HYH #44 - Party

1.3K 44 4
                                    

DIANARA POV

Pagkauwi namin ay umakyat na agad si Brocolli dahil sa huindi ko alam na dahilan. Siguro inis dahil sa inis ng paghihintay niya kanina.

Isiniksik ko naman sa mga groceries yung regalo ko para hindi nila mahalata saka mabilis na tumakbo sa kwarto ko para itago muna.

*Tok Tok Tok!*

Ha?

Binuksan ko agad ang pinto ng kwarto ko at tumambad sakin ang dalawa kong kapatid.

"Ate!" Sabi ni Erza.

Pinapasok ko naman sila sa loob at naupo kami sa kama.

"May regalo na kami sa birthday nila Ate Xairyl at Kuya Zaimyl."

Ano? Alam nila?

"Kailan niyo pa nalaman?"

"Kahapon pa po." Sagot ni Ezra.

Ano? Hindi man lang nila nasabi sa akin? Ako lang pala ang huling nakakaalam. Kaya pala, busy ang iba ngayong araw.

"Bat hindi niyo man lang sinabi sa akin?" *pout*

"Ah. Eh. Sabi kasi ni Ate Xairyl, siya na daw ang magsasabi."sagot naman ni Erza

"Oo nga eh. Nabigla ako kaya biglaan din ang pangbili ko ng regalo."

"Hahaha Ang saya ng dito Ate. Parang pamilya ang turing nila sa atin." Masiglang sabi ni Ezra

"Pero paano yan? Ayaw niyo bang tumira sa bahay ng mga magulang ko?"

Sayang naman kasi kung hindi yun magagamit. Saka nandoon yung mga alaala nila para sakin. Gusto ko silang makilala batay sa mga nakakakilala sa kanilang pagkatao. Kung anong klaseng magulang sila.

"Syempre gusto! Kung nasaan ka Ate, nandoon din kami ni Erza!"

"Tama yun Ate Dia!"

"Naku.." Ginulo gulo ko ang mga buhok nila at inilapit sakin saka niyakap. "Ang swerte ko talaga sa inyo."

"Pero Ate. Paano sila nanay? Baka magreklamo sila sa pulis? At kunin kami?" Tanong ni Ezra

"Ang tanong, gusto niyo bang bumalik dun?"

"Ayoko na Ate. Dito lang kami sa tabi mo." Sabay yakap sakin ng mahigpit ni Erza

"Salamat"

"Walang anuman Ate." Sabay nilang sabi.

Teka? Paano yung apelyido nila?

"Ah. Siyanga pala. Gusto niyo bang palitan ang apelyido niyo?"

Humaral sa akin si Erza "Wag nalang siguro Ate. Bilang respeto kila Nanay at Tatay."

"Ganun ba? Sige, kayo bahala."

*Tok tok tok!*

Tumayo ako para buksan ang pinto at makita kung sino ang tao sa labas.

"Tita?"

"Tara na Iha, Erza. Magpaganda na tayo! Hinihintay na tayo nila Xairyl at Mama. At ikaw naman Ezra, pumunta ka sa Guestroom katabi ng kwarto ng kuya Zaimyl mo, nandoon na silang naghihintay sayo."

"Talaga po? Sige po, aalis na po ako." Sagot ni Ezra saka nagmadaling tumakbo papunta sa sinabing kwarto ni Tita.

"Tara na?"

BIRTHDAY PARTY..

Sumilip ako sa labas mula sa bintana ng makarinig ako ng musika. Marahil ay marami na ang mga tao.

"Omeged! I'm so beautiful in our Apple Green Gown!" Tuwang tuwang sabi ni Xairyl.

Paborito niya ang Apple Green kaya Green ang motif niya. So, it means Apple Green sa mga babae?

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now