HYH #18 - Lala's Plan

1.7K 56 4
                                    

ZAIMYL POV

Nginitian ko siya bago umalis at ganun din ang ginawa niya.

"Apo, tell me. Do you like that girl?"

Napawi bigla ang mga ngiti ko at napalitan ng hiya ng magsalita si Lala.

"Lala naman." sabay kamot ko ng batok.

"At bakit? Maganda naman siya ah?"

"Alam ko naman po yun, La. Pero-"

"Hindi ka pa ba nakakapagmove on dun sa Michelle Cruz na yun?"

Nang init bigla ang dugo ko ng marinig ang pangalang yun.

"Tama ako, diba?"

"Takot lang ako, La. Takot na baka maulit uli at masasaktan lang ako sa huli."

"Sa tingin mo ba'y magagawa niya sayo yun? And don't worry, I have a plan."

"Plan? What is it?"

"Secret muna Apo." hinayaan ko na lang si Lala.

Sa totoo lang. Sa unang kitang kita ko palang kay Excell ay alam kung mabait siya. Para bang hindi siya makakagawa ng bagay na ikakagalit at ikakasama ng loob mo.

Pero.

Natatakot ako.

Na baka dumating yung araw na magbago siya.

"Baka kasi magbago siya 'pag nagtagal."

"Apo, walang nagmamahal na hindi nasasaktan. Anong gusto mo, makita siyang masaya sa piling ng iba? Eh diba mas masakit yun? Dahil imbis na ikaw ang kasama niya ay hinayaan mo lang siyang mapunta sa iba."

"Anong dapat kong gawin?" tanong ko. Dahil sa totoo lang. Gustong gusto ko ng bumangon sa masalimuot kong nakaraan.

"Hayaan mo lang siya sa tabi mo. Let her heal your heart." tama si Lala.

"Paano po?"

"Let me handle things like this." napangiti ako sa sinabi ni Lola. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ang likod nito.

"You're my super grandmother to the rescue, La." sabi ko sabay kindat.

"Of course, you're my handsome grandson!"

Maya maya'y pumasok na ang doktor kasabay ang isang nurse at ang nursing student na si Excell. Kasunod nilang pumasok sina Lolo, Xairyl, Mama at Daddy.

---

Kinabukasan.

Napagpasyahan ng iuwi si Lala dahil ayaw daw niya sa amoy at itsura ng ospital.

Naiwan lang sila sa bahay kasama si Lolo para bantayan siya. May klase pa kasi ako at nasa trabaho naman si Daddy.

Pagdating sa Sean University ay agad kong ipinark ang kotse ko. Pagkababa ko ng kotse ay nanlaki agad ang mga mata ko sa gulat.

Bakit ba bigla bigla nalang pasulpot sulpot ang isang 'to? Baka magkaroon na ako ng sakit sa puso sa ginagawa niya.

"Tsk. Kaw pala. Bakit ba sumusulpot ka na lang bigla?"

"Hinintay talaga kita." sabi niya ng seryosong mukha (-_-).

Napakunot ako ng noo. Ano namang kailangan nito? Tsk. Ah, Oo nga pala. Kamuntik ko ng nakalimutan. Si Xairyl pala. Tsk. Mukhang tinamaan ang loko ah. Bakit ba kinailangan ko pang mag-isip?

"Okay." sabi ko na lang at mukhang alam niya kung ano ang nasa isip ko saka naglakad na kami papuntang Management Building.

Habang naglalakad ay may mga matang nakamasid sa amin pero patuloy lang kami ni Zachary na parang walang tao.

Ano bang problema nila?

Bakit ganyan sila makatitig?

Ang dami ring bulung bulungan sa paligid. Hindi ako sanay ng ganito. Ayoko ng attensyon nila.

'Tignan mo oh, nagsama yung parehong may sariling mundo.'

'Oo nga, pero aminin mo. Ang gagwapo nila.'

'Sinabi mo pa! Feel ko tuloy gumawa ng fans club!'

'Para silang mga ramp model.'

'At mukhang matatalino pa!'

Nabibingi na ako! Alam kong kanina pa din nagtitimpi si Zachary pero gaya ko hindi na lang din niya pinatulan.

Hindi parin maalis sa aming dalawa ang mga mata ng ibang estudyante. Maging mga kaklase namin.

Napagpasyahan ko na ring sa likod umupo sa tabi ni Zachary at lahat ng mga kaklase at guro namin ay napapatingin sa aming dalawa.

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now