HYH #2 - Family Resolve

4K 82 7
                                    

Hanggang ngayon. Hindi ko makakalimutan yung panloloko mo sakin at hinding hindi kita mapapatawad sa kawalang hiyaan na ginawa mo sakin kahit kailan. Pare pareho lang kayong manggagamit at hindi nakukuntento sa merun kayo.

"Zai!"

Tandaan mo 'to! Pagsisisihan mo talaga ang araw na nakilala mo ko.

"Hoy, Zai!" huh?

Napatingin ako kung sino yun. Yun naman palang kakambal ko na makulit ay nangungulit na naman.

"Kanina pa kita tinatawag pero mukhang malalim na naman yang iniisip mo! Si Bruhang Michelle Cruz na naman ba yan?!"

"Don't you ever mention that girl name again!" sigaw ko.

"Whoah! Yun oh! Scripted na talaga hahaha" Tsk. Kulit.

"Why are you here anyway?"

"Nandyan na si Mama, Kakain na daw. Tara, dali!" saka na ako hinila papuntang kusina. Nagpatianod naman na ako.

Pagkarating namin sa kusina ay nakaupo na si Mama. Hays. Ang ganda parin talaga ni Mama. Hindi ko talaga alam kung bakit siya hiniwalayan ni Daddy. Gusto ko nga silang ikuha ng mas magandang bahay pero tumanggi sila. Okay na daw yung suporta na binibigay ni Dad kay Xairyl. Minsan ay bumibisita din si Xairyl kay Dad.

"Kamusta ka na anak?" tanong sakin ni Mama.

"Haya'n, ampalaya parin siya Ma." sagot ni Xairyl.

"Hindi ka parin ba nakakapagmove on?" tanong uli ni mama

"Sa tingin ko naman Ma ay hindi pa." sagot uli ni Xairyl

(-_-#)

"Marami pa naman dyan kaya wag ka ng malungkot." sabi ni Mama

Magsasalita na sana ako ng sumingit uli si Xairyl.

"Wala eh, Mahal niya Ma eh."

"Xairyl!" suway ko na may warning look.

"Hahahahaha" saka na sila tumawa ni Mama.

"Relax lang. Zaimyl, anak. Pinapagaan lang namin ng kambal mo ang atmosphere."

Hays. Oo nga pala. Pareho silang kalog. Hindi pa ba ako sanay?

Tsk.

"Ngiti ka naman, Zai. Gayahin mo ko."

"Tsk. Maglove life ka muna saka magpaloko ka para maramdaman mo." sabi ko.

"Gusto mong umiyak ako? Pag nangyari yun baka hindi na ako makakain, makatulog, at makapag aral."

"Ang drama mo." pinaikot ko na lang ang mga mata ko.

"Hahahahaha" tawa lang ng tawa si Mama.

Pagkatapos naming kumain ay nagkwentuhan muna kami sa sala habang nanunuod ng tv. Naglaro din kami ng scrabble at syempre, sino pa bang mananalo kundi ako lang naman hahaha

Maya maya'y napagpasyahan ko ng magpaalam para umuwi.

Nang makarating sa bahay ay naabutan kong umiinum si Daddy sa Living room habang nanunuod ng tv kaya tinabihan ko siya at nagsalin rin ng alak sa baso saka ininum. Wala namang kaso kay Dad kung uminum ako basta kaya ko daw sarili ko.

"How's your twin sister.. and your mother?" tanong niya. Tsk. Halata naman kay Dad na Mahal niya pa si Mama eh at ganun din si Mama kay Dad. Hindi ko nga lang alam kung anung dahilan kung bakit sila naghiwalay.

"They're fine." sabi ko saka uminum uli. "Dad, can I ask you a question?"

Tumingin siya sakin. "What is it?"

"Why you and Mom separated? When it's obvious that both of you are still love each other."

"I don't know what happened to us. Your Mom and I were so happy. I loved her so much until now. Maybe because, naging possesive ako sa kanya. Sobrang seloso. Nasakal siya. Napagod sa pag intindi sakin. But, I regret it everything. I've changed alot para kung sakaling bumalik siya ay hindi na siya masaktan pa. I really love your Mom that much."

"Masama ang kulang at sobra Dad." oo dahil naranasan ko na yun.

"Yeah. You're right. And I am really hoping that we can still have each other again."

"She's hoping as same as yours. Maybe she's waiting for you for you to move Dad." sana mabuo uli ang pamilya ko.

"I hope so and I'll work to it. And oh. By the way, kailan uli ako bibisitahin ni Xairyl?"

"The day after tomorrow."

"Good. By the way, Son. How's your Frozen Heart?" i was taken aback when he asked me that.

"Nothing Changed."

"I'm sorry, Son." napatingin ako sa kanya. "for not protecting you that day."

Nung sabihin niya yun ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Maniniwala ba kayong si Dad ang kainuman ko nung araw na yun? Nung down na down ako? Sabi niya kasi na mas mabuting siya na lang daw kaysa makagulo at makadisgrasya pa daw ako.

"Thanks Dad. As long as you're here, Mama and Xairyl, I'll be fine. Ah, Dad? Do you wanna play table tennis? I'm giving you a chance to win from me." alok ko na may pang aasar. Bonding na kasi namin ang table tennis at isang beses lang siyang nanalo sa akin.

"Hinahamon mo ba ako, anak?" nagtawanan kami at nag unahang tumakbo papuntang Table Tennis room namin.

Ang swerte ko dahil may Daddy akong mapagmahal, may Mama akong mabait at may kambal akong makulit. Yun nga lang 'di kami buo. Pero okay lang, darating din tayo dyan kaya hintay hintay lang.

I'm happy for having a happy family and guide me for everything to resolve my problems and fears in life.

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now