HYH #37 - Best Actor

1.4K 43 5
                                    

CHAPTER 37 - BEST ACTOR

EXCELLEN POV

Kinikilig ako mula kanina pa. Kasi naman eh. Hindi ko inaakalang binigyan niya ako ng pagkakaton para iparamdam ang nararamdaman ko.

Nung ikwento niya yung nangyari sa masalimuot niyang nakaraan ay nalungkot ako. Nalungkot ako na baka hindi na niya muli buksan ang puso niya at maaaring natatakot narin siyang magmahal sa pangalawang pagkakataon.

Habang papasok kami ng Mansyon nila ay hinawakan ko ang kamay niya at marahang pinisil.

Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nakikita ko ang ngiti niya lalo na nung nalaman na nilang kami at kahit na pinagkakaisahan na siya.

Pero kanina yun!

Hindi na ngayon!

At sa mga oras na 'to ngayon. Ewan ko kung maiihi ba ako o majejebs dahil sa matinding kaba.

Takte!

Si Tito Zeke kasi masyadong seryoso at nakakatakot tignan ngayon. Sinabi ba naman niyang 'Ayaw niyang maging kami ni Zaimyl at itigil na lang daw namin 'to kundi' yun ang sabi niya. Pinagbabantaan niya kami.

Kaya naman biglang tayo si Zaimyl habang hawak ang kamay ko. "But, Dad! I won't let you do that!" sagot niya.

Naku po! Mukhang masisira pa yata ang masaya nilang pamilya ng dahil lang sa akin. Mula ng dumating ako sa bahay na 'to at sa buhay nila ay nagkagulo gulo na.

"Hold on, Im not finish yet!"

Napatingin kaming lahat kay Tito Zeke. Ito na nga yung sinasabi ko eh. Ito na nga yun eh!

"Pero Dad?!" angal ni Zaimyl

"Ano ba naman yan, Yang. Alam mo bang matagal ko ng pinapraktis ang linyang yun? May nakita kasi akong Talent Search at balak kong mag-Audition baka sakaling kaya ko pang mag-artista! Kaw kasi eh! *pout* Ang daldal mo!"

Yung totoo?

Laglag panga namin dun ah!

Ang adik lang ni Tito Zeke!

Akala namin totoo na yun pala nagprapraktis lang?!

Napaupo naman si Zaimyl. "Grabe! Ibang klase!" napahawak siya sa sentido niya dahil siguro sa nangyari.

Ang adik talaga!

"Hahaha Love talaga!" sabi ni Tita kay Tito.

"Bakit?" nakangusong tanong ni Tito. "Ayaw mo na ba uli akong mag-artista?"

(O_O)

Artista?

D-dating artista si Tito?!

"Eh kasi naman Love, pag nangyari yun marami na namang magkakagusto sayo at mawawalan ka na naman ng oras sakin. You're the Best Actor I've ever met." sagot ni Tita. Nagkatitigan na naman silang dalawa.

Teka?

Bakit niya ina-unbutton ang coat ni Tito? Dito! Dito mismo sa harap namin?!

Gross!

My Eyes!

My beloved Virgin eyes!

Oh noes!

"Mom, Dad. Pwede bang umakyat na kayo?" sabi ni Zaimyl

"Really? Sige, magpahanda na kayo dyan para sa celebration natin!" ani ni Tito Zeke na nakaakbay na kay Tita Xena.

"Hahaha Oo nga Anak, mukhang hindi na kayo makapaghintay eh!" panunukso ni Lolo Kael

"Hala, Sige! Baka may pahabol pa sa pamilya!" dagdag ni Lola Elena

Paakyat naman na ng hagdan sina Tita at Tito. Mukha ngang tutuhanin talaga nila.

"Make it a Twins too, Dad!"

"Xairyl!" sabay sabay nilang sigaw. "Oops! Sareeh."

"Lessen your words, at times." huh? Nilingon namin si Zachary na pinagsasabihan si Xairyl.

Himala. Nagsalita.

---

Nandito na kaming lahat sa Dining Room. Nagsalo salo kami sa napakaraming pagkain.

Luto lang lahat ni Xairyl pero sinamahan lang siya ng mga katulong sa pagluluto dahil ayaw niyang may nakikialam kapag nagluluto siya. Nagbake din siya ng mga cake at cookies. May Handmade Icecream din siyang ginawa.

Ang galing talaga niyang magluto at masasarap pa!

Minsan nga gusto ko siyang tulungan eh pinagtulakan niya pa talaga ako palabas ng Kusina. Gusto niya daw kasing masolo ang kusina at makagalaw mag-isa.

Napuno ng tawanan, biruan, lokohan, asaran at tuksuan ang buong Dinning Room.

Maging sina Lolo Kael at Lola Elena ay hindi papahuli sa kalokohan.

Ang saya ng pamilya nila.

Pangarap kong magkaroon din ako ng ganito kasayang pamilya. Sana. Sana nga.

Gusto ko ng ganito.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang pinapanood silang tumatawa at nagsasalita tuwing kumakain.

Mayaman nga sila pero wala silang arte sa katawan kapag nagkaharap harap na silang lahat.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagtawa ay may naramdaman akong kamay na humawak sa kamay ko. Nilingon ko naman siya saka nagngitian. Ang saya talaga!

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now