Kingina, bumabanat na siya ng gan'yan, ha? Siya kaya banatan ko d'yan. 'Di bagay, enangyan.

"Yiie, sweet mo naman, my Jane. Ikaw ba, kumain ka ng tae?" pabalik na banat ni Ping.

Tangina namang tawagan 'yan, nakakaurat.

"Pick-up line din ba 'yan, my Tarzan? Kadiri ka naman. Bakit tae?"

Sabagay, kaya Tarzan din tawag ni Ate kay kuya Ping dahil mukha rin naman siyang taong-gubat.

Hehe. Joks, gwapings naman ng slight eh.

"Seryoso ako, my Jane. Anong oras palang kasi ang baho na agad ng hininga mo. Nalulusaw braincells ko sayo," mahinang sabi ni Ping habang medyo tumatawa pa. Pinantakip agad ni Irene ang unan na hawak sa bibig niya dahil muntikan na siyang tumawa ng malakas.

"Ahh, gano'n? Tignan mo, hindi mo malalasap ang HEAVEN ng isang buong linggo. Walang kanting sa buong linggo, ha? MANIGAS KA," matigas na sabi ni Nicole at nakita ni Irene na humarap ito sa kabilang side. Napaupo tuloy ang dalaga ng wala sa oras. Baka kasi ay makita siya bigla ng kanyang ate na nakikinig lang pala sa kanila.

"Sus, 'kaw pa, my Jane. Ikaw nga nag-i-initiate e. Ikaw rin, bahala ka kung ayaw mo," natatawang sabi ni Ping.

Yuck. Hindi ko ma-imagine si ate Nicole na nakikipag-kanting-an kay kuya Ping. Like eww. Baka magkantingan sila sa double-deck ko, ha? Umayos lang sila!

"Ano ba, Maria? Dito pa kayo nag-uusap ng mga usapang gan'yan. Nakakaulol kayo. Hindi ba kayo aware na nandito lang kami ni Kaloy sa baba? Istorbo e," reklamo ni 'Nay Recca sa baba.

Ayan tuloy, natawag pa si ate sa first name niya.

Hindi na talaga mapigilan ni Irene ang tawa kaya dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto habang dala-dala ang mga kumot, unan at sapin.

Sasakit lang ulo ko sa kanila e.

Nadatnan niya sa labas si Jungkook na nakahiga na sa napakalaking kutson. Nakapatong ang isang braso nito sa mukha habang ang isang braso naman ay nakapatong sa tyan.

Lumapit sa binata si Irene saka binato sa mukha nito ang isang unan, kumot at sapin. "Lagyan mo muna ng sapin bago ka matulog."

"Tagal mo. Nakaidlip na 'ko," mahinang sambit ng binata. Naalala nanaman ni Irene ang boses ni Jungkook nung pinaglaruan niya ito sa taas ng double deck. Ganu'n na ganu'n rin ang boses nito.

Naalala niya. . .Ano kaya kung gawin niya ulit 'yun kay Jungkook?

Napangisi ang dalaga sa naisip.

Tahimik lang na naglatag ang dalawa ng mga sapin nila, pagkatapos ay dumiretso na sa paghiga. Si Jungkook nalang ang nag-volunteer na tumayo para patayin ang ilaw sa sala, tanging ilaw lang sa kusina ang nakabukas.

Pasilip-silip lang si Irene sa binata na natutulog na. Ganu'n parin ang itsura nito katulad sa kanina. Nakapatong ang isang braso sa mukha habang ang isang kamay naman ay nakapatong sa ibabaw ng tyan.

Naririnig niya na ang mahinang pag-hilik nito, nakikita niya na rin ang nakabukang mga labi nito, senyales na natutulog na ang binata ng mahimbing.

Bakit ganu'n? Kahit nakanga-nga siya, ang gwapo niya parin? Unfair naman e!

*•*•*

Naghintay lang ng ilang minuto si Irene para hintayin ang paghimbing pa lalo ng tulog ni Jungkook. Hindi parin naman siya inaantok kaya balak niyang pag-trip-an muna ang binata.

Jungkook is Mine [completed]Där berättelser lever. Upptäck nu