HYH #7 - Meet Again

2.2K 69 7
                                    

CHAPTER 7

ZAIMYL POV

Pumasok ako ng Comfort Room. Hindi ko na kasi mapigil ang tawa ko dahil sa reaksyon niya kanina. Kabayo pala ah?

So, Siya pala yun? Paano nangyari yun? Nursing Student siya pero nagtratrabaho din siya dito?

Working Student? Buti napagsasabay niya ang mga yun?

Nasa kotse ko pala yung Nameplate niya.

Makabalik na nga.

Huh?

Tsk.

Lahat na yata ng mga gamit ng babaeng yun ay nalalaglag nalang lagi.

Pinulot ko ang Nurse Cap niya at nilagay sa loob ng bulsa ng Coat ko na nakasampay sa balikat ko.

Kailangan ko na sigurong umuwi. Tapos naman na ang meeting ko kay Ms. Gyo.

Saan naman kaya ako pupunta ngayon?

Naglakad na ako papuntang parking lot at sumakay sa kotse ko. Itinapon ko sa passenger seat ang coat ko saka inistart ang engine.

Tumingin ako sa relo ko. Hays. Tanghali na pala. Gutom na ako.

Saan ba magandang kumain?

Drive lang ako ng drive ng makita ko uli siya na nag-aabang ng taxi.

Tsk.

Inihinto ko na muna ang kotse sa may gilid.

Nagdadalawang isip pa kasi ako kung lalapitan ko ba siya para ibalik yung mga gamit o wag na lang?

Pero importante yun sakanya eh.

Pero. .

Pero kasi. .

Kasi naman eh. .

Naman!

Nahihiya kaya ako!!

Baka mapahiya lang ako sa harap niya. Anong sasabihin ko? Anong Intro ko? Anong gagawin ko?

HAY!! Bahala na nga!

Bumaba ako ng kotse at aakmang lalapitan siya pero huli na dahil nakasakay na siya sa taxi.

Tsk.

Sablay!!!

Tumalikod na ako pabalik sa kotse ko ng biglang.

*creek*

Huh?

Napatingin ako sa paa ko at inangat ito.

Tinignan ko muna at saka Pinulot ang bagay na naapakan ko.

Pati ba naman ito ay nahulog niya pa? Tsk. Grabe na siya.

Looks like, there's a reason for us to Meet Again.

EXCELLEN POV

Nakarating ako ng mas maaga sa Academy para makakain narin. Papasok na sana ako ng gate ng may humarang na guard.

Problema nito?

"Bakit po?" tanong ko.

"Pakisuot nalang po ng I.D niyo Maam." - Guard

"Huh?" kinapa ko sa dibdib ko saka tinignan.

Umurong muna ako ng kunti dahil may pumapasok ding ibang studyante.

Kinalkal ko ang bag ko para mahanap ko ang I.D ko.

Ito na!

Pagkaangat ko ng I.D ay mali pala. I.D ko 'to sa 'G2Company' eh.

Kalkal uli.

Asan na ba yun?!

Argh! Asar naman!

Halos mapunit na ang bag ko sa kakakalkal sa lahat ng bulsa pero wala parin.

Ang laki ko namang 'T'!!!

Tsk.

Sumuko sa paghahanap. Badterp talaga!!! Ayts!!!

Lumapit ako sa guard na humarang sakin kanina.

"Kuya, nawawala yung I.D ko at hindi ko talaga alam kung saan ko nahulog yun."

"Pasensya na po Maam pero alam niyo naman pong hindi kayo makakapasok pag wala po yung I.D niu."

"Alam ko po pero may kukunin lang po kasi ako sa loob. Saglit na saglit lang po."

"Pasensya na po talaga Maam. Trabaho lang po."

Hays.

Umalis ako sa harap ng guard saka umupo sa bench sa labas at nakayuko habang nasa hita ko ang dalawang kamay.

Ano na ngayong gagawin ko? Napaclumsy ko naman sa mga mahalagang bagay. Tsk.

Ewan ko ba pero parang gusto ko nalang maiyak dahil sa mga nangyayari sa buhay ko. Napapagod na ako sa ganitong buhay. Gusto ko ng guminhawa sa buhay pero paano? Kahit na anong gawin kong trabaho at ipon ay kulang na kulang parin.

"Uhm."

Huh? Napatingin ako sa may paanan at may nakita akong anino kaya inangat ko ang mukha ko.

Ewan ko ba kung anong magiging reaksyon ko sa mga nakikita ko at kung anung sasabihin ko.

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now