HYH #8 - Doraemon

2.2K 68 7
                                    

"Take it." Tinignan ko naman ang panyong hawak niya kaya kinuha ko na din.

"Salamat." sabi ko.

"Welcome." umupo siya sa tabi ko. "So, Why are you crying by the way? Maybe I can help you?"

Napatingin ako sa kanya and he's smiling. Whoah! He's so damn handsome! Dude!

"A-ah. Nothing. Dont mind me." sabi ko nalang.

"You sure?" ang ganda din ng boses niya. Grrr. Kakagigil!

"Yeah." sagot ko na nakatingin lang sa mga paa ko.

"I don't think so." tumingin uli ako sa kanya. Anong ibig niyang sabihin?

Nakamasid lang ako sa kanya ng may kinuha siya sa bulsa ng coat niya. "Here."

Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung ano yung binibigay niya sakin.

Agad agad ko namang kinuha yun dahil sa tuwa.

"Whoah! Astig! Paano mo nakita 'to? Salamat ha?" sabi ko sa saya. Yes! Ang galing talaga!

"Wag ka munang magpasalamat."

"Huh?" natigilan ako sa sinabi niya.

Imbes na sumagot siya ay ngumiti lang siya saka may kinuha uli sa bulsa niya.

Nagulat ako ng makita ang Nurse Cap ko sa kanya. Kinapa ko kasi kanina nung nasa taxi na ako pero wala.

"Naiwan mo sa labas ng Ladies Room nung nagkabangga tayo." sabi niya.

Kinuha ko naman yun at kinabit sa buhok ko. Nakakahiya ako.

"Ito pa pala, nalaglag mo sa loob ng kotse nung araw na nakabundol ako." naalala niya pala ako? Grabe. kinikilig ako.

(0///0)

This time, Yung nameplate ko naman ang nasa kamay niya ngayon.

Kinuha ko naman yun at sinuot. Ang malas ko kanina ay naging swerte na ngayon.

Waaaahh!

"S-salamat uli. Para ka palang Doraemon na maraming makakarga ang bulsa! Hahaha."

"Welcome. Sana hindi mo na mahulog yang mga yan dahil baka sa susunod hindi na ako ang makapulot nyan." saka na siya tumayo kaya tumayo din ako.

"Ah. Eh. Hindi na nga." saka ako yumuko sa hiya.

"Ngapala, may alam ka bang kainan dito? Kanina pa kasi ako nagugutom." napaangat ako ng mukha.

"Ahm. Sa cafetereria lang kasi ako nakain kasi mura yung ibang pagkain." tumingin ako sa kaliwa ko dahil sa hiya.

"Ganun ba. Kung ganun, tara na sa loob."

Huh? Teka. Hindi siya basta basta makakapasok sa loob.

Aakmang hahabulin ko siya para pigilan pero nakapasok na siya.

Paanong?

Paano siya nakapasok dun?

Hindi na rin ako nagpaligoy ligoy pa. Sinuot ko na yung I.D ko at pumasok sa loob.

Sumabay ako sa paglalakad niya. Habang cool na cool siyang tignan nung ilagay niya ang mga kamay sa magkabilang bulsa.

"Anong ginawa mo?" tanong ko.

"Huh? I didn't do anything." sagot niya na may pagtataka at pagiging inosente.

"Eh bakit ka pinapasok nung guard? Saka wala ka namang suot na I.D kung estudyante ka rito."

"Ahahaha Oo nga. Tama ka."

Napakunot noo. May tinatago siya. Alam ko yun.

"So, anu nga?"

Ewan ko ba pero gumaan ang pakiramdam ko sa kanya. Nakakaya ko ng makipag-usap sa kanya at mangulit. Tuwang tuwa ako dahil kasama ko siya ngayon.

"Let say, nagwapuhan lang siguro sakin." saka siya ngumisi.

"Tsk. GGSS." saka ako ngumuso pero deep inside. Gwapong gwapo nga siya. Asar. Bat ako pangit?

"Why? Am I not that handsome to you?" saka niya nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Argh!

Pestea lang! Ang sexy ng boses!

(O///O)

Namumula na ako.

Ang gwapo nga naman kasi niya eh. Pero wag ko na lang sabihin. Ang gwapo niya talaga sa personal.

Nananaginip ba ako?

Sana hindi.

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now