HYH #47 - Hurt

1.5K 40 3
                                    

DIANARA POV

Matamang huminto ang kotse ni Kupas sa harap ng isang gusali. Ipinagbukas niya uli ako ng pinto at ibinigay ang susi ng kotse niya sa Vallet Attendant saka niya ako inalalayan sa likod habang naglalakad papasok.

Bakit naman ang dami ng tao?

Pumasok kami ni Kupas sa elevator at pinindot ang pinakamataas na floor. Nakatingin at nakangiti lang sa kanya ang mga empleyado kaya naman nginingitian niya rin sila bilang tugon.

Kitang kita sa mga empleyado na napakaprofessional nila. Ni wala man lang bulong bulungan o tsismisan na nangyayari. Lahat din nakangiti at nagbabatian sa isa't isa. Ang ganda rin ng ambiance ng gusaling ito saka salamin salamin 'tong elevator. Kitang kita ang mga ginagawa ng mga tao at tanawin sa may labas.

"Wow! Ang ganda naman dito Kupas!" Sabi ko ng makarating kami sa office niya.

"Naman! Ako may ari eh!"

At dahil sa sinabi niya ay napaharap ako sa kanya ng wala sa oras. "Di nga?!" Tanong ko ng hindi makapaniwala.

"Yep!"

Magsasalita pa sana ako ng tumunog ang telepono niya.

*kring kring!*

Pinindot niya muna ito. "Sir, remind ko lang po yung meeting niyo ng 10am." Sabi nung nasa kabilang linya na malamang ay secretary niya.

"Okay, thanks Gem."

"You're welcome Sir! Ah, Sir. Girlfriend niyo po ba yang kasama niyo? Marami po kasing nagpapatanong dito sa labas."

Anla? Hahaha astig naman ng amo at empleyado relationship nila ah?

"Hahaha ganun ba? Hindi eh. Siya si Dianara, ang bestfriend ko."

"Hala! Naku, Sir! Dapat um-oo na lang po kayo, yan tuloy nabuhayan na naman ng mga dugo yung nandito."

Hahaha talagang sinabi pa niya.

"Hahahahaha Ayos yan! Para makapagtrabaho na ng maayos."

Yun oh hahaha

Narinig ko namang nagtawanan ang mga nasa kabilang linya "Ay, oo nga po pala. Sige po!"

"Sige." Saka na pinatay ang tawag.

Natawa nalang ako sa usapan nila. Grabe. Ibang klase ka talaga Gray.

Maya maya'y pumasok siya sa isang pinto sa hindi ko alam ang kadahilanan pero hinayaan ko lang siya. Pagkaraan ng ang minuto ay lumabas siya ng nakasuit ang tie na. Ayos ah! Mas lalong gwumapo!

Pinapanood ko lang siyang inaayos ang necktie niya pero ng mapagtanto ko na nahihirapan siya ay tumayo na ako at ako na mismo ang nag-ayos nun.

"Salamat. Hiral lang talaga ako magtali nito."

"Walang anuman. Sige na, baka malate ka pa sa meeting mo."

"Okay, maiwan ka na muna dito ha?"

"Sige, wag kang mag-alala. Magpapakabusy ako!" Natawa lang siya sa sinabi ko saka lumabas na.

Natapos ang maghapon ko na nakatambay lang sa office niya. Dito na kami sabay naglunch. Pahiga higa lang din ako sa sofa ng office niya kapag mag ginagawa siya at may panaka nakang nagkwekwentuhan din kami. Pag may meeting siya ay naglalaro o nagsusurf ko sa internet gamit ang computer niya. Pumasok nga rin ako sa pintong pinasukan niya kanina. Grabe lang. Kwarto pala yun. Ang dami dami niyang mga suits at neck ties kaya naman inikurba ko na yung mga neckties para pasikipan nalang niya kapag nasuot na.

At ngaun uli, nakaharap ako sa computer niya. Alam ko na nga rin ang password eh. Makapagpicture nga? Tama!

Pipindutin ko na sana ng mabigla ako dahil sumingit siya sa likod ko at nasama sa picture. Kaya yan tuloy, ang laki ng mata ko sa picture namin.

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now