HYH #49 - Hopeless

1.4K 36 3
                                    

Lumipas ang Isang linggo. Nanatili si Dianara sa Unit ni Gray. Silang dalawa lang pero wala namang malisya sa kanya yun dahil kaibigan lang ang turing niya sa binata.

Madalas siyang makitang malungkot ni Gray. Sapagkat, hindi man lang nagparamdam si Zaimyl sa kanya. Durog na durog na siya. Segu-segundo, minu-minuto, oras-oras at araw-araw siyang umaasa na sana magparamdam ito. Kahit isang 'Hi' o 'Hello' man lang ay kontento na siya.

Maging sa uwian ng klase ay naghihintay pa siya sa labas ng gate nila. Ni si Xairyl ay hindi niya makita. Dahil doon ay si Gray na ang naghahatid sundo sa kanya.

Kasalukuyan silang nasa Park ngayon. Dito na muna sila dumiretso pagkagaling sa paaralan.Inabot na rin sila ng gabi.

"Tara na, uwi na tayo." Yaya ni Gray kay Dianara. Tumango na lang ang katatahan na dalaga saka pumasok sa pintong binuksan ng binata.

Pagkapasok ng dalaga ay papasok narin sana si Gray sa sa driver's seat ng biglang may dumating na isang Van na itim.

May mga lumabas na limang nakaitim na mga kalalakihan at may takip ang mga mukha kaya hindi sila makilala. May mga hawak hawak din silang 45caliber na baril.

Hindi sila nagpaligoy ligoy na agad  lapitan ang kinaroroonan ng dalaga. Marahas na binuksan ang passenger seat at sapilitang hinila ang dalaga palabas ng kotse.

"Sino kayo?! Anong kailangan niyo?! Bitawan niyo ako!!" sigaw ng dalaga.

"Duyan!" tawag naman ng binata sa kanya pero maging siya ay walang magawa dahil hinawakan din siya ng dalawang lalaki.

"Kupas!!"

Pilit na pumapalag ang dalawa sa mga lalaki ngunit kahit na anong gawin nilang palag ay hindi parin nila kaya ang mga ito dahil sa naglalakihang mga katawan.

"Duyan!!"

Naiinis si Gray. Naiinis siya dahil hindi man lang niya magawang makaligtas ang kaibigan. Dahil hindi niya ito kayang ipagtanggol sa gustong manakit sa kanya. Kung sana ay Gangster din siyang katulad ng mga kaibigan niya. Mas may posibilidad na maipagtanggol niya ito laban aa mga lalaking kumukuha sa kanya.

"Anong kailangan niyo sakin!! Wala akong maibibigay aa inyo kaya pakawalan niyo na ako!!" singhal naman ng dalaga sa mga lalaki.

"Nagbibiro ka ba? Ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng mga Real." sagot naman ng isang lalaki sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Sa isip isip ng dalaga ay siya nga ang pakay ng mga ito dahil alam nila ang tunay niyang pagkatao. Na pera lang ang habol sa kanya ng mga ito.

"Na ikaw si Dianara Real."

"Hindi! Nagkakamali kayo!" Pagtatanggi niya.

"Wag ka ng magsinungaling pa." sabi nito sa dalaga saka humarap sa mga kasamahan niya "Ipasok niyo na yan!"

"Itong lalaki Lider? Anong gagawin natin dito?" tanong ng isa niyang kasamahan na hawak hawak si Gray.

"Iwan niyo na yan, itong babae lang ang habol natin."

"Kupas!!"

"Duyan!!

"Isakay niyo na nga yan! Takpan niyo narin ang bibig at mata!" sabi ng boss saka nagsisakayan na sila.

Binitiwan din nila si Gray pero humabol ito at sinuntok ang isa sa kanila. Pero natumba rin siya agad ng masuntok din siya pabalik. Sinamantala ng mga kalalakihan yun at magmadaling sumakay ng Van saka umalis na.

Naiwan si Gray na nakahilata at nagdudugo ang labi.



Samantala, sa loob ng Van. Walang magawa si Dianara dahil nakatakip ang mga mata at bibig.

Heal Your Heart 1 ✔Where stories live. Discover now