HYH #19 - Granted

1.7K 56 6
                                    

Pauwi na kami ng makasalubong namin si Xairyl sa hallway. Napapadalas yata ang pagpunta at pagdalaw kay Zachary ah?

Tsk.

Nagpapacute na naman ang babaeng 'to.

Pinaningkitan ko lang siya ng mata. Siya namang taas baba ng dalawang kilay na may ibig sabihin na 'Umuwi-ka-na-dahil-magpapahatid-na-lang-ako-kay-Zachary-look.'

Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata ko, "I get it." sabi ko saka tumingin naman ako kay Zachary.

Kahit na hindi kami mag-usap ay nakikita ko sa mga mata niya ang gusto niyang ipahiwatig. Sobrang seryoso niyang tao. Hindi manlang magawang ngumiti tulad ko. Tsk. Maiwan ko na nga silang dalawa dyan.

Magdadapit hapon na ng makauwi ako sa mansyon namin. Dumaan pa kasi akong grocery para bilhan si Lala at Lolo ng paborito nilang Pomelo. Syempre, bumili rin ako ng Red Grapes para sakin (^_^)v

*Tok.Tok.Tok.*

"La?"

"Lala?"

*Tok.Tok.Tok*

"Lo?"

"Lolo?"

Huh?

Bakit hindi sila sumasagot?

Tulog na kaya?

O baka.

Baka naman inatake na naman si Lala at nagkataong nakiuso si Lolo?

Hindi kaya?

Hindi kaya.

Hindi kaya gumagawa sila ng magiging bunsong kapatid ni Daddy?!

No way!!

 

Hindi ko maimagine!!

Tsk.

Kalokohan.

Walang anumang binuksan ko ang pinto ng kwarto nila saka sumilip.

Anong?

Bakit wala sila dito?

Umalis na ba sila?

Lumapit ako sa closet. Nandito pa naman ang mga gamit nila ah?

Hmm.

Lumabas ako ng kwarto at saktong dumaan si Annabelle. Ang mayordoma namin.

"Kayo po pala, Senyorito."

Tumango lang ako. "San sina Lala?"

"Nasa Garden lang po sila."

"Sige."

"Walang anuman po."

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay dali dali akong pumuntang kitchen para makuha ang pinahugasan kong Red Grapes at pinabalatan ang Pomelo dahil ako na lang ang magdadala nun sakanila.

Pagdating ko sa Garden ay naabutan kong nakaupo si Lala. Asan naman kaya si Lolo? Bakit mag-isa lang si Lala? Anung merun? LQ?

"Lala!" tawag ko habang papalapit. Dala ang dalawang malalim na mangkok na naglalaman ng Red Grapes para sakin at Pomelo para sa kanya.

"Apo. Bakit ngayon ka lang?" tanung ni Lala ng makaupo na ako sa upuang bakanteng katapat niya.

"Bumili kasi ako ng paborito mong pomelo at grapes para sakin." sabay pakita ko sa mangkok. "Tada!"

"Wow! May asin ba dyan?"

"Naman, La. Boyscout yata 'to!" saka ko tinuro ang sarili ko.

"Hahaha Yan ang gusto ko sayo, Apo eh."

"Apo mo yata ako."

"Ikaw na bata kang talaga."

"Ngapala, La. Asan si Lolo?"

Magsasalita na sana si Lala pero may laman pa ang bibig niya kaya hinintay ko munang malunok niya.

"Sumama siya kay Daddy mo papuntang Korea."

"Ah." napaisip tuloy uli ako. Desido talagang hanapin ni Lolo yung fiancee kuno ko daw.

"Alam mo na ba ang tungkol sa apo ng yumaong kaibigan ng Lolo mo?"

"Opo, La."

"Pasensya ka na, Apo."

"Wala kang kasalanan, La. Saka, may kasunduan na kami ni Lolo."

"Nabanggit nga niya."

"Hay. Bahala na. Ahm. bakit ka nga pala mag-isa dito, La?"

"Hindi ako mag-isa at hindi pwedeng bahala lang. Di ba, sabi ko sayo I'll handle things like this?"

"Oo nga po. Ano po bang gagawin niyo?" tanong ko saka sumubo ng sumubo ng Grapes at nginuya.

Ano kayang plinaplano ni Lala? Naiintriga ako.

"Correction. Ginawa, instead." saka ngumisi si Lala.

Whew!

Ano naman kaya yun?

"Lola, pasensya na po dahil  natagalan ako. Naligaw po kasi ako eh."

Lumingon ako sa likuran ko para makita kung sino ang kumakausap kay Lala.

What the!!

What is she doing here?!

Did Lala do this for me? To grant her plan?

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now