!" bawi naman ni Tito Zeke saka pinandilatan ng dila si Xairyl.

"Naku, Zeke anak. Wala ka na bang libreng oras dyan?" tanong ni Maam Elena.

"Uhm, bakit Ma? Gusto mo bang magdate tayo?" saka tumawa si Tito Zeke.

"He! Magtigil ka!"

Nakakatawa naman sila.

Para silang bata pa.

"Why?" inosenteng tanong ni Tito Zeke.

"Why ka dyan! Gumawa ka na ng paraan para mabuo na yang pamilya mo! Hanggang ngayon, hindi talaga ako makapaniwala na hinayaan mong mahati kayo sa loob ng dalawang taon!"

Natahimik bigla si Tito Zeke at sumeryoso ang mukha.

Oo nga pala.

Naghiwalay ang mga magulang nila pero hindi ko alam ang dahilan kung bakit. Alangan namang tanungin ko pa? Eh sino ba naman ako dito?

"Im working on it, Ma. And besides Our twins are there to help. Right, YinYang?"

Heal Your Heart 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon