Parallel 48

1K 108 1
                                    

**

Hindi alam ni Cassy kung bakit nakakaramdam ng kakaibang kasayahan ang kaniyang puso.

Narito siya sa parke ng pamantasan, kausap ang isang lalaking maangas man ang pananalita, ngunit mayroong maamong pagngiti. Naistorbo sila nang dumating ang isang magandang babae na may maladiyosong mukha.

Sa kabila ng taglay nitong kagandahan ay hinihingal ito kaya't ininom ang tubig na nasa mesa at dapat ay para sa kaniya. Matapos makainom ay sumilay ang matamis na ngiti sa pisngi. Nang dumaan ang hangin ay nagmistula itong modelo. Ang masiglang disposisyon nito ay nagbibigay ng enerhiya sa lahat ng nasa paligid.

Mahahalata ang pagiging malapit  nina Jake at Milagros sa kanilang pagkukulitan. Batid niyang panaginip lamang ito, pero hindi niya alam kung bakit napakalinaw at tila isang pelikula na tumatakbo sa isipan.

Napakabilis man ng pagdaloy ay naroon pa rin ang magaang pakiramdam ngayong muling nasasaksihan ang mga eksena na napanaginipan na niya noon.

Muli rin niyang nakita ang pabago-bagong emosyon ni Milagros nang makaharap si Caleb sa cafeteria, noong pinag-uusapan ng mga ito ang tungkol sa unang pagkikita sa isang coffee shop. Napapatulala lamang ang lalaki na roon ay kapatid ni Jake.

Dumaloy rin sa kaniyang isipan ang una nilang pagpunta sa mall upang manood ng sine. Napangiti siya nang muling makita ang pang-iistorbo nila sa pagtatagpo nina Caleb at Milagros, noong puntahan nila ang magkasintahan sa kilalang kainan sa labas ng pamantasan.

Sobra din ang tuwa na kaniyang naramdaman nang ayusan siya ng babae, para sa paghahanda sa kanilang pagpunta sa tahanan ni Jake.

Hindi niya rin malilimutan ang umaga na lapitan siya ni Milagros para makisuyo na iabot ang sulat para kay Caleb. Napagkaisahan pa nga sila dahil inakala ng mga kaklase nito na siya ang nagbigay niyon.

Ang kaniyang ipinagtataka, bakit nasasaksihan niya ito na animo’y personal niyang napagdaanan? Ang lahat ng tuwa, lungkot at iba pang emosyon ay malinaw niyang nararamdaman, na para bang matagal na itong nakatatak sa kaniyang puso’t isipan?

Mayamaya, siya ay napamulat at puting kisame ang kaagad na bumungad.

Puro puti ang makikita sa paligid kaya alam niyang naroon siya sa isang klinika. Ngunit, iba ang itsura nito kaya malakas ang kaniyang kutob na hindi ‘yon lugar sa unibersidad. Wala siyang natatanaw na ano mang pinto at bintana. Iisa lamang ang kama na puwedeng higaan at nasa kabila nito ay isang mesa. May mga kabinet na kulay puti at hindi niya masiguro kung ano ang nilalaman.

Saka naman siya napalingon sa taong nakaupo sa kaniyang tabi.

Muling dumaloy ang luha niya nang mapagtanto kung sino ito. Hindi siya makapaniwalang sa kabila ng wala na ang babae, madalas pa rin itong nagpapakita sa kaniya bilang kaibigan. Kaagad niyang naalala na ito ang palaging nagbabalik sa kaniya, sa tuwing siya’y naliligaw sa ibang ‘mundo’ o sa ibang ‘dimensyon’.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito pinababayaan.

“Kung ganoon, alam mo na.” Bahagyang ngumiti ang babae, ngunit nakikita niya sa mga mata nito ang kalungkutan.

“M-mira?” wika niyang mabilis na bumangon at naupo sa gilid ng kama. Kaagad niya itong niyakap, saka naman siya napaisip kung paanong nararamdaman ito.

Bakit niya ito nahahawakan kung totoong wala na ito sa mundo?

Bumitiw siya sa babae, at sa kaniyang pagtitig ay naalala niya ang nasaksihan kanina. Doon ay malinaw niyang nakita ang mukha nito. Magmula noong una itong makilala, hanggang sa huling kabanata ng mga napanaginipan.

In Another Life: The Other Side Of The Parallel (Wattys2020 Winner)Onde histórias criam vida. Descubra agora