HYH #1 - History

5.4K 103 7
                                    

"Yes! Yes!!! Yes!!!!!" tuwang tuwa at tumatalon talong kong sabi. Bakit? Dahil sinagot na ako ng babaeng matagal ko ng mahal. Niligawan ko ba naman siya ng limang buwan and it's worth the wait!

Masayang masaya talaga ako. Sa sobrang saya ko naistorbo ko pa yung mga nasa kabilang mesa ng restaurant na 'to.

First year college pa lang kami nun. Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari dahil sikat na sikat siya at maraming nagkakandarapa sa kanya dahil sa ganda at talinong taglay niya.

Dumaan ang mga araw ay lagi ko siyang hinahatid sundo sa bahay nila. Pinagbibitbit ko pa nga siya ng Bag at mga libro. Lagi rin kaming magkasamang kumain dahil magkaklase naman kami. Tabi pa nga kami ng upuan sa likod eh. Lagi pa kaming nagkukulitan kaya minsan napapagalitan at pinaghihiwalay kami ng upuan ni Prof.

Lagi din kaming magkatext kapag sabado at linggo naman. Umaga, tanghali at gabi pati madaling araw narin. Lagi ko siyang kinakamusta. Kung kumain na ba siya o kung anung ginagawa niya.

Binibigyan ko siya ng white roses sa monthsary namin dahil gusto niya yun. Kinakantahan ko din siya minsan with matching guitar pa nga eh saka nagpapagawa din ako ng couple shirt.

Trinato ko siya na parang prinsesa. Ni hindi ko siya halikan at akbayan pati nga holdinghands eh dahil sa sobrang respeto ko sa kanya.

Binibilhan ko nga siya ng mga bracelets, earrings, necklaces, at ponytails. Pinagluluto ko rin siya kapag magpipicnic kami.

Nagbake nga rin ako ng Caramel cake ng minsang mabanggit niya na paborito niya yun.

Ilang beses kong pinagtapat na mahal na mahal ko siya. Ilang beses kong ipinagsigawan na mahal ko siya. Ilang beses kong pinakita na siya lang at wala ng iba.

Ipinakilala ko pa nga siya kina Mommy at Xairyl. Tanggap naman siya. Okay sila sa kanya.

Masayang masaya talaga ako. Masayang masaya ako. Masayang masaya talaga.

Pero ni minsan.

Ni minsan

Kahit minsan

Kahit kailan

May hindi ako nagawa.

Hindi ko nasabi.

Hindi ko natanong.

Hindi ko napansin.

Ni hindi ko manlang natanong kung masaya siya.

Ni hindi ko manlang natanong kung mahal niya rin ako.

Ni hindi ko manlang natanong kung nagustuhan niya lahat ng ginawa at binigay ko para sa kanya.

Akala.

Akala ko masaya siya sakin.

Akala ko mahal niya rin ako.

Akala ko nagustuhan niya lahat ng binigay at ginawa ko para sa kanya.

Pero nabulag ako.

Bulag sa pagmamahal na meron ako para sayo.

Bulag sa pag aakalang mahal mo rin ako.

Bulag sa pag iisip na masaya ka sa piling ko.

Mali pala.

Maling mali.


1 year anniversary natin ngayon.

Dinalaw kita sa bahay niyo dahil hindi ka nagrereply sa mga text ko at hindi mo rin sinasagot mga tawag ko. Naka terenta na yata ako pero wala parin.

Kaya pinuntahan kita. Nagdoorbell ako. Tatlong beses na ata para 'I love you' pero wala parin talaga. Ang pinagtataka ko lang ay hindi naka-lock ang pinto ng gate. Natakot ako. Natakot ako na baka inakyat kayo ng masasamang loob kaya dahan dahan akong pumasok para hindi mabulabog ang magnanakaw.

Nagtatago ako sa bawat sulok, silong at likod ng kung anong mga bagay na malapit sa akin ng mahagip ng mga mata ko ang isang nakaawang na pinto kaya dahan dahan akong lumapit at sumilip.

Ewan ko ba, pero bigla akong nanghina sa mga nakita ko kaya nasagi ko ang malaking vase sa tabi ko dahilan para magulat sila.

"Zaimyl!" sigaw mo sa gulat.

Sinulyapan ko sila sa huling pagkakataon saka nagmadaling tumakbo palabas ng bahay na 'to.

Ang sakit.

Ang sakit sakit talaga.

Kailangan ko ng lumayo.

Lumayo sa sakit.

Hindi ko naman kasi alam na gusto mo ng physical intimacy eh di sana pinagbigyan kita. Hindi ko naman din kasi alam na napakababaw mo palang uri ng babae eh di sana matagal ko ng ginawa.

Dapat pala nagtira ako para sa sarili ko para kapag dumating yung araw na iiwan mo ako ay kaya ko pang sumaya. Hindi tulad ngayon. Walang wala ako. Wala ng natira sakin kundi pagkalalaki ko dahil sobrang respeto ko sayo pero aanhin ko 'to kung ang puso't isip ko ay dala mo.

Naging gentleman naman ako pero hindi ko naman kasi akalain na maginoo't medyo bastos ang hanap mo. Oo, napasukan ka nga. Napasukan ng magnanakaw na nagustuhan mo.

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now