HYH #16 - This Is It!

1.8K 62 7
  • इन्हें समर्पित: Majai_1017
                                    

EXCELLEN POV

Sobrang inaantok na talaga ako. Gutom na gutom narin ako pero anong magagawa ko? kung isang biscuit at zesto lang ang dinner ko ngayon?

Nagpadala kasi ako kila Nanay sa probinsya. Pambayad daw ng kuryente at tuition ng kapatid ko. Pambili rin ng Gamot ni Tatay para sa hika niya.

Walang wala na ako ngayon.

Said na said at butas na butas ang bulsa ko pati wallet.

Buhay nga naman (_ _')

"Ahem." Huh? Napaangat ako ng mukha.

Hala!

Nakakahiya!

Totoo ba 'tong nakikita ko?

"K-kayo po pala." sabi ko.

"May kasama ka?"  Ikaw kung gusto mo.

"Wala naman po."

"Ah. Pwedeng pa-share? Wala na kasi akong kakilala bukod sayo." Pwedeng pwede! (O///O)

"Ah. Ganun po ba? Sige po." sige lang (^_^)v

"So, nagmemeryenda ka?" Oops! Oo nga pala, nakalimutan ko.

"Hindi." sabi ko saka yumuko. Nahihiya ako sa kanya.

"Ngapala! Ito oh, sayo." inabot niya sa akin ang isang pinggang palabok na may manok at kanin.

Wow. Gustong gusto ko nito. Kanina pa ako nagugutom eh. Pero.

"Pero-"

"Bago pa man ako bumili, nakita na kita (^_^) kaya para sayo talaga yan." Ito ang gusto ko sa kanya. Yung pinapakita niya na hindi ako kaawa awa at nakakaawa.

"Salamat." tugon ko.

Nagenjoy akong kausap siya. Tawa siya ng tawa sa mga kwento ko sa kanya. Ang babaw pala ng kaligayahan niya. Ang saya naman.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako dahil 1hour lang ang break ko.

Tatayo na sana ako para umalis pero tinawag niya ako.

"Excell." napapikit ako since nakatalikod naman ako sa kanya.

Ang sarap pakinggan na tinatawag niya ang pangalan ko.

Lumingon ako at ngumiti.

Tumayo naman siya at lumapit. "Ah. pwede ko bang makuha number mo?"

This is it!

Hindi ako makapaniwala ng hingiin niya ang number ko pero ngumiti parin ako ng makabawi.

Kinuha ko ang phone niya saka tinype ang number ko.

"Thanks." sabi niya

"Salamat din." saka na ako umalis.

Ewan ko ba pero sobrang kilig ko ngayon. Bumibilis ang takbo ng puso ko kapag kausap at kasama ko siya.

Naglalakad ako sa corridor na may ngiti sa aking mga labi pero agad ring napawi.

Nang dumating ang dalawang babaeng kontrabida kuno sa buhay ko.

"Look what we have here." sabi ni Sasha.

"Tsk. Ang pangit mo na nga ang laki pa ng eyebags mo!" sabi rin ni Mika.

Mga kaklase ko sila at lagi nilang nilalait at kinokotsa ang itsura ko.

Lagi nilang sinasabi na mag-ayos ako. Na ang pangit pangit ko na. Minsan nga, pakiramdam ko ay gusto lang nila akong ayusan.

Hindi naman sila nagsasabi ng masasama at masasakit sa akin. Hindi rin nila inuungkat ang pagiging mahirap ko.

"Halika nga!" hinila ako ni Sasha at sumunod naman si Mika.

Ipinasok nila ako sa Comfort Room at dagliang nagkalkal si Sasha sa bag niya.

"Ito, para hindi sa oily tignan." pinahid niya sa mukha ko ang powder.

"Ah. Eh."

"Isuot mo rin 'to." isinuot ni Mika ang white pearl sa tenga ko. "Dapat lagi mo 'tong suot at Wag mong iwawala ah?"

"Pero-"

"Dapat sa susunod na magkita uli kayo ng gwapong yun ay maganda kang tignan." dagdag ni Sasha saka nilagyan ako ng Lipgloss.

"Ha? Hin-"

"Hayaan mo na, magiging kayo rin balang araw." sabi ni Mika na kinikilig at inaayos ang buhok ko.

Heal Your Heart 1 ✔जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें