HYH #17 - Beautifuler

1.6K 55 10
                                    

Hindi ko talaga alam kung anong trip ng dalawang 'to pero mukhang unti unti ng lumilinaw sakin.

"Ayan, tapos na. Tara na." sabi ni Sasha saka hinila na nila papuntang Nurse Station.

"See? Ang ganda mo na girl." puri ni Mika.

"Teka-"

"Wala ng teka, teka. Pumasok ka na sa loob." tinutulak tulak ako ni Sasha sa pinto para pumasok sa kwarto kung saan nandun sina Zaimyl.

"Time na para i-check si Lola." paalala naman ni Mika habang tinuturo ang relo.

Ah, Oo nga pala.

Muntik ko ng makalimutan.

*Tok.Tok.Tok*

Pagkatapos kong kumatok ay pinihit ko ang doorknob para pumasok.

Nabungaran kong nakatulog na pala siya. Siya lang ang mag-isang nagbanbantay sa Lola niya.

Habang chenecheck ko si Lola ay hindi ko maiwasang hindi sumusulyap dahil mas gwapo pa pala siya kapag tulog.

Nang matapos icheck si Lola ay tinignan ko uli siya. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya para matitigan ko siya ng mabuti.

(O///O)

Parang ang amo ng mukha niya. Mahahabang pilikmata. Mapupulang labi na halatang walang anumang bisyo. Matangos na ilong.

Ang kinis ng mukha niya.

Picturan ko kaya?

(>.<)

Grabe na 'to!

Nilapit ko pa ng kunti ang mukha ko para mas matitigan ko pa siya. Mas natutukso ako na halikan siya.

Ilang pulgada lang ang pagitan namin para mahalikan ko siya.

"Anong ginagawa mo sa apo ko?"

Nanlaki ang mga mata ko at napatayo ng diretso saka lumapit kay Lola.

"Ah. A-no po k-asi." mautal utal kong sabi. Kasi naman eh, mahuli ka ba namang pinagnanasahan ang lalaking yan. (O///O)

"Nakita ko yun." natatawang sabi ni Lola.

Napakamot na lang ako ng batok at feeling ko namumula na ang mukha ko sa hiya.

"Uhm."

/(O.O)\ Oh my!

Gising na siya.

(_ _')

Tingin ako kay Lola. Tingin kay Zaimyl. Kay Lola tapos Kay Zaimyl.

"Apo." tawag ni Lola.

"La, mabuti naman dahil maayos na kayo." ani ni Zaimyl. Maya't maya napatingin na siya sakin. Nakatitig lang lang siya. Hindi kaya'y may dumi ako sa mukha? "Is that you, Excell?"

Huh? Hindi niya ba ako nakikilala?

"Ah. Oo."

Napakunot noo siya at maya't maya'y ngumiti rin. "You look so, Beautiful."

Hanudaw?

(/_\)

Nakakahiya naman!

"Grabe naman! pero Salamat." sabi ko sabay hawi ng buhok papuntang likod ng tenga ko. "Ahm. Maiwan ko na kayo." tumingin ako kay Lola. "Labas na po ako Lola."

"Sige." saka ngumiti ng may panunukso si Lola.

Sumulyap uli ako sa huling pagkakataon kay Zaimyl. Pero huli na ang lahat para mabawi pa yun dahil nahuli niya aking mga mata.

Ngumiti uli siya kaya sinuklian ko rin.

Lumabas narin agad ako pagkatapos nun, baka kasi langgamin pa kami sa ngitian namin.

Sayang talaga yung kanina! Hindi ko manlang nahalikan ang mapula niya labi.

Hindi ko mapigilang mapakagat sa labi ng maisip lang ang labi niya.

"I guess, you owe us a story!" sabi ni Sasha.

"Uhuh." dagdag naman ni Mika saka humagikgik na mukhang kinikilig.

Well?

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now