HYH #48 - Let Go

1.5K 48 4
                                    

Iaangat na sana ni Zaimyl ang walang tigil sa kakahagulgol na si Michelle. Alam niyang kapag ginawa niya yun ay aasa ang dalaga na muli silang magkakaayos muli. Malapit na sana niyang ipatong ang mga kamay sa braso ng dalaga ng may marinig ito kaya nagtaka siya kung saan naggagaling ang ingay na yun.

Lingid sa kaalaman niya ay kagagawan nila Xairyl at Zachary ito. Kasama din ang mga magulang pati ang lolo't lala nito at pinapanood silang dalawa ni Michelle ng hindi niya alam. Dahil ito lang ang nakikita nilang paraan.

Ngunit natigilan siya sa narinig. Na mula sa radyong yun ay tinawag ang kanyang pangalan. Alam niya at kilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yun. Hindi siya pwedeng magkamali.

Sa pangalawang pagkakataon. Tinawag siyang Brocolli na nakapagpatigil sandali ng kanyang puso at pagkatao.

"Brocolli, mahal na mahal parin kita.....kahit na anong mangyari." Sa bawat salitang binibitiwan ng dalaga ay parang napipilas ang kanyang puso. Maging si Michelle ay napatahan sa narinig.

"Alam mo naman yun diba?.....Ikaw lang ang.......k..auna-unahang lalaking.......m..inahal ko ng ganito...."

Napaupo ang binata sa narinig. Pakiwari niya'y nanghina siya sa sinabi ng dalaga mula sa radyo.

"Nung makita kong nasasaktan ka pa.........n..ung muli mo siyang makita........d..un ako nasaktan ng todo........s..a pag-aakalang baka mahal mo parin siya.......n..a nabigo akong tulungan kang makalimutan mo siya........"

Wala sa sariling napaluha si Zaimyl ng rinig na rinig ang hikbi ng babaeng nasa radyo. Marinig lamang niyang nasasaktan ito ay bumibigat ang kanyang loob paano pa kaya kapag nakita na niya ito. Ngunit hindi niya alam na lihim na nakamasid sa kanya si Michelle at animo'y nagtataka sa inaasal niya.

"Gusto kong......l..umayo nalang para hindi na ako.......m..ahirapan pang tanggapin ang......katotohanang hindi......m..o ako mahal...... sa kadahilanang...... hindi mo naman talaga ako mahal..... A..yokong makaramdam ng ganito...... N..asasaktan ako...... A..ng sakit sakit talaga....." Rinig ang mapait na tawa ng dalaga sa Radyo. "Bakit ko nga ba sinasabi to? Alam ko naman hindi ka mahilig makinig ng radyo..... At malamang, masaya ka na ngayon...... k..asama siya...... Pero Brocolli.... m..ahal na mahal na mahal talaga kita...... H..indi ko kayang makitang...... makita kang kasama niya na masaya..... dahil ang totoo niyan ay...... Para akong sinasaksak ng kahit na sino sa likod ko...... Gusto kong mahalin mo rin ako...... t..ulad ng pagmamahal ko sayo..... p..ero hanggang pangarap na lang talaga ako...... Ang saya ko dahil nakilala kita...... S..umaya ako sa piling mo..... Sayo ko lang naramdaman ang ganito...... I..kaw lang ang nagpapatibok ng puso ko ng doble kumpara sa normal heartbeat ko..."

Tumayo ang binata. Ang nasa isip niya lang ngayon ay hanapin ang kinaroroonan ng Radyo habang patuloy na nakasalang parin ito.

"Zaimyl!" Tawag siya ni Michelle.

Napatigil lang ang binata at hindi man lang siya hinarap "Let go of me, Michelle Cruz." Sabi nito sa dalaga at nagpatuloy uli sa paglalakad.

"Sana..... maging masaya ka na..... at pangako..... m..agiging masaya ako para sayo...... sa abot ng makakaya ko...... p..ipilitin kong kalimutan ka na lang..... kahit abutin pa ako ng ilang araw...ilang linggo...ilang buwan at ilang taon.... makalimutan ka lang..... g..agawin ko..... para lang sa ikaliligaya mo..... h..anda na akong pakawalan ka..... handa na akong masaktan at umiyak araw o gabi..... paalam..... Brocolli..... Ito na yung huling beses kitang tatawagin nun..... at kahit kailan..... alam kong hindi mo na ako matatawag na Cauliflower..... Salamat sa lahat ng naitulong mo sa akin....."

Lakad ng lakad lang ang binata hanggang sa palakas naman ng palakas ang radyo sa twing papalapit siya rooftop ng mansyon nila pero napahinto siya ng marinig muli ang Radyo na hindi na si Dianara ang nagsalita.

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now