HYH #4 - Nameplate

2.8K 70 7
                                    

Ang kapal naman ng mukha ng babaeng yun. Nagawa pang ilock ang mga pinto! Ang kapal!

"Hoy! Carnapper ka ba? Tangna naman! Mapagpanggap ka pala!" sigaw ko habang kumakatok sa bintana ng kotse ko.

"Hoy! Tatawag na talaga ako ng pulis!" tawag ko uli.

"Leche! Hindi na ako nakapasok sa Klase ko!" sigaw ko uli.

"Siguro, Modos Operandi niyo 'to noh?! Sabi ko na nga ba eh!!"

"Hoy! Na sakin kaya yung susi kaya hindi mo yan mapapaandar!!"

"Peste talaga!!" Tsk. Kahit anong sigaw ko ay wala parin. Bingi ba yang babang yan?

Eh kung itali ko yang kotse ko para hindi na siya makalabas ng tuluyan at ipahila ko papuntang presinto.

Maya maya'y bumukas ang pinto ng kotse ko. Tahimik lang akong nakamasid sa pinto pero hindi ko inaasahan ang nakita ko.

Namangha ako. Isa pala siyang nursing student. Ang ganda din niyang tignan dahil puro puti ang suot niya. Kaya pala.

Nagising lang ako sa pagkakatulala ng magsalita siya."Ah, Sorry nga pala dahil ginawa kong Dressing Room 'tong Kotse mo. Sige, alis na 'ko. Salamat." saka siya ngumiti ng matamis at kitang kita ang dalawa niyang dimples sa magkabilang pisngi.

Ngayon na lang uli ako nagandahan sa isang babae. Ni wala nga siyang kahit anong make up sa mukha niya o mga burluloy man lang sa katawan.

Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad siya palayo. Nagpara na rin siya ng Taxi hanggang maglaho siya sa paningin ko.

Tsk. Ito ba ang sinasabi ni Xairyl? Na maswerte ako ngayong araw na 'to? Sa palagay ko nama'y malaswerte kamo.

Hay naku.

Makapasok na nga sa Second subject ko.

Sumakay na ako ng kotse para makapasok na. Hindi naman ako napagalitan. Buti nga't pinapasok pa ako nung guard eh.

 

 

---

Matapos ang klase ay nagmadali akong lumabas dahil nagpapasundo sina Mama at Xairyl. Magmamall daw kami.

Pag dating ko sa bahay nila Mama at Xairyl ay nag-aabang na sila sa labas ng bahay at parehong nakangiti.

Silang dalawa lang ang babaeng pinakaimportante sakin. Hindi ko alam kung anung mangyayari sa buhay ko.

Bumaba na ako ng kotse at binuksan ang pinto sa likod para  magkatabi sila.

"Gwapo mo yata ngayon, Kuya ah?" tsk. Ganyan yan, Tinatawag akong Kuya kung seryoso siya. Pero okay lang naman sakin kung 'Kuya' o 'Zaimyl' lang.

"Oo nga anak. Pa-burger ka naman! hahaha" so, pinagkaisahan talaga ako? Tsk. Sinabi ko bang seryoso sila? Pwes. Binabawi ko na.

"Naku, naku! Pinagkaisahan niyo na naman ako." sabi ko

"Truelalo kaya hahaha" napakunot noo akong tumingin kay Xairyl sa salamin dahil sa mga salita niya. San ba siya natuto ng mga yan? Don't tell me sa kaibigan niyang bakla na si Myko?!

"Ang bading mo, Xai!" sabi ko.

"Mas nagmumukha kang bading kung ikaw ang nagsabi ng salitang bading hahahaha"

"Tsk. Baliw."

"Oh baka naman, sa bading ka napatol?"

"Totoo ba yun, Junakis?!" what?! pati ba naman si Mama nahawaan ng kabadingan nitong kambal ko?

"Pwede ba Xai, kung gagawa ka ng kalokohan wag mo ng idamay si Mama. Yan tuloy, nahahawa na."

"Huh? Teka, Name Plate ng Nursing Student 'to ah? Excellen Diamond  Fuentes? Kaano ano mo siya kuya?"

Huh? Name plate ng Nursing Student? Ibig sabihin nalaglag niya yan habang nagbibihis siya kanina?

"Zaimyl, anak. May girlfriend ka na? Bakit hindi mo man lang sinabi samin? Nakakatampo naman yun." pagdradrama ni Mama.

"Ma, wala akong girlfriend." sabi ko kay Mama. "Ibigay mo nga sakin yan Xai." pero imbis na iabot ay pinandilatan niya lang ako ng dila.

"At bakit ko naman ibibigay 'to sayo kung hindi mo naman siya girlfriend?"

"Ibabalik ko nga sa kanya yan pag nakita ko siya!"

"Weh? Defensive naman ang binata ko ajejejeje."

What the hell!!

"Ma naman! Pati naman ba pagiging jejemon ay nagaya mo narin? Sa susunod, bawas bawasan niyo ang magsama ni Xai dahil B.I yan."

"Grabe! Ano ako? Yung barkada? Tapos si Mama ang ulirang estudyante, ganun? Oh ayan! Sayo na yan!" saka niya hinagis yung nameplate sakin. Kunwaring galit galitan pero di naman.

"Hahahaha." si Mama naman ay tawa lang ng tawa sa amin ni Xai.

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now