HYH #53 - This Time

1.8K 34 4
                                    

Pagkatapos kong magshower ay naupo lang ako sa gilid ng kama habang tinutuyo ang buhok ko.

Habang si Zaimyl ay abala sa kanyang cellphone. Hindi ba siya magshoshower?

"Brocolli?"

Hindi ko alam kong imahinasyon ko lang yun pero mukhang gulat na gulat siya ng tawagin ko ang pangalan niya.

"A-ano yun?"

"Hindi ka ba magshoshower?"

"Ah oo nga pala!" nagmadali siyang tumayo at naglakad papuntang closet para kumuha ng damit saka pumasok na ng banyo.

Nagkibit balikat na lang ako sa inakto niya. Dahil alam ko ang nakaraan niya kaya paniguradong hindi siya mapakali. Malamang may phobia na siya sa nangyari.

Napabuntong hininga nalang ako ng malalim sa naisip ko. Siguro, mas mabuti kung wag nalang akong tumabi sa kanya.


ZAIMYL POV

Ugh!

Ano naman ang gagawin ko?

Kahit kailan talaga pahamak kang Xairyl ka.

Tsk. Dalawang oras na yata akong nasa banyo dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako mapakali kanina pa. Makalabas na nga.

Nakabihis na ako ng lumabas ng banyo habang pinupunasan ko ang buhok ko.

Tumambad sa akin ang himbing na himbing na si Caulif sa sofa. Bakit dyan pa siya natulog?

Kung sa bagay, sinabi ko nga pala ang nakaraan ko sa kanya dati kaya siya na mismo ang gumawa ng paraan para umiwas pero hindi ko naman papayagan yun.

Dahan dahan akong umupo at pinagmasdan muna siyang natutulog. Ang ganda niya talaga. Para siyang anghel. Ang simple simple niya. Hindi ko aakalaing magagawa kong magpropose sa kanya. Siguro ay dahil mahal na mahal ko na siya. Hinigitan niya pa ang pagmamahal ko kay Michelle dati.

Nagkausap naman na kami ni Michelle sa pangalawang pagkakataon. Siya ang nakipagkita sakin. Hindi ko man gusto na saktan siya pero hindi ko naman pwedeng lokohin ang sarili ko na hindi na siya ang mahal ko. Hirap na hirap siyang tanggapin ang lahat. Pilit niyang inirarason na wala naman talaga siyang kasalanan pero hindi ako natinag. Hinayaan ko lang siyang magsalita ng magsalita at umiyak ng umiyak sa harap ko kahit na may mga taong tumitingin na sa amin sa restaurant na yun. Kahit na rinig na rinig ko ang bulong bulungan na ang sama ko daw na lalaki para paiyakin ang tulad niya pero hinayaan ko lang sila. Hindi naman nila alam ang buong kwento ng buhay ko at alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang masama.

Unti unti kong binuhat si Caulif para hindi magising at inihiga sa kama.

Siguro nga kailangan ko ng magmove on sa nakaraan ko. Kailangan ko ng harapin ang kinakatakutan ko dahil alam kong kasama ko 'tong babaeng 'to na mahal na mahal ko.

Dahan dahan akong humiga sa tabi niya at tinititigan parin siya pero nagulat nalang ako ng niyapos niya ako. Para tuloy gusto ko siyang itulak dahil sa gulat pero pinigil ko nalang.

Ang sarap pala ng pakiramdam ng ganito. Na nakayakap ang babaeng mahal mo lalo na sa pagtulog at sa paggising mo ay mukha na niya agad ang makikita mo.

Another first time for me.

Mabuti nalang talaga ay nagtagumpay yung plano ko. Pinaghandaan kaya namin ng pamilya ko yun.

Ni-Reactment namin lahat ang mga pagkikita namin ni Caulif kaya may mga litrato ako mga yun.

Yung garden naman ay niregalo na sa akin ni Mara nung birthday ko kaya pwede kong gawin kung anong gusto ko dun.

Heal Your Heart 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon