HYH #41 - Hopefully

1.4K 44 4
                                    

Nasa tapat kami ngayon ng Hotel na tinutulayan namin ngayon. Kasalukuyang nagpapahinga muna kami ni Zaimyl sa loob ng kotse habang natutulog pa yung dalawa kong kapatid sa backseat. Nakatulog siguro sa kakaiyak. Ramdam kong ayaw nilang iwan ang mga magulang nila pero kailangan at dahil dun humahanga ako sa kanila.

Ang cute nilang tignan habang natutulog. Nakasandal si Eriza sa balikat ni Ezra. Si Ezra naman ay nakasandal sa ulo ni Eriza na nakaakbay pa.

"Are you tired?"

Umiling iling ako at ngumiti "Hindi pa naman, 1week pa naman tayo dito diba?"

"Do you want me to carry them inside?"

Umiling iling uli ako "Mas okay na sigurong hintayin na lang natin sila."

"Okay. After that, let's go to the mall for their clothes."

"Salamat, Brocolli."

"Welcome, Cauli."

Salamat dahil nasa tabi ko siya. Salamat dahil dumating siya sa buhay ko. Dahil kung wala siya, malamang ay hindi ko pa malalaman ang tungkol sa pagkatao ko.

Sa totoo lang, hindi ko kinaya yung sumbatan namin ni In--este Nanay nila Ezra at Eriza. Tinuring ko narin kasing totoong magulang.

Nagpakahirap at kumayod ako para sa kanila. Yun pala, pinangsusugal at pinang-iinum lang din ng asawa niya. Mga manloloko.

Kaya hanggat maaga pa, kailangan kong ilayo na lang si Ezra at Eriza sa kanila dahil natatakot akong maranasan nila yung hirap na naranasan ko noon.

Kapatid na talaga ang turing ko dalawang 'to. Mabuti nalang at mahal na mahal nila ang isa't isa. Hindi ko pa sila nakitang nag-away mula pa noon.

Si Ezra na seryoso pero mapagbigay na kuya. Si Eriza na makulit pero malawak ang pangunawa.

"Ate?"

Nagitla ako at lumingon sa backseat. Nakita kong gising na silang dalawa ngunit kinukusot kusot pa ni Eriza yung mga mata niya.

"So, can we go now to the Mall?" tanong ni Brocolli.

"Mall? Talaga po?" masayang tanong ni Eriza.

"Yep! Here we come.." binuhay na ni Brocolli ang engine at nagdrive na papunta sa malapit na Mall.

"Salamat po, Kuya Zaimyl." sabi ni Ezra

"Oo nga po." dagdag ni Eriza.

---
6pm na ng matapos kaming mamili. Grabe. Halos pinakyaw ni Brocolli ang mga damit at laruan nila. Pinipigilan ko nga pero mapilit eh kaya hinayaan ko na saka pera naman niya yun kaya bibilhin niya kung anong magustuhan niya.

Medyo nakakainis lang yung ibang babae na laging nakatingin sa kanya eh. Parang gusto kong dukutin yung mga eyeball niya na masarap ipang Jackstone. Mabuti na lang dahil walang pakialam si Brocolli sa kanila.

Pakiramdam ko para kaming pamilya na may dalawang anak. Syempre, ako yung Mother at siya yung Father ahihihi

(O///O)

Napagdesisyunan na naming kumain nalang sa restaurant at tuwang tuwa ang mga kapatid ko lalong lalo na nung isinuot na nila yung mga bago nilang mga damit.

"Kuya Zaimyl, salamat po uli dahil sobra sobra na po yung naitulong niyo para samin." ani ni Ezra

"At sayo din Ate Dia, maraming salamat po." tugon ni Eriza kaya tumango na lang ako at ngumiti.

"Your welcome (^_^)"

"Ang gwapo niyo talaga lalo na kapag ngumingiti."

Natawa nalang si Brocolli. "Thanks, Eriza."

---
Dumaan ang isang linggo.

Syempre namasyal muna kami kahit saan saan.

"Sasakay po talaga tayo jan sa eroplano?" tanong ni Eriza.

"Oo. Tara na?" sagot ko

"Yey!" tumatalon talon niya pang sabi

Nakatulog na naman sila sa byahe. Mga bata talaga. Katabi ko si Eriza at nasa tabi siya ng bintana dahil manghang mangha siya sa mga ulap. Ganun din si Ezra na katabi ni Brocolli.

Nang malapit ng bumaba ang eroplano ay napagpasyan na namin ni Brocolli na gisingin na sila.

Pagkarating namin ay sinalubong na kami ng Driver nila dala ang kotse niya. Malamang ay pagod si Brocolli kaya pinatawag na lang niya yung Driver nila.

Pinasok agad sa compartment ang mga dala namin at agad narin kaming sumakay.

Kitang kita ko sa sidemirror na nakapikit si Brocolli ko habang akay ko naman ang dalawa sa magkabila.

"Nandito na po tayo Sir, Maam." sabi ni Manong dahil mukhang tulog pa si Brocolli ko.

Maya maya'y naalimpungatan din siya at napatingin sa paligid kaya agad din siyang bumaba at pinagbuksan kami ng pinto saka tinulungan si Manong na bitbitin ang mga gamit sa loob ng Mansyon.

"Wow. Ang laki naman po ng bahay na yan. Kanino po yan?" tanong ni Ezra.

"Kay kuya Zaimyl niyo. Mansyon nila yan." sagot ko

"Talaga po? Mansyon?"

"Oo, Eriza pero iba pa yung bahay ko kaya dito na muna tayo ha?"

"Okay na okay!" sabay nilang sabi

Pagkapasok na pagkapasok namin ay palinga linga ang dalawa kong kapatid dahil sa laki at ganda ng Mansyon. Maging ako may humanga sa ganda, gara at sosyal nito.

Masaya ako para sa kanila dahil matutulungan ko na sila. Mabibigyan ko sila ng bagong buhay at pag-asa na gusto nila.

Pagkarating namin sa sala ay nandun na sila Lolo Kael, Lola Elena, Tito Zeke, Tita Xena, Si Brocolli ko at Si Xairyl pati narin si Zachary.

Isa isa silang bumati sa pagbabalik ko pero pagkatapos nun. Nakatuon na ang paningin nila dalawang bata na kasama ko at kasalukuyang nagtatago sa likuran ko dahil sa hiya.

Maya maya'y lumabas si Ezra at hinila ang kamay ni Eriza saka lumapit sa harap nila.

"Magandang araw po. Ako po si Ezra Dominique Fuentes at ito naman po si Eriza Monique Fuentes ang kapatid ko po."

Natahimik lang sila at kukurap kurap hanggang sa hilain ni Xairyl si Eriza at si Ezra naman kay Tita Xena. Hay naku. Mag ina talaga. Naupo na lang ako sa tabi ni Brocolli.

"Ang cu-cute niyo namang magkapatid!" sabi ni Xairyl habang sinusuklay suklay ang buhok ni Eriza.

"Magma-mall tayo mamaya ha?" excited na sabi ni Tita Xena.

"Parang sina Zaimyl at Xairyl noon diba, Love?" matawa tawang sabi ni Tito Zeke kay Tita Xena kaya tumango tango lang siya.

"Ako din 'mmy, 'ddy. Gusto kong magkaanak ng kambal!"

"Ack! Ack! Ack"

"Hahahahahaha" Natawa na kaming lahat dahil nabulunan si Zachary sa sinabi ni Xairyl.

"Don't do that again." poker face na sabi ni Zachary pero halatang namumula na siya.

"Why? It's true naman eh." sagot naman nito

"Ang gaganda at ang gagwapo niyo naman pong mga nilalang." puri ni Eriza na nakatingin sa bawat isa

"Hindi talaga marunong magsinungaling ang bata!" sabi ni Lola Elena

"Mukhang may makakalaro na naman tayo sa golf hahaha." sabi ni Lolo Kael na nakatingin kay Ezra.

Naggogolf kasi sina Lolo Kael at Tito Zeke pero sinasama din nila si Zaimyl at Zachary. Kumbaga, lahat ng lalaki ay Golf at Mall naman sa mga babae.

Ang saya talaga ng pamilya na 'to! Hindi ko pa nga naipapaliwanag kung bakit dala ko ang dalawa kong kapatid pero welcome na welcome na sila agad.

Kakaiba talaga sila. Hindi sila mapagmataas tulad ng iba. Hindi sila judgemental at mapanumbat. Marunong silang rumespeto kaya marami ring rumerespeto.

Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko sila. Dahil sa Pag-asang binigay nila para sa akin.

Heal Your Heart 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon