HYH #33 - The Date

1.4K 41 4
                                    

EXCELLEN POV

Kanina pa ako natutuwa kina Tita Xena at Zaimyl. Kanina parin hiyang hiya si Zaimyl at pulang pula na ang mukha.

Kung sa bagay, kung ako rin ang nasa lugar niya ay siguradong mas gusto ko nalang lamunin ng carpet kaysa naman mapahiya ako lalo na sa harap ng taong gusto ko.

Kanina pa nga tahimik si Zaimyl eh. Panay panay din ang buntong hininga niya.

Hays.

Sobrang nakakahiya talaga kasi yung kanina pati ako hindi ko na alam kung saan ko pa ilalagay ang hiya ko dahil sa pamumula.

Nagitla na lang ako bigla ng tumikhim siya saka bumuntong hininga  na naman.

"Pasensya ka na kanina ha?"

huh?

"Ah. Ayos lang."

"Ang kulit ni Mommy eh parehong pareho sila ni Xairyl. Duplicate yata sila eh."

Natawa na lang ako sa sinabi niya dahil tama siya.

"Kaya nga eh. Nagulat nga ako kanina ng kumatok siya sa kwartong tinutuluyan ko." nakikita ko sa peripheral vision ko na napatingin siya sakin saka binalik sa daan ang mga mata.

"Really? Anong sabi niya?"

"Nung una nga, akala ko palalayasin na ako dahil bigla na lang siyang pumunta sa cabinet at kinakalkal ang mga damit ko. Yun pala, ipinilian niya ako ng isusuot ko dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong isusuot ko."

(O///O)

"Tinulungan ka ni Mommy? Alam mo bang dati silang Model?"

Huh?

"Talaga? Kaya naman pala."

Naku. Nakakahiya naman. Kaya pala pulido ang kilos nila at ang ganda ganda pa ng figure parang hindi nanganak. Wala pa sa mukha na may edad na.

"Kung anung kinaganda nila ay yun ang kinakulit din nila."

"Tama ka *chuckles*"

Sa tingin ko. Gumaan na ang atmosphere ngayon at wala na yung hiyaan namin sa isa't isa.

ZAIMYL POV

Mabuti naman ay nakarecover na kaming dalawa sa mga eksenang gawa ni Mommy kanina.

Maya maya'y natatanaw ko ang lugar na yun. Natatakpan ito ng mga puno kaya hindi makita ang nasa loob.

Nang makarating na kami ay ipinark ko na muna sa tabi ay kotse. Halata namang naguguluhan si Excell kung bakit nandito kami ngayon sa mapunong lugar.

"Do you trust me?" tanong ko

Nakamaang lang siyang nakatingin sa akin pero napalitan rin ng mga ngiti. "Oo."

Hay, salamat.

Akala ko tatanggihan niya ako at baka mapahiya pero hindi naman pala. (^_^)

"Thank you." Sagot ko. Agad naman akong bumaba at pinagbuksan siya ng pinto. "Ah. Okay lang ba kung pumikit ka muna bago tayo makarating sa pupuntahan natin?"

"Sige." pumikit naman siya saka ko inalalayang maglakad na.

Pagkapasok na pagkapasok namin ay agad uli akong namangha sa lugar na 'to. Kahit pa paulit ulit hindi ako magsasawa.

Sana magustuhan niya rin dahil ako, gustong gusto ko. Sobra. Napakatahimik.

Ilalayan ko lang siya hanggang marating na namin ang lugar.

"You may now open your eyes." bulong ko sa kanya at pumunta ako sa harap niya para makita ang reaksyon niya.

Dahan dahan niyang minulat ang mga mata. Sa tingin ko'y sapat na para sakin ang reaksyon na yun.

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now