HYH #26 - Amazed

1.6K 47 8
                                    

Araw ng meeting ko kay Ms. Del Ricafort at papunta ako ngayon sa mansyon nila saka ang aga aga pa kaya.

Oo, tama kayo.

Sa mansyon nila dahil ayaw daw niya sa kompanya kasi baka may makakita sa kanya.

May pagkamisteryosa naman siya.

Pagkarating ko sa mansyon nila ay tinanong muna ako ng kung anu-ano ng security guard nila.

Tsk.

Napaka-istrikto naman nila.

Pagkapark ko ng kotse ko ay may lumapit agad saking may edad na katulong. Bumaba agad ako ng kotse ay nagsalita siya bigla.

"Kayo na po ba si Mr.Zaimyl Miguel?"sabi niya na may nangingislap niyang mga mata.

"Ah. Opo."

"Talaga? Ang gwapo mo naman pala, Iho." kumapit siya sa braso ko. "Tara na sa loob, hinihintay na tayo ni Mara."

Nagpatianod na lang din ako ng hilain niya ako papasok ng mansyon.

Nagtuloy tuloy lang kami sa living room at pinaupo ako.

"Oh, siya. Maiwan na muna kita ha? Tawagin ko lang si Mara."

"Sige po, salamat."

Ngumiti siya saka nagmadaling umakyat ng hagdan.

Siguro'y matagal na nilang katiwala yun dito kung bakit Mara lang ang tawag sa anak ng kanyang amo.

Inikot ko na lamang ang aking paningin sa buong bahay. Maganda ang pagkakagawa ng istruktura at disenyo ng bahay isama narin ang kulay ginto nito.

Napatayo ako dahil napukaw ng isang painting ang mga mata ko. Ang ganda. Sobrang ganda.

A view with full of sunflowers.

San kaya ang lugar na 'to?

Napakarelaxing.

Im Amazed.

Ang cool.

A place where i want to be with someone special.

Gumuhit ang ngiti sa aking labi.

Parang totoong totoo.

Ang galing naman ng pintor nito.

What a smooth hand to paint on.

"So, does that paint make you smile?" naglaho bigla ang mga ngiti ko.

huh?

Napalingon ako sa kung sino man ang nagsasalita.

Napasimangot ako.

"You like it?" tanong niya.

Kumunot na lang bigla ang noo ko.

"*chuckles* Ang sungit mo pala talaga." sabi niya saka umupo sa sofa.

Umupo na rin ako at kinuha sa case ko ang mga papeles tungkol sa business expansion namin.

"Whoah. Wait. Trabaho agad? Agad agad? Chillax lang!" matawa tawa niyang sabi. Maganda siya. Sobra. Pero hindi ako nabibighani sa kanya like those other girls except Excell.

"I went here for our business expansion not for other nonsense matters." straight to the point kong sabi.

"*chuckles* Grabe. Kaya nga ikaw ang napili kong imeet eh kasi alam kong hindi ka mahuhumaling sa akin."

Ang yabang!

Pero may ipagmamayabang naman.

I rolled my eyes in disbelief. Ganito ba talaga siya?

"Ang sungit mo namang lalaki. Ngayon lang yata ako nakakilala ng tulad mo."

"What do you really want?"

She smirked and i feel something bad about it.

EXCELLEN POV

Nandito kami ngayon nila Lola sa may Garden kasama sina Xairyl at Zachary. Tsk. Try kaya nilang huwag munang magkasama?

Para kasing, daig pa nila ang bagong kasal na laging magkasama.

"Oh-Em-Zee!" Zee daw, stands for Zachary. "Gabi na pero wala pa si Zaimyl baka nagustuhan siya ng Mara na yun!"

Napakunot noo ako.

Kanina ko pa kasi iniisip kung anong ginagawa nila.

8am pa nga umalis si Zaimyl dito eh tapos 8pm na. Ano yun, 12hrs ang Business meeting? Masyado na yatang matagal yun?!

Ano ba 'to!

Hindi na ako mapakali.

Alam kong wala akong karapatan kasi wala namang kami.

"Argh! I can't help it! Let's go Zachary!" tumayo siya hinihila si Zachary.

"Huh? Where to?" tamad namang magsalita nito.

"Susunduin na natin si Zaimyl!"

Whoah! Overprotective na twin sister ah? Daig pa yata ako?

Wait, what?

Anong nasabi ko?

"Yin, Apo. Pauwi narin siguro yun."

Yin?

"No, Lala. Hindi maatim ng imagination ko na minomolestya siya ng Mara na yun!"

Push mo yan, Xairyl.

"Mas kilala mo ang kambal mo higit pa sa amin ng Lolo at ng mga magulang niyo."

Natigilan saglit si Xairyl at naupo na uli parang malalim ang iniisip.

Maya maya'y narinig naming bumukas ang gate. Sa wakas, nakauwi na rin siya.

Tumayo agad si Xairyl. "Sina Daddy yun!" saka siya tumakbo palayo.

Sina Daddy yun? Means hindi si Zaimyl? Ano ba naman!

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now