HYH #34 - Sunflower Field

1.3K 42 4
                                    

CHAPTER 34

EXCELLEN POV

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at iginala ang paningin sa paligid.

(O_O)

Wow!

Just wow!

Wow talaga!

As in Wow na Wow!

(@_@)

Lumapad agad ang ngiti ko at napatakip ang mga kamay ko sa bibig ko baka kasi mapasukan ng bubuyog sa pagkakanganga.

"Wow! Ang ganda ganda naman!" sabi ko saka lumapit sa mga nakapaligid na mga Sunflower.

Para siyang malaking Garden na puro Sunflower ang tanim. Paborito ko pa naman ang Sunflower!

Yay!

Nagtatakbo takbo ako na parang bata sa sobrang saya!

I couldn't imagine things like this!

Ugh!

Napapa-English tuloy ako ng wala sa oras!

Para kasing isa siyang field na punong puno ng Sunflower at may Bilog na space para siguro sa mga okasyon at sa Space na yun may parang may bubong na ginapangan ng halaman sa gitna na may nakalagay na mesa sa gitna.

Oh.

Kakakilig naman!

First date na nga, Bongga pa! Gusto ko sanang magpicture picture ang magselfie eh pero nakakahiya naman dahil date ito eh at hindi fieldtrip!

Pero sayang.

Hayaan na nga!

Bumalik uli ako sa kinatatayuan ni Zaimyl. "I'm satisfied when I saw your reactions."

"Salamat. Salamat talaga dahil dinala mo 'ko dito. Hinding hindi ko 'to makakalimutan." saka ako ngumiti ng matamis.

"Satisfactory Overload!" saka siya ngumiti rin na labas ang mapuputi at pantay pantay niyang mga ngipin.

Natawa narin ako. Ang gwapo niya kasi. Nakarecord na nga yata sa utak ko ang pamatay niyang ngiti eh.

"Shall we?" yaya niya. Ewan ko kung saan kami pupunta pero tumango parin ako na nakangiti parin.

Inalalayan niya ako papuntang pinakagitna, kung nasaan may mesa at dalawang upuan. May mga pagkain naring nakahanda. Hindi ko alam kung paano niya ito napaghandaan pero isa lang ang masasabi ko.

Ito na talaga ang pinakamagandang date na naranasan ko buong buhay ko.

Inihila niya ako ng upuan kaya umupo narin ako saka nagpasalamat At ganun din siya.

"So, Okay lang ba kung kumain muna tayo?" tanong niya.

"Okay na okay!" saka ako nag-Okay sign.

Inalis na niya ang Takip ng mangkok at taimtim lang akong nakabantay.

Pagkaalis ng takip ay natakam na agad ako.

Wow, Chopsuey!

"You like it?" tanong niya

"Sobra."

Ngumiti siya saka pinagsandok ako ng kanin at ng Chopsuey. "Here's your Cauliflower."

Lalagyan narin sana niya ang pinggan niya pero agad kong hinabol ang mangkok ng Chopsuey sa mga kamay niya na ipinagtaka niya.

"Ako na lang?" tumango na lang siya. Akala niya siguro gusto ko pa hehehe "Brocolli, right away!"

"Thanks!" sabi niya.

"Thanks to you too!" sagot ko.

Tahimik lang kaming kumakain ng napatingin ako sa langit at may napadaang Meteor.

"Bulalakaw!" turo ko kaya tumingin din siya. Agad naman akong pumikit at nagwish.

Nung namulat ako ay nakatingin lang siya sakin at nagtataka. "What are you doing?"

"I'm wishing!"

"Wishing?"

"Yep. Remember what I've saw? That's a meteor and if you saw them, you should close your eyes and wish what you want."

"Really? So, What's your wish?"

"I-Uhm. Sekret na muna. Ano ba yan, pati ako napapa-English narin!"

Then he chuckled. "Okay lang yan."

"Uhm, it's okay if I'll ask you some Personal Information?"

Ito na nga ba yun?

Yung get to know each other?! Aaaahhh! Kinikilig ako!!

Saka Personal Information daw? Diba yun yung nasa Biodata? Siguradong chicks lang 'to!

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now