HYH #6 - Hombre

2.4K 64 7
                                    

Tulad nga ng sabi ko kay Dad ay makikipagmeeting ako sa 'G2Company' para sa business expansion. Binigay sakin ni Dad kagabi yung Business Proposal para mapag-aralan ko. Kumatok pa kasi siya sa kwarto ko kagabi. Mabuti nalang at hindi pa ako nakatulog.

Kung hindi lang siguro ako nakabusiness suit ay mapagkakamalan akong Ramp Model. Andami ring bulong bulungan. Tsk. Nakakairita. Pumasok ako ng elevator at Sasarado na sana ng biglang bumukas. Pumasok ang isang babae.

Ewan ko kung anung sasabihin ko. Kamukha niya yung nurse nung isang araw. Siya kaya yung nurse na yun? Pero empleyado dito ang babaeng kasama ko dito sa elevator. Magkambal ba sila? Pero kasing magkamukhang magkamukha sila.

Magkaiba lang ng hairstyle niya at may make up pa.

Sa totoo lang kating kati na akong tanungin siya pero abala naman kasi siya sa pagbabasa ng kung ano ano. Nakaformal attire siya.

Bumukas ang elevator at sabay pa kaming lumabas kaya halos mag untugan.

"Aww/Aww." sabay naming sabi.

Tumingin siya sakin at nagsorry saka umalis na. Ano bang nangyayari sa mundo? At anong nangyayari sa sarili ko? Kailan pa ako naging pipi?

Saka kung siya yun ay makikilala niya rin ako.

Tsk. Ay ewan!

Bahala na nga!

Naglakad na ako papuntang conference room para sa meeting namin at syempre pinagbubulungan pa rin nila ako. May mga kinikilig din. Tsk. Malalantod.

EXCELLEN POV

Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kanina habang kaming dalawa lang sa elevator.

Ang totoo niyan kasi, unang tingin ko palang sakanya nuon. Nung nabundol siya ng bata ay pakiramdam ko naputulan ako ng dila dahil sa sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.

Nasisigawan na nga niya ako nun eh pero talaga kinakalma ko muna ang sarili ko bago magsalita. Grabe. Ang lakas ng heartbeat ko.

  

  

Ang gwapo kasi niya. Mabango pa. Siya pala yung pinagbubulungan at pinagkakaguluhan kanina pa.  Feeling ko nga ay hindi na niya ako nakilala.

Gustong gusto kong magtanung kanina pero minabuti kong wag nalang dahil alam kong napakasuplado niyang lalaki. Yung tipong may buwanang dalaw ba. Pero mas natuturn on ako kapag suplado ang lalaki.

Challenging na maituturing saka grabe daw sila magmahal. Sobrang sweet pa. Hmm. Ang tanong. May girlfriend na kaya siya?

Waaah!

Pano naman ako? Hindi pa nga nagiging kami eh. Anong gagawin ko? Love at first sight to!

Hays.

Wala naman kasi akong panama at binatbat sa ibang babae dyan na sopistikada, maganda, at mayaman pa. Tsk. Isa lang naman akong hamak na scholar sa MENESIS ACADEMY. Mabuti nalang dahil kahit anong oras at ilang oras pwedeng pumasok sabi sakin ni Maam Gabrielle.

Ako nga pala si EXCELLEN DIAMOND FUENTES. Nursing slash Working student.

Naku. 12pm na pala. kailangan ko ng umalis. Swinipe ko na muna yung I.D ko para mag-out.

Pagkatapos nun, Dali dali akong pumunta sa ladies room at tinanggal ang make up sa mukha ko. Eh kung dito na rin ako magbihis? Wala naman sigurong kaso yun? Diba?

Dahil sa pagmamadali ay nagbihis narin ako at nag-ayos ng buhok ko.

Okay na sana. Kaya lang nawala ko yata ang Nameplate ko kaya nagpagawa uli ako kahit labag sa loob ko. Mapapagastos na naman ako dahil dun.

Lumabas ako ng Ladies Room na may kinakalkal sa loob ng bag ko.

*Bump*

"Ay kabayo!" Sabi ko dahil sa gulat. Tumingala ako kung sino ang nabunggo ko at susmaryusep lang! Ang gwapo niya! Nakalong sleeve lang siya habang nakasampay sa kanang balikat niya ang Coat niya.

  

Kahit na sobrang kabog ng dibdib ko ay nagawa ko paring magsalita. "Im Sorry, Sir." saka ako yumuko.

Pagkasabi ko nun ay nilagpasan na niya ako agad.

Ho!!!

Grabe!

Hombreng hombre ang dating! Napakamasculine pa!

Sumandal muna ako sa pader at hawak hawak ko ang dibdib ko sa sobrang bilis ng kabog nito.

Grabe. Pinagpawisan ako dun ah.

Ang gwapo gwapo niya parin kahit seryoso siya. Mas lalo pa siguro kapag ngumiti at tumawa na siya.

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now