HYH #10 - I Don't Know

2.2K 61 11
                                    

ZAIMYL POV

Taimtim akong nakatingin sa daan habang nagmamaneho. Ihahatid ko narin siya sa Ospital dahil sa pangtritrip sa kanya ng kambal ko.

"Pasensya ka na kanina kay Xairyl ha? Maloko lang kasi talaga yun."

Paumanhin ko.

"Ah. Wala yun."

Tsk. Istorbong babaeng yun. Ang ganda talaga ng timing niya. Grabe. Tuwang tuwa ako. Ang saya saya ko. Insert sarcasm here.

Nanatili lang kaming tahimik habang binabaybay namin ang daan patungo sa ospital hanggang hindi ko na mamalayan na nakarating na pala kami.

Mukhang napabilis yata ako ng drive kaya napasulyap ako sa katabi ko pero mukhang abala na sa pagkalkal sa bag niya.

Bababa na sana siya pero pinigilan ko kaya bumabag ako agad para pagbuksan siya ng pinto.

"Salamat uli. Ang dami ko ng utang sayo." sabi niya ng nakayuko.

"You're welcome. Just take care of your.. things para hindi na maulit ang mga nangyari."

"Sige."

"Alis na 'ko." paalam ko saka sumakay na akong kotse at umalis na.

Ito na siguro ang huli naming pagkikita. Hays.

Mabuti na rin siguro 'to.

Pero inaamin ko. Sumaya ako kapag kasama ko siya kaya lang, mali eh. Hindi dapat. Kailangan ng matigil 'to hanggat maaga pa.

Hanggang maaga pa, kailangan ko ng iiwas ang sarili ko sa maaaring sakit na mararamdaman ko.

Ayoko na.

Ayoko ng maulit yun.

Ayoko ng masaktan uli kung maaari.

But, it's hard to decide.

To be or not to?

A yes or no?

And still, The answer is I dont know. Hindi ko alam ang mangyayari. Malay natin.

Mabilis kong pinaandar ang kotse para makauwi agad. Matutulog na lang muna ako.

Pagkarating ko sa gate ay ipinark ko na sa garahe ang kotse saka bumaba.

Hinubad ko na agad ang longsleeve ko kahit na papasok palang ako ng bahay. Normal na sakin yun at maging sa mga katulong dito.

"Dalhan niyo ako ng ng ubas sa kwarto ko." sigaw ko para marinig ng mga katulong.

Pagkapasok ko ng kwarto ko ay sumubsob agad ako sa kama ko.

Namiss ko bigla 'tong kwarto ko!

Tsk.

Maniniwala ba kayong PINK ang favorate color ko?

Ewan, basta nagustuhan ko na lang bigla eh.

Saka alam ko naman sa sarili ko na totoong lalaki ako. Kahit na hindi ko pa nagagawa yun. Yung ano. Basta alam niyo yun.

Sa twing iniisip ko kasing subukan yun eh, naaalala ko lang yung pangyayaring yun noon. Ni hindi ko pa nga rin nasubukang manuod ng mga porno eh.

Dahil babalik at babalik lang ang mga alaala ko ng pagtataksil niya.

Itinuon ko lang ang sarili ko sa pag-aaral at paggy-gym para maging matipuno at kahahangaan ng mga babae.

*Tok.Tok.Tok*

"Sir, nandito na po yung Ubas."

"Pasok." sabi ko saka pumasok naman ang katulong. "Ilapag mo na lang dito sa kama ko saka pakilock na lang ng pinto."

"A-ah. S-sir. Kasi p-po. Hin-di pa po k-kasi a-ko han-da."

What the hell!!

Anung pinagsasabi ng isang 'to?!

Lumingon ako sa kanya na tinatakpan pa ang mga ari arian niya. "What the hell are you talking about? I said, lock the door when you leave!!"

Halatang gulat na gulat siya at namumula sa pagkakapahiya.

Tsk. Nagaya ko tuloy si John lloyd ng wala sa oras. Kasi naman. Asyumera lang?

"Ah! Sorry po Sir! Hindi na po mauulit! Lalabas na po ako!!" hindi siya magkamayaw sa hiya at nag-atubiling lumabas.

Nandidiri tuloy ako. Parang ayaw ko ng makita pa ang katulong na yun.

Lumapit ako sa intercom na nakakonekta sa kwarto ng mga katulong at pinindot para makausap ang mayordoma nila.

*Tot*

(Ano po yun, Senyorito?)

Pindot.

"I want that maid, to be fire! The one who brought me grapes! Now!"

*Tot*

(Bakit po? Anong ginawa niya?)

Pindot.

"Asked her. Tsk."

*Tot*

(Sige po.)

Saka na uli ako sumubsob sa higaan ko at paisa isang inaabot ang ubas para kainin.

I hate it!

I hate those sensualities and sexualities thingy!

I hate to expect and assume!

But Expecting Doesn't hurt too much; Assuming Does.

Maya mayay bumalikwas ako. Nananatili lamang akong nakaharap sa kawalan.

Paano ako makakamove on?

Habang buhay ba akong magiging ganito?

Maging ako ay napapagod na pero natatakot parin ako.

Natatakot na baka maulit ulit ang nangyari sa nakaraan.

Marami narin akong nakilalang babae at alam kong nagpapakita sila ng interes sakin pero hindi ko pa talaga kaya.

Sino?

Sino kaya?

Sino naman ang makakapagpagaling sa sugatan kong puso?

Sinong magtitiis na mahalin ang gaya ko?

Sino ba uli ang mamahalin ko na higit pa sa sarili ko?

Ang tanong.

Handa na ba akong magmahal at mahalin?

(>.<)

May magmamahal nga ba sa isang Zaimyl Miguel?

Heal Your Heart 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon