HYH #52 - After All

1.6K 35 3
                                    

Napakalas ako ng yakap at hinarap ang mga mata niya. Anong bang ibig niyang sabihin?

"Ha?"

"Mahal na mahal na kita at ayokong mawala ka pa sa akin."

"Ganun din ako Brocolli."

"Caulif.."

"Ano yun?"

Unti unti niyang niluhod ang kanang tuhod. Siguro dahil sa sakit nito.

Teka?

Bakit yata iba na ang damit niya?

Ang bango rin.

Napakunot noo akong nakatingin sa kanya. Ano 'to? Anong ibig sabihin nito? Anong nanggyayari?

"Caulif? Caulif!"

Napabalik ako sa tamang pag-iisip ng tawagin niya ako.

"Bakit?"

Nanlaki naman ang mga mata ko ng makitang hawak niya ang isang puting maliit na kahon.

"I said, will you marry me?"

Ha?

Nagawa niya pang magpropose sa kalagitnaan ng ganitong sitwasyon?

*Tak! Tak! Tak! Tak!*

Nagsimula na namang bumukas ang ilang ilaw dahilan para matanaw na ang buong garden.

Laking gulat ko ng makita ang pamilya ni Zaimyl pati narin ang mga kapatid ko saka yung dalawa kong kaibigang sila Mika.

Pati yung mga dumukot sakin na nakaitim ay nakabihis din. Anong meron? Ano bang nangyayari dito?

Yung totoo?

Naguguluhan na ako.

Binalik ko ang tingin ko kay Zaimyl at napataas ang isang kilay. "Anong.. nangyayari?" tanong ko.

"Sorry.. Ang lahat ng ito ay planado mula nung makidnap ka kunware.. Sorry kung pinag-alala kita.. Kung natakot ka.. Sorry din dahil Isang linggo akong hindi nagparamdam sayo.. Yun ay dahil para paghandaan ang lahat ng 'to.. Sorry.."

Hindi ko parin makuha ang sinasabi niya. Para saan ba 'to? Bakit niya 'to ginawa?

"Bakit?" yung lang ang salitang lumabas sa bibig ko dahil sa dami ng  katanungan ko.

"Dahil mahal kita Caulif.. Mahal kita kaya nagawa ko ang lahat ng 'to.."

Dahil mahal niya ako? Paano naman si Michelle?

"Si Michelle?"

"Nung nag-usap kami ay  dalawang bagay ang natuklasan ko."

"Ano yung mga yun?"

Ngumiti bago sumagot "Una, wala na akong narardaman sa kanya dahil pinagaling mo ang puso ko.  Pangalawa, mahal na pala kita at hindi ko kayang mawala ka sa akin. Lalo na nung on-air ka sa radyo."

"Narinig mo yun?"

"Oo. Sobra akong nasaktan nung isusuko mo na ako. Hindi mo man lang ako tinanong. Basta ka nalang tumakbo at hindi nagpakita."

"Sorry, nag-assume kasi ako eh."

"Tama ka nga. Ah. Teka, wala ka bang balak na sagutin ako?"

"Sagutin ang alin?"

Natawa muna siya sa naging reaksyon ko "I asked you to marry me."

"Ha?"

Ano daw?

"Will you marry me?"

Ano nga uli? Makapaglinis nga ng tenga pag-uwi sa bahay. Mukha kasing nabibingi na ako.

Heal Your Heart 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon