HYH #15 - You Make Me Smile

1.7K 59 6
                                    

Nasa loob kami ngayon ng kwarto ni Lala. Nagpasya narin umuwi si Zachary ng dumating na sila Daddy, Mama at Lolo.

Kanina ko ding sinisilip sina Daddy at Mama. Nahuhuli ko ngang sumusulyap si Dad kay Mama eh at syempre ganun din si Mama.

Maya maya'y lumabas si Mama saglit dahil may kukunin daw pero isang minuto lang ang lumipas ng lumabas din si Dad.

Nagkatinginan at nagkangitian kami ni Xairyl dahil alam naming nalalapit ng mabuo uli ang pamilya namin.

Nagpatuloy lang kaming tahimik ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa ng pinto ang isang nurse at may kasama pang isa.

Hindi ako makapaniwala.

May duty pa siya sa gabi?

Nagkasalubong ang aming mga mata. Ngumiti siya ng matamis kaya hindi ko rin mapigilang hindi mapangiti.

Bakas parin sa mga eyebags niya na hindi pa siya nakakatulog sa tamang oras.

Lumapit sila kay Lola at cheneck ang kung anu anong bagay na nakakabit kay Lola na hindi ko alam.

Hanggang sa matapos na sila.

Sinusundan ko lang siya ng tingin. Nagkataon din tumitingin siya sakin saka lumabas na sila ng tuluyan.

"Zaimyl, Apo. Kumain ka na. Susunod na lang kami ni Xairyl, pagkatapos mo."

Tumayo naman agad ako dahil ayokong magalit pa si Lolo. Ayokong madagdagan pa ang hinanakit at paghihirap niya.

"Sige po, Lo." lumabas na ako at nagtungong Canteen.

Pumila na ako sa tindahan at luminga linga sa paligid baka makita ko si Dad at Mama pero imbes na sila ay isang babae ang nakita ko.

Umorder ako ng tig-da-dalawa at nagpasya akong lumapit sa kanya.

"Ahem."

Lumingon siya sakin ng may mapupungay na mga mata. Inaantok na talaga siya.

"K-kayo po pala."

"May kasama ka?"

"Wala naman po."

"Ah. Pwedeng pa-share? Wala na kasi akong kakilala bukod sayo."

"Ah. Ganun po ba? Sige po." sabi niya saka umupo ako sa upuan katapat niya.

"So, nagmemeryenda ka?" tanung ko ng makita ko ang isang Rebisco at Zesto.

"Hindi." sabi niya saka yumuko. Napahiya ko siya.

"Ngapala! Ito oh, sayo." inabot ko sa kanya ang isang pinggang palabok na may manok at kanin.

"Pero-"

"Bago pa man ako bumili, nakita na kita (^_^) kaya para sayo talaga yan." kitang kita ko na namula siya.

"Salamat."

Nagenjoy akong kausap siya. Ang astig niyang magsalita. Natatawa nga ako sa mga kwento niya eh.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na siya dahil 1hour lang daw ang break niya.

Tatayo na sana siya para umalis pero tinawag ko siya.

"Excell."

Lumingon siya at ngumiti.

Tumayo naman ako at lumapit. "Ah. pwede ko bang makuha number mo?"

Halata sa mukha niya na hindi makapaniwala pero ngumiti parin ng makabawi.

Inabot ko ang phone ko saka tinype naman niya ang number niya.

"Thanks."

"Salamat din." saka na siya umalis.

Ang simple simple niya talaga kahit kailan. Ibang iba siya sa lahat. She makes me smile and laugh into small things.

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now