HYH #21 - Hair Band

1.7K 47 4
                                    

Sabado ngayon.

Tulad ng napag-usapan ay pupunta kaming mall ngayon para makapamili ng damit.

Ayaw kasi ni Lala na nakauniform pa si Excell sa bahay saka isa lang uniform niya at luma na rin mga damit niya.

Nung una, tinanggihan ni Excell ang alok ni Lala pero wala parin siyang nagawa sa kakulitan nila.

Nakauniform pa siyang sumama sa mall at sa totoo lang. Iritang irita nga si Lala sa kanya kanina pa pag alis.

"Ano ka ba naman kasi, Excellen. Sabi ko naman kasi sayong isuot mu na muna yung mga damit ni Xairyl eh."

"Lola naman."

"Hay naku, bata ka. Pakiramdam ko tuloy baldado na ako."

See? Ayan na naman siya.

"La, wag ka ng mag-alala. Matatapus na yang problema mo."

"Nga naman. Hala, sige. Tara na." nagmamadaling naglakad si Lala papuntang Department Store.

Pumunta kami sa Ladies Section.

Napahinto ako bigla.

Ah.

Kailangan pa bang pati ako kasama sa loob?

Eh di ba,

May mga ano dyan?

(O///O)

Basta, alam niyo na yun! Nakakahiya kaya.

Tumalikod na ako at maglalakad na sana pabalik. Maghihintay na lang ako sa Food Court.

"Zaimyl!"

Uh-oh.

Lumingon ako kina Lala at lumapit. Si Excell naman ay nakatingin lang sa kaliwa at mukhang nahihiya rin.

Tsk.

Si Lala kasi eh, masyadong pauso. Hindi marunong makahalata.

"Bakit po?" tanong ko

"Where do you think you're doing?"

"Ahm, Food Court?" Alanganin at patanong kong sagot kay Lala.

Nagtaas ng isang kilay si Lala. Ano na naman kayang iniisip niya?

Makalipas ang ilang minuto ay nagsalita na siya.

"Ganun ba? Sige, tawagan ka nalang namin kapag tapos na kaming makapamili."

Meralco!

May liwanag ang buhay.

Yes! Lusot ako.

"Opo. Sige po, La." masigla kong sabi saka ako humalik sa pisngi niya.

"Sige." pumasok na rin si Lala sa Loob.

Saan naman kaya ako pupunta?

Makapaglakad lakad na nga muna. Ayoko namang pumunta sa Food Court dahil unang una ay hindi naman talaga ako nagugutom.

Huh?

May event ba ngayon?

May Band Instruments at upuan din. Hmm. Makapanood na nga lang.

Bumaba ako sa Ground Floor.

Marami rami na rin ang tao pero mukhang hindi pa nag-uumpisa ang programa.

Ano kayang problema?

Makitsismis nga.

Lumapit ako sa backstage.

Wow!

Just Wow!

Anong nangyari sa kanila? Nagkakagulo.

Wow. Nagtanong pa ako kung ako rin naman ang sumagot.

'What the heck?! What do we do now?!' - sabi ng bakla.

'Relax okay? Can't resolve our problem when you shout.' - sabi ng babaeng drummer. Bakit ko nasabi? dahil may hawak siyang drumstick. Ang astig naman niya.

'Tsk. Do you think i can relax? Your vocalist is missing!' - sabi uli ng Bakla.

'Manager, Keep your voice low.' - sabi ng isang guitarist.

So, manager nila yung baklang yun.

Kaya naman pala eh. Dahil nawawala ang vocalist. So, alis na ko? Pero san naman ako pupunta? Gusto ko sanang kumanta dahil namiss ko na.

Wala naman sigurong magagalit dahil unang una sa lahat marunong naman akong kumanta pati lahat ng instrument kaya kong iplay. One man band kaya ako.

Lumapit ako sa Baklang Manager.

"Excuse me. I can help."

Tumingin sakin ang manager at napataas ng kilay saka tinignan ako mula paa hanggang ulo at bigla na lang ngumiti.

"Kutis mayaman at Gwapo. Ang tanong, marunong ka bang kumanta?" tanong niya.

"Dare me." saka pinigilan ang pag-ikot ng mga mata ko at aakmang aakyat ng stage mula sa backstage.

Napahikgik naman ang iba niyang alaga.

"Cool!" sabi ng guitarist "By the way, Im Knox. We are the 'Hair Band' and you are?"

Napakunot ang noo ako sa pangalan ng banda nila. HAIR BAND? Seriously? Are they kidding the people?

"Don't wanna. Besides, this will be the First and Last that you'll see me."

"Whoah! Sungit!" sabi ng babaeng drummer sa humagikgik.

Hindi ko na siya pinansin. Paakyat na sana ako ng may nagtawag sa pangalan ko.

"Z!" kilala ko kung sino ang tumatawag sakin nun. Walang iba kundi si Zachary. Nahahabaan daw kasi siya sa pangalan ko eh di mas lalo pa siya. Kaya napagkasunduan na lang namin na "Z" nalang tawag namin sa isa't isa. Bading bang pakinggan? Tsk. Inggit lang kayo. Tamad lang kasi kaming magsalita.

Saka, bakit nga ba nandito ang isang 'to? Eh hindi naman siya lumalabas?

Tinignan-ko-siya-ng-What-are-you-doing-here-look.

"Im with Xai."

Kaya naman pala, Yung pasaway na babaeng yun na naman pala.

Tinanguan ko lang siya saka na siya umalis at humarap na uli ako sa baklang manager at sa mga alaga niya.

Heal Your Heart 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon