HYH #40 - Confusions

1.5K 47 5
                                    

Napagdesisyunan ko na kausapin ang mga kumupkop at nag-alaga sakin sa probinsya *note the sarcasm here* kaya nagpasya kaming pumunta ni Zaimyl kinabukasan matapos kong malaman ang lahat.

Madami pa talagang mga tanong na hindi ko alam ang mga kasagutan. Hindi ako makakapagumpisa kapag ganito ang sitwasyon. Nakakapanibago.

My mind is filled of Confusions and i want clarifications. Hindi ako matatahimik nito.

Gusto pa sanang sumama ni Xairyl pero hindi pumayag si Zaimyl.

"Take a nap. Hindi ka pa nakakatulog ng maayos. I'll wake you up when we arrive."

Napatingin ako sa kanya. Tumango tango lang ako sa kanya at ngumiti ng tipid.

Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya saka ipinikit ang mga mata. Agad namang inilagay ni Zaimyl ang headset. Share kami at nakikinig sa isang kanta. IKAW PALA by Kris Lawrence. Grabe, iba talaga impak ng kantang 'to sakin mula ng kinanta ito ni Zaimyal sa mall noon.

Thank God. Na sa akin parin ang Brocolli ko dahil hindi ko kakayanin na pati siya'y mawala sakin. Ibig sabihin na ba nun na magfiancee na kaming dalawa? Na kami ay ikakasal pagdating ng araw?

Yay!

Kinikilig ako!

Iniisip ko palang ay kinikilig na agad ako hihihi

"Cauli, I said matulog ka na hindi  kiligin okay?"

Napahagikgik ako. "Sorry, Can't help it!"

Ilang minuto lang ay nakaramdam narin ako ng antok.

"Cauli! Cauli, wake up!"

"Hmm.."

"Cauli.. We're here.."

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at inayos ko ang pagkakaupo ko.

"Let's go?" tumango ako at tinanggap ang kamay na inabot niya sakin.

Bumaba naman kami agad dahil magrerenta pa daw ng kotse si Zaimyl saka maghahanap na muna ng mas malapit na Hotel na matutuluyan para makapagpahinga man lamang pagkatapos kausapin ang mga kumupkop sakin.

Matapos naming mailagay ang mga gamit namin ay kumain muna kami sa restaurant.

Nang matapos ay sinabi ko sa kanya ang address at itinuro ang daan papunta dun.

Ang laki na ng pinagbago.

Kung sa bagay, Limang taon din ang nakalipas.

Ipinark na muna namin ang kotse sa maluwang na daan saka lalakarin ang masisikip at makikipot na daanan.

Panay ang lingon ko kay Zaimyl sa likod ko. Masasabi kong gulat na gulat siya sa mga nakikita. Bakas sa mukha niya ang awa sa mga batang madudungis. Isama pa natin ang masangsang na halo halong amoy. Maging ang mga menor de edad ay may mga anak narin.

Sino ba kasing hindi makapaniwala?

Eh mahirap na nga ang buhay ay nagawa pang magparami.

"Sabi sayo eh, dapat hindi ka na lang sumama."

"I'm okay." sabi niya kahit na nakatakip ang panyo sa ilong niya.

Hayaan na nga, (^_^) mapilit eh.

Kahit hirap na hirap at pawis na pawis na siya makipot na daan. Geez. Nahihiya ako baka maturn-off siya nakita niya ang bahay namin. Eks! (x) Hindi na pala ngayon.

Mula sa kalayuan ay natanaw ko na ang maliit, madumi, kalat kalat na gamit at tagpi tagping bubong pati dingding. May mga batang naghahabulan kaya namataan ko ang bunso namin. Err. Nila pala.

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now