HYH #54 - LAST CHAPTER

3.7K 54 26
                                    

Araw na ng kasal namin ngayon. Pakiramdam ko ay ako ang pinakamaganda at pinakamasayang babae sa buong mundo dahil sa swerte ko sa mapapangasawa ko. Hindi lang basta gwapo kundi mapagmahal pa.

"Babae!" Napalingon ako sa bagong dating na sina Sasha.

"Grabe! I can't believe this! You're getting married na! Kyaah!" Mas excited pa sa akin na sabi ni Mika.

Nagtataka ba kayo?

Naging matalik na kaming magkaibigan. Mabait naman talaga sila eh kahit na maarte at conyo silang magsalita.

"Ako nga rin eh hindi parin ako makapaniwala na ang aga kong mag-aasawa."

"Pwes! Maniwala ka na" sabi ni Sasha kami humagikgik na kaming tatlo.

"Ngapala, ang ganda nating tatlo ngayon ah?" Saka uli kami tumawa na ng malakas dahil sa sinabi ni Mika.

"Ah! Mauna na pala kami sayo Babae ha?" Sabi ni Sasha

"Ay! Oo nga pala, sige."

"Goodluck babae!" Sabay nilang sabi saka lumabas na sabay namang pasok ni Xairyl.

Nginitian ko siyang malapad at ganun din siya.

"Kyaah! I can't wait na talaga!" Sabi niya na mas excited at feeling niya siya yung ikakasal.

"Haha ikaw talaga." Sabi ko nalang

"Haha let's go na!" Nagtatatalon niyang sabi at lumapit agad sakin saka hinila palabas ng bahay hanggang sa kotse.

"Grabe, mas excited ka pa talaga sa akin hahaha."

"Oo naman hahaha mas lalo pa siguro kapag ako din yung ikakasal hahaha."

"Hahaha tama ka."

"Ah! Muntik ko ng makalimutan. Pinabibigay ni Yang." Sabi niya saka inabot ang kapirasong papel at maliit na bottle na may capsules ng gamot sa loob nito.

"Bakit may gamot?"

"Ewan. Sabi niya wag mo daw yan inumin haha buksan mo lang daw."

Ah. Ganun pala. Ang dami pala talaagang tinatagong ka-sweetan 'tong lalaking mapapangasawa ko. Iisipin ko palang ay kinikilig na ako.

Binuklat ko ang papel at binasa ito. Ang sabi. 'Can't wait to see you wearing a gown and together we will promise our bow to each other. I love you Caulif. Just so you know that it's forever. You're the love of my life.'

Natawa nalang ako sa kakornihan niya. Pinagmasdan ko lang maliit na bottle. Ano kayang laman nito?

Aakmang bubuksan ko na ito pero pinigilan ako ni Xairyl.

"What are you doing?"

"Magbabasa lang ako ng isang Pill."

"Later na yan. Tara na!"

"Baka naman mas mauna tayo sa groom niyan."

"Kung sa bagay, pero wag ka munang magbasa dyan baka kasi magdrama ka pa." Sabi niya saka tumawa.

Loka loka talaga 'to kahit kailan.

Pinagmasdan ko lang ang mukha ko sa salamin. Hindi ko aakalain na magsusuot na ako ng ganito kagandang damit.

Noon ni sa panaginip, hindi dumapo sa isip ko na makakapangasawa ako ng isang napakabait na lalaki at syempre bunos na yung kagwapuhan.

Hindi ko rin naisip na mamahalin niya ang isang gaya ko noon na walang ibang iniisip kundi makatulong sa pamilya hanggang sa pinamulat niya sa akin ang katotohanan.

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now