HYH #5 - Someday

2.5K 66 8
                                    

Nauna na kaming umuwi ni Mama dahil may dadaanan pa daw si Xairyl kay Myko. Wala naman akong dapat ikabahala dahil walang malisya. Bakit? Dahil bakla nga pala siya pero hindi lumalantad baka kasi maitakwil ng mga magulang at matanggalan ng mana. Mag-isa ba namang anak at lalaki pa.

Dapat pala pinagsabihan ko na 'yung bakla yun na iwas iwasan ang pagsasalita ng mga kabaklahan at kalandian lalong lalo na ang kahalayan saka kalaswaan narin. Nagagaya tuloy ni Xairyl sakanya pati si Mama ay nahahawa na.

"Ang dami naman nitong binili ni Xairyl Ma. Para saan ba 'tong mga 'to?" tanong ko habang ipinapasok sa ref ang mga sangkap na binili namin.

"Magbabake daw siya ng Mango Cake na dadalhin sa Daddy niyo at syempre, Green Apple Cake para sa sarili niya hahaha."

"Wow naman. Mukhang mabubusog ako nun ah? Naku. Green Apple na naman?"

"Ganun talaga hahaha kaya nga green ang mata eh."

"Dun niyo po kasi pinaglihi saka yang blonde hair niyo nakuha niya rin. Tsk. Kung hindi ko lang talaga alam na magkapatid kami malamang tinakwil ko na siya."

"Hahahaha kaw talaga. Oh, siya sige baka hanapin ka na ng Daddy mo."

"Ah. Oo nga po pala. Sige po Ma." paalam ko saka humalik sa pisngi nila.

Nang makarating ako sa bahay ay wala pa si Dad. Ako na lang mag-aayos ng pagkakainan namin habang wala pa siya.

Hindi naman kasi ako marunong magluto tulad ni Xairyl na Culinary ang kinuhang kurso kaya malayang malaya siyang bumili ng kahit na anong sangkap.

Maya maya'y rinig ko ng bumukas ang gate saka kotse ni Dad kay tumakbo agad ako sa Main Door para salubungin siya.

"Zaimyl, anak. Bat dito ka pa naghintay?" tanong ni dad habang tinatahak namin ang daan papasok sa loob ng bahay.

"Kararating ko lang ng ilang minuto Dad."

"Ganun ba? Sige, magpapalit lang ako ng damit para makakain na tayo agad."

Tumango na lang ako bilang tugon. Bago pa sila bumaba ay umupo na agad ako sa upuan at nagpapapak na muna ng seedless na ubas. Kung kay Xairyl ay green na mansanas pwes ako ay pink violet na ubas.

Maya maya'y bumaba narin si Dad saka umupo sa upuan. Halata sa mukha niya na pagod at kulang na siya sa tulog.

"You okay Dad?"

"I think so."

"Can i give you a hand?"

Naawa na ako sa itsura niya. Depressed na depressed siya sa trabaho at wala si Mama para ma-ease yung pain at pagod niya.

"Really? Baka may aasikasuhin ka pa?"

"Wala na Dad. Tapos ko na po yung Thesis ko at iba pang mga projects."

"Ganun ba? Sige. Actually, may meeting ako bukas sa President ng 'G2Company' para sa business expansion natin pero mukhang hindi ko yata magawa dahil may business trip pa ako sa Korea."

"Ako na lang bahala Dad. Let's just say na ito na yung magiging training ground ko." pagprepresinta ko.

"Okay. I trust you Son."

"Thanks Dad."

Pagkatapos naming kumain ni Dad ay umakyat na siya sa kwarto para makapagpahinga na rin siya.

Umakyat na rin ako sa kwarto ko since wala naman na akong magawa sa sala at maisip na gawin.

Pagkahiga ko ay nakatingin lang ako sa kisame.

Makakalimutan din kita Michelle Cruz. Makikita mo. Siguradong mapapahiya ka lang.

You'll see. Someday.

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now