HYH #9 - Twins

2.2K 64 7
                                    

Ngumiti siya saka pinisil ang dalawa kong pisngi. "Aww. Mashaket."

"Hahaha Ang cute mo talaga." saka niya inalis ang mga kamay niya.

Kasalukuyan kaming nasa Cafeteria ngayon para kumain. Malamang. Ano pa nga ba?

Siya narin ang nagpresintang bumili ng makakain namin dahil daw baka masaid ang pera ko kung ako pa ang bibili kasi matakaw daw siya kaya baka pagsisihan ko lang daw.

"Ngapala, nakalimutan kong magpakilala. I'm Zaimyl Miguel."

"Ah. Ako-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita uli siya.

"You don't have to introduce yourself. Mapulot ko ba naman ang Nameplate at I.D mo, ewan ko lang kung makalimutan ko pa."

"Ahe-he-he." wala akong masabi.

"Oh sya, kailangan na nating ubusin 'to baka may klase ka pa."

Oh! Hindi!

Tumingin ako sa relo ko. 12:45pm na pala. Hays.

"Wala kaming klase. Duty lang sa hospital saka 1:30 pa yun."

"Ah. Buti nakakaya mo? I mean, nakakapagod yang ginagawa mo."

Ngumiti ako ng mapait. "Ganun talaga. Ako panganay eh."

"Konti na lang ang tulad mo ngayon. Humahanga ako." napatingin ako sa kanya at ngumiti.

Enebe eng senesebe neye?

ANUNGKLASENGPAGHANGA?!

(O///O)

Ay, Grabe!!

"Salamat." Nahihiya kong sagot.

Bumalik lang kami sa tahimik na pagkain. Nahiya ako sa sinabi niya. Para tuloy may dumaang hangin sa pagitan namin.

"Anong ibig sabihin nito?!"

"Ay, susmaryusep kang bata ka!" sabi ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

Panu naman kasi. May biglang sumulpot na babae at inilapag ng malakas ang dalawang palad sa mesa namin ni Zaimyl.

Sino ba siya?

Pinagmasdan ko siya.

Blonde hair na shoulder level saka green na mga mata. May lahi ba siya? pero bakit fluent naman siyang magtagalog.

Umupo siya sa bakanteng upuan.

"Ikaw?" Huh? Tinuro niya ako.

"Ako?"

"Oo, ikaw nga. Anong relasyon niyong dalawa?"

"Ah. Eh." sa totoo lang. Hiling ko na boyfriend ko nalang siya. Pero hindi eh. Hindi.

Teka? Sino ba siya?

Hindi kaya't.

Siya ang girlfriend ni Zaimyl? Oh no. Wala na talaga akong pag-asa. Ang ganda pa naman niya at amoy mayaman din. Bagay silang dalawa.

"Yung totoo-" hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil sinubuan siya ni Zaimyl ng pagkain gamit ang kutsarang ginamit niya rin sa pagkain. So, totoo nga. Andun na yung laway ni Zaimyl eh.

"Stop it, Xairyl." suway ni Zaimyl.

Tumayo na ako.

"Excuse me. Kailangan ko na sigurong umalis." paalam ko.

"At bakit naman?" tanung nung girlfriend niya.

"Mukhang kailangan niyo na ng privacy." aalis na sana ako.

"Sandali. Mauupo ka muna." sabi nung babae na matatawa na samantalang naka crossed arms lang si Zaimyl at nakatingin sa babae. "Seriously? Do we look like a couple? hahaha."

Napataas ako ng kilay sa sinabi niya at napansin naman niya yun.

"Ahem. I just want to clarify some things here." saka siya ngumiti, labas dimple. "By the way, I'm Xairyl Miguel and he's my twin."

He's what?

So, it means?

Twin.

Hindi kasi sila magkamukha.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanila.

Zaimyl Miguel? Xairyl Miguel? Bakit nga ba hindi ko agad napansin yun.

Si Xairyl kilala rin kasi siya dito dahil Mommy niya ang Dean dito. Kaya pala, basta nalang nakapasok si Zaimyl. Kung kambal sila ay pareho lang sila ng Level, Pero bakit hindi siya rito nag-aaral? Ano bang nangyayari?

Nakamasid lang ako sa kanilang dalawa. Si Zaimyl na seryoso at si Xairyl na bibong bibo.

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now