HYH #31 - First Time

1.5K 41 4
                                    

EXCELLEN POV

Pagkauwi namin ay nagbihis na agad ako. Teka? Ano bang isusuot ko? Ah. Eh. Saka, paano ba 'to? Kailangan ba dress? Mag-Heels?

Argh!

Di ko alam kung anong isusuot ko!

First Time ko 'to eh!

Kailangan ko ng tulong!

Ah, alam ko na!

Tanungin ko kaya si Xairyl?

Tama, tama!

Kinuha ko ang cellphone ko at aakmang tatawagan na siya pero napatigil rin ako.

Hindi eh!

Pag humingi ako ng tulong ay sigurong malalaman niya na may date kami ni Zaimyl at panay ang panunukso nun.

Ugh! Someone help me!

Nagdive ako sa kama at nakasubsob ang mukha ko sa unan.

Naku po!

*Tok.Tok.Tok*

Napabalikwas ako ng higa dahil sa katok ng pinto.

Hindi kaya si Zaimyl  na yun? Natagalan siya sakin at hindi nakatiis saka kumatok na?

No way!

Nakakahiya!

*Tok.Tok.Tok*

Ayts!

Mabuksan na nga.

Nanlaki ang mga mata ko.

"M-maam Xena? Bakit po?"

Hindi ako nagulat ng makita sila dahil mula pa kagabi ay naglipat na sila dito sa mansyon. Excited kasi si Tito Zeke.

Ang kinakagulat ko lang ay kung bakit sila kumakatok sa kwarto ko? este kwarto nila ay naku, kundi sa guest room ng bahay nila na tinutuluyan ko?

Imbis na saguti nila ako ay ngumiti sila ng pagkalapad lapad.

Whoah!

Nakakakilabot!

Mukhang sa aurang pinapakita nila ngayon ay nakikita ko si Xairyl sa pagkatao nila. Kung sa bagay, kanino pa nga ba magmamana si Xairyl? Kundi, isa sa mga magulang nila.

"Ah. Pasok po kayo." sabi ko saka binuksan ang pintuan para makapasok sila ng maayos.

Umupo siya sa mini sofa kaya naupo narin ako.

Paano kaya 'to?

Baka hindi matuloy date namin ni Zaimyl nito!

Mukha kasing makikipagkwentuhan sakin si Tita eh.

"Ahm. Ano po yun, Maam?" May ginawa ba akong mali? Pangit ba yung pinagvideo ko sa kanila.

"Tita Xena na lang." saka siya ngumiti uli.

"S-sige po, Ma-Tita Xena." Nahihiya ako. Ang ganda kasi nila kahit may asawa na.

"*chuckles* Ang cute mo naman."

(O///O)

"Salamat po."

Isang karangalan na para sakin na puriin nila ako. Hanggang ngayon talaga hindi ako makapaniwala na napalapit na ako sa kanila at talagang mababait sila kahit na isa sila sa pinakamayamang pamilya.

"Ah, nga pala."

huh?

Napaangat ako ng mukha. Ano kayang kailangan nila?

Naku po!

Baka palalayasin na nila ako dito dahil magaling naman na si Lola Elena?

"Ano po yun?"

Ito na.

Ihanda mo na ang sarili mo Diyam. Kailangan mong tatagan ang loob mo.

"May gagawin o lakad ka ba ngayon?"

Napayuko ako.

This is it! Pansit!

Face the truth!

Inangat ko uli ang mukha ko at ngumiti. Pero bago pa man ako makapagsalita ay tumayo na si Tita ay tumungo sa cabinet kung saan nakalagay ang mga damit ko.

Wala akong magawa.

Siguro, kailangan ko ng bumangon sa magandang panaginip na 'to.

Maya maya'y may likidong bumagsak sa aking hita. Iisipin ko ba naman kasing ayaw sa akin ni Tita Xena eh masakit na. Hindi pa nga nagiging kami ni Zaimyl eh napurnada pa pati yung date namin.

Bakit ganito?

Bakit kailangang sila pa ang magligpit ng mga damit ko?!

Pwede namang sabihan na lang ako. Ora mismo! Aalis agad ako!

"Ano pang ginagawa mo dyan, Iha?"

Gustong gusto na talaga nila akong paalisin.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at siya namang lapit sa harap dala ang nakahanger na damit at pantalon ko.

"Magdadate pa kayo ng Anak ko, diba? Ito na lang isuot mo. Gusto kasi ng anak ko ng simple lang at hindi dress tulad ng iba dyan!" (^_^)

Huh?

(O///O)

Means?

Tumingin ako kay Tita Xena at nakangiti parin siya ng malapad.

"Mag-enjoy kayong dalawa sa date niyo ha? (^_^) Oh siya, sige na. Magbihis ka na ."

Napangiti ako ng bigay todo. Hindi ako makapaniwala. Totoong totoo nga!

"T-tita?"

(O_O)

Ngumiti uli siya. "I like you for my Son, Excellen." Niyakap niya agad ako kaya niyakap ko narin siya. Ang saya naman!

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now