HYH #36 - Intense

1.3K 43 4
                                    

CHAPTER 36 - INTENSE

ZAIMYL POV

Magkahawak kami ng kamay ni Excell habang papasok ng Mansyon.

Ang sarap hawakan ng mga kamay niya dahil sa lambot nito. Minsan nga pinagtataka ko kung siya nga ba yung nagtatrabaho dahil wala akong maramdamang kalyo.

Nung una medyo nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko pero hinayaan ko narin. First time makipagholding hands and it's feels good. Para kasing kahit na anong gawin ko o kahit saan ako magpunta pakiramdam ko ay kasama ko siya at hinding hindi niya ako iiwan dahil sa higpit ng hawakan namin.

"What's the meaning of this?" sabi ni Mommy mula sa taas at pababa na ng hagdan.

"Ano ba yun?" tanong din ni Lala na narinig si Mommy na tila naistorbo ay agad din napatingin kay Mommy na pababa saka sa amin. "Ooh." Nang makita niya kami ay sumunod si Lolo sa kanya para alalayan siya.

Nang makaupo na kami sa Sofa ay pakiramdam ko nasa hotseat kami ngayon at pauulanan ng mga kung anu anong tanong.

"Look. Ma, Pa. They seem so sweet together, right?" kinikilig na sabi ni Mommy.

"Wow naman Apo. Ang bilis mo!" Proud pang sabi ni Lala

"Apo talaga kita!" Dagdag ni Lolo

"Panu ba yan 'Lo?" tanong ko kay Lolo, tungkol dun sa usapan namin kapag hindi niya pa nahanap ang Apo ng kaibigan niya at nagkaroon ako ng girlfriend ay hindi na niya itutuloy ang fixed marriage namin.

"Fine. You won!" pagsuko niya.

Yes!

Sa wakas!

"Oh-Em-Zee! Is this real?!" Tsk. Sino pa nga ba? Eh di ang Exaggerated kong kakambal.

Dali dali naman siyang papunta sa amin habang hila hila si Zachary hanggang makaupo. I wonder kung lasog lasog na ang mga buto ni Zachary dahil sa pagka-hyper niya.

"Grabe! I can't believe this!"

"You should, Yin. Look, they're holding hands!" Hay, naku po! Magkaugali talaga sila ni Xairyl.

"So, what's your endearment?"

Namumula na ako dito sa hiya gawa ng pamilya ko. Kailan ba sila titigil?

"Don't tell me, you prefered Chopsuey Loveteam?!" tuwang tuwa talaga sila kapag ako'y napapahiya. Tinignan ko naman si Zachary, nakaangat ang gilid ng kanyang bibig.

(O///O)

"Oo na!" sagot ko ng matigil na siya.

(O///////O)

"Whoah! Really?! Brocolli & Cauliflower?! Yay!" nagsisigaw na siya. Sina Mommy, Lala at Lolo ay tumatawa lang.

Bakit ba may topak silang lahat?

Kanino ako nagmana ng pagiging matino?

Sinong tunay kong mga magulang? Yung totoo?

"What we have here? Did I miss something?" huh? Dumating na si Dad. Lumapit naman agad si Mommy sakanya saka hinalikan sa labi pagkatapos ay tinanggal ni Mommy ang Necktie niya. "Thanks, Love. Iloveyou!" Ang sayang makitang nagmamahalan ang mga magulang.

"Iloveyou too, Love." sagot ni Mommy at mukhang nagkakatinginan pa sila.

"Ahem! Get a room Mom and Dad!" Oops! Napatingin kami kay Xairyl na nakatakip na ang bibig gamit ang isang kamay saka naka-V sign.

"We will, Yin." sagot naman ni Dad na nakangisi. "So, what's up?"

"Love, look at them! They're dating already!" kinikilig na sabi ni Mommy.

Nakatingin lang sakin si Dad na parang may sinasabi. Seryoso ang mukha at nakakunot noong tumingin kay Excellen saka sa kamay naming magkahawak.

Naramdaman ko namang gustong bumitaw ni Excellen dahil sa hiya pero hinigpitan ko pa lalo ang hawak ko sa kamay niya. Ayaw ko siyang bumitaw. Hindi sa ganitong pagkakataon.

"L-love?" tawag ni Mommy kay Daddy dahil sa unusual mood nito.

Maya maya'y tumingin si Dad sa sahig. Ano bang meron?

Intense na intense ang atmosphere ngayon. Tahimik ang lahat. Naghihintay lang sa mga kilos at sasabihan ni Dad.

Tumingin sakin si Dad dahilan para mapalunok ako. Nakakatakot siya. For the first time of my life ngayon ko lang siyang nakitang ganyan.

Kinakabahan na talaga ako. Pakiramdam ko hindi lang din ako.

"I don't like it." seryoso at walang emosyon niyang sabi.

What?

But why?

I thought magiging masaya siya para sakin? Para maka-move on na ng tuluyan. Pero bakit ayaw niya? Ano bang dahilan?

Halos lahat kami ay nakanganga lang dahil sa sinabi niya.

"I don't want things happens like this. Stop this nonsense, or else." pagbabanta niya.

Hell no!

Hindi ako papayag!

Ipaglalaban ko 'to kahit na hindi ko pa Mahal si Excell.

Tumayo ako habang hawak ang kamay ni Excell. "But, Dad! I wont let you do that!"

Pakiramdam ko nakatuon lahat ng mata sa akin.

I'll try this. Wala namang mawawala. Alam kong magagawa ko rin 'to at kakayanin namin pareho.

"Hold on, Im not finish yet!"

Heal Your Heart 1 ✔Onde as histórias ganham vida. Descobre agora