HYH #11 - Pizza Delivery

1.9K 60 7
                                    

Maaga akong nagising kaya nandito ako ngayon sa Garden at napagpasyahan kong diligan nalang ang mga halaman saka sabado naman ngayon, walang pasok.

Malalago na sila at kailangan na sigurong gupitan yung iba.

"Son?"

huh?

Napalingon ako kay Dad.

"Oh, Dad. Napaaga yata gising niyo?" tanong ko habang patuloy lang sa pagdilig.

"Oo eh. May tinapos pa kasi ako." sabi niya saka umupo sa upuan.

"Did you slept well?"

"Uhm, partly yes and no." sumulyap ako sa kanya at kasalukuyan na siyang nagbabasa ng dyaryo.

"Tsk. As usual."

"Balita ko, tinanggal mo daw yung isa nating maid?"

"Yeah."

"Why did you do that?"

"Well, she's--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng may biglang nagdoorbell.

*Dingdong!*

"Ako na." Dali kong pinatay ang hose ng tubig saka tumakbo sa pinto.

Binuksan ko agad ang pinto.

"Pizza delivery!"

Anong?

Pati ba naman?

"Ikaw?/You?" sabay naming sabi.

"Ahehehe. Ikaw pala. Ah, ito na yung order niyo." kinuha ko ang pizza dahil alam kong mahilig dun si Daddy at siya lang ang umuorder nun saka ko binayaran.

Hindi ako makapagsalita.

Speechless?

Anong sasabihin ko?

"Ahm. Part time?" tanong ko. Ahh! Ang adik ko! Obvious naman eh! Bakit ko pa tinanong?

"Ah. Oo eh. Tuwing Sabado at Linggo ay ganito ako."

I-I dont know what to say!

She's really hardworking.

And brave enough.

Napatingin ako sa motor. Tsk.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. I salute her. She's incredible. A super woman. I admire her.

"Sige ah, mauna na ako. May deliveries pa kasi ako. Babay!" saka niya binuhay ang engine at umalis na.

Nang mawala siya sa paningin ko ay bumalik ako sa kinaroroonan ni Dad at umupo sa bakanteng upuang katapat niya.

"What took you so long?"

"Ahh-"

"Sir, andito na po yung kape niyo." sabi ng isang maid kaya hindi na ako nakapagsalita.

"salamat." sabi ni Dad.

Binuksan ko naman agad yung pizza saka kumuha ng isa at kinain. Ngayon ko lang yata naappreciate ang pizza. Dahil sa kanya. Dahil sa pagtiyatiyaga niya at pagod para maideliver lang ito.

Masarap naman pala.

Nakadalawa na ako at aakmang kukuha uli ng magsalita si Dad.

"What happened? Last time I checked, pinamigay mo lang sa mga maid ang inorder kong pizza noon." sabi ni Dad.

"For a change?"

Nagtaas ng isang kilay si Dad at natawa.

"Silly, young man."

Nagkibit balikat na lang ako. Ayoko ng pahabain pa ang pag-uusap na yun.

Ewan ko ba pero napapabilib talaga ako ng babaeng yun.

Kakaiba siya sa lahat ng nakilala ko. Walang make up. Walang ayos sa sarili. Hindi maarte. Masipag. Pero napanghihinaan din ng loob. Tulad na lamang ng ibalik ko yung I.D niya.

Nakita kong umiyak siya. Para bang napakabigat ng pasanin niya. Parang sa kanya lang umaasa ang pamilya niya.

Unti unti.

Gusto ko pang makilala ka. Ikaw. Excellen Diamond Fuentes.

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now