HYH #3 - Lucky Day?

3.1K 75 7
                                    

Nagising ako dahil sa sikat ng araw sa mukha ko. Ano na nga bang oras? Inabot ko ang alarm clock para tignan ang oras.

Napabangon ako at nagmadaling tumakbo sa banyo para mabilis na maligo. 8:30am ang pasok ko at 8am na! 30minutes left!

Pagkatapos ng 5minutes kong pagligo ay nagbihis agad ako ng uniform.

Sumakay na agad ako ng kotse ko. Oo, may kotse na ko. 19 naman na ako kaya pwede na saka malakas kaya ako Daddy.

10minutes bago makarating sa University ko. Over take kung over take, basta importante makarating sa oras.

Bzzt. Bzzt.

Kinapa ko ang ang cellphone ko sa bulsa ko at mabilis na binasa.





Opening message. . .




|///loading///|》




From: Twin Sister ♥

This day is your lucky day, Twin brother! (^_^)v





Tsk.

Loka loka talaga 'tong kambal ko.

Binulsa ko na uli ang bulsa ko at tumingin sa daan dahilan para makapagpreno ako ng malakas.

Napayuko ako sa manibela. Sobrang kabog ng dibdib ko. Anong nangyari? Akala ko katapusan ko na. Mabuti na lang dahil napreno ko na kaagad.

Nang mahimasmasan ako ay tumingin ako uli sa daan saka bumaba agad para tignan ang bata na muntik ko ng masagasaan.

Naku po!

Nilapitan ko agad ang batang nakahandusay dahil pagkakabangga ko.

A-anong gagawin ko?

Paano na 'to?

Eh kung itakbo ko na agad siya sa ospital?

Eh panu naman kung patay na yan saka pag nalaman nilang ako ang nakabundol ay makulong pa ako saka madidisappoint si Dad.

Magagalit si Mama. Magtatampo si Xairyl. Masisira ang buhay ko.

"Juice Colored!! Santa santisima!!" napatingin ako sa babaeng O.A. Sinira ba naman niya ang pagdadrama ko? Aist. Teka? Sino ba 'tong pakialamerang 'to?

Lumuhod siya saka kinapa kapa ang katawan ng bata. Anong ginagawa niya? Nilalamog na parang lutong lutong saging ang katawan ng bata?

"Who the hell are you?" tanung ko sa pagkakairita ko pero hindi parin niya ako pinapansin. Bagkus, binuksan niya ang bag niya at naglabas ng stetoscope saka sinuot at pinakiramdaman kung humihinga pa ang bata.

Pagkatapos nun ay ibinalik niya agad yun at naglabas ng first aid kit. "Ipasok mo siya sa kotse saka itabi mo sa gilid." sabi niya. Magrereklamo pa sana ako dahil sa pag-uutos niya pero sinunod ko parin ang sinabi niya. Ayoko yatang makulong.

Tulad nga ng sabi niya ay isinakay ko ang bata saka itinabi ang kotse pagkatapos nun ay ginamot na niya lahat ng gasgas nito at binand aid-an ang mga ito.

Maya maya may nilagay siyang ewan sa bulak saka tinapat sa ilong ng bata yun. Ano ba yang ginagawa niya? Nilalason niya ba ang bata para dagdagan ang habang buhay kong pagkakabilanggo?

No way!

"Hey! What do you think you're doing?" hindi siya sumagot, "Stop that!" still no response. "I said, Stop!" sigaw ko kaya tumingin siya sakin.

"I'm just doing this for the child conciousness. I know what am I doing Sir."

Nagising narin ang bata sa ginawa niya. Ano kaya yung nilagay niya dun?

"Nasaan po ako?" tanong ng bata. Magsasalita sana ako para pagsabihan yang batang yan na wag maglaro ng patentero sa mga kotseng nadaan pero naunahan ako ng babaeng pakialamera.

"Sa susunod, Wag ng basta basta tumatawid ha? Yan tuloy nangyari sayo. Mag aalala ang mga magulang mo niyan." malambing na sabi nung babae.

"Ganun po ba? Salamat po Ate."

"Walang anuman. Pagaling ka ha? Sundin mo lahat ng utos ng mga magulang mo."

"Opo."

"Ah, ngapala." sabi saka kinapa ang backpack niya. "Ito oh, Marshmallow." Saka niya inabot sa bata kaya walang pag aalinlangan kinuha ng bata yun. I wonder kung marami siyang dala sa bag niya.

Matapos ang ilang minutong pag uusap ay bumaba na uli kami saka nagpaalam na ang bata.

Nagtaka ako ng pumasok ang babae sa kotse ko. "Hoy! Anong ginagawa mo dyan?! Bumaba ka nga?!" pero hindi parin ako pinakinggan.

Heal Your Heart 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon