HYH #14 - Hope

1.8K 61 7
                                    

Sabay kaming naglalakad ni Zachary ng may tumawag sa pangalan ko.

"Zaimyl!"

Napaangat ako ng mukha.

Tsk.

At ano naman kayang ginagawa ng isang 'to dito?

Nakasimangot lang ako habang pinapanood ko siyang makalapit sa amin.

Napasulyap ako sa kasama ko.

Bakit parang mukhang shock at gulat na gulat sa makita niya.

"Ho! Kapagod tumakbo!" sabi niya habang nakalagay ang mga palad sa mga tuhod. "Grabe! Alam mo bang kanina pa kita tinatawagan at hinahanap?! Anong oras na?! Sabi mo susunduin mo ako pero heto ako ngayon! Ako pa ang sumundo sayo!" Nakapamaywang na siya ngayon.

Grabe! Nakakabingi ang pananalita at pangsesermon niya.

"Stop it, Xairyl!" sabi ko saka may kinuha ako sa bag ko. "Catch!" sinalo naman niya ang Green Apple na ibinato ko sa kanya.

"Wow! You're forgiven!"

"Ang daldal mo, dumugo na tenga ko."

"Natural lang yun! Kambal tayo eh, kaya kung nakakaramdam ka ng sakit ay nararamdaman ko rin!"

Nilingon ko si Zachary. Mukhang nagliwanag ang mukha ng malamang kambal kami.

Well, tulad nga ng sabi ko kanina. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Nakahanap na siya ng liwanag.

Nauna na akong maglakad papuntang parking.

Alam ko namang magtititigan pa silang dalawa dun at mukhang you and me against the world ang peg nila.

Nakarating na ako ng parking lot.

~ That should be me holding your hand

That should be me making you laugh

That should be me, this is so sad

That should be me, that should be me. ~

Kinapa ko ang cellphone ko at tinignan ang caller I.D. Telepono sa bahay 'to ah?

"Hello?"

(Sir, si Maam Elena nilalagnat at hinihika po!) tiyak kong ang mayordoma naman ang kausap ko ngayon.

"Ano?! Kung ganun, maghanda kayo! Papunta na ako dyan, dadalhin ko siya Ospital!"

(Sige po Sir.)

*Toot*

Agad kong pinatay ang tawag at mabilisang pumasok ng kotse saka humarurot ng mabilis.

Kailangang gumaling ni Lala kundi hindi ako mapapatawad ni Lolo.

Isinuot ko ang earphone at sinubukang tawagan si Xairyl baka kasi magtampo.

*Ring.Ring.Ring."

Ano ba!

Sagutin mo naman!

Tsk.

Hindi pa ba sila tapos magtitigan?!

Nakasecond attempt ako bago niya sagutin ang tawag ko.

(Zai!) halata ang pagkairita sa boses niya dahil sa pagtawag ko.

"Xai, magpahatid ka na lang kay Zachary."

(What?) What daw? Tsk. Eh halata namang gusto niya rin.

"Dadalhin ko si Lala sa Ospital, trinangkaso kasi saka inatake ng hika!"

(Hala! Gusto ko siyang puntahan!)

"Okay. I'll call you later. Bye!"

*Toot.Toot.*

---

Walang sampung minuto ng madala ko si Lala sa Ospital. Mabuti nalang dahil halos walang mga sasakyan sa daan.

Binuhat ko rin siya na parang hindi ko ramdam ang bigat niya dahil sa pagmamadali.

Natawagan ko na rin sina Daddy at Lolo saka si Mama dahil malapit sila ni Lala. Pupunta raw sila dito.

Kasalukuyan akong nasa labas ng kwarto ni Lala kung saan tinitignan pa siya ng doktor.

"Zai!" napatayo ako ng marinig ko ang boses ni Xairyl.

"Xai." walang pag aalinlangan ko siyang niyakap.

Ramdam ko ang lungkot sa aming dalawa.

"Everything will be fine." Huh? Napatingin ako sa likod ni Xairyl. Kasama niya pa pala si Zachary.

Tama.

Magiging maayos rin ang lahat. Alam ko yun. Malakas kaya ang Lala.

You're One of my weaknesses but I'm that everything will return into it's place.

Hindi niya iiwan si Lolo.

Hindi pa.

Hindi parin hanggang hindi pa ako naiikasal. Hanggang hindi nila nasisilayan ang magiging apo niya sa akin.

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now