Parallel 6

2K 251 357
                                    

Hanggang balikat ang buhok ng pamilyar na estranghero, at nang mapansing nakatingin na siya pabalik ay mabilis itong tumalikod.

Kaagad siyang tumayo at humakbang palabas ng library.

“Cassy.” Tinawag siya ni Lianne, pero sa pagmamadali ay hindi na niya ito nilingon.

Kailangan niyang maitanong ang tungkol sa libro. Ngayon ay hindi niya maalala kung nadala ba niya ito.

Patuloy pa rin ang kaniyang paglalakad habang hinahagilap sa bag ang lumang aklat. Mag-isa siyang pumasok sa elevator ng Administration Building, saka pinindot ang buton ng unang palapag para makababa.

Hinahanap pa rin niya sa backpack na nakaposisyon sa kaniyang harapan kung nandoon nga ba ang libro, ngunit hindi niya ito matagpuan. Sumilip na nga rin siya maging sa pagitan ng ilang aklat at kuwadernong dala, pero wala naman ito roon.

Natigilan na lamang siya nang biglang huminto ang elevator, kasunod nang malakas na tunog na bahagyang nagpatigil sa kaniyang puso. Humawak siya sa gilid at napatingala, saka naman nagsimulang mamatay-matay ang ilaw. Ilang segundo rin itong kumurap. Pipindutin na sana niya ang buton para humingi ng tulong, nang matuluyan namang lamunin ng kadiliman ang kaniyang kinaroroonan.

Napasigaw siya dahil sa labis na pagkagulat. Aligaga niyang kinapa sa bulsa ng bag ang kaniyang phone, at kahit nanginig ang mga kamay ay nakuha naman niya ito. Nang mapindot ang buton para sa flashlight, sumambulat ang liwanag, kaya't natuklasan din niyang hindi na siya nag-iisa sa elevator.

Malakas na tili ang agad niyang pinakawalan dahil sa matinding pagkatakot. Halos takasan siya ng bait nang makita ang bulto ng isang ginang sa kaniyang harapan.

Nakayuko ito at nakatalikod mula sa kaniya. Patuloy pa rin ang kaniyang pagsigaw nang magsimula itong bumulong. Hindi naman niya maintindihan ang sinasabi nito at sa totoo lang ay wala siyang pakialam.

Napapikit na si Cassy, kaya hindi na niya ito nakikita pa, at dumulas na rin mula sa kamay ang phone. Ngunit napakalinaw sa kaniyang pandinig ang tinig nito. Lalong lumalakas ang boses ng nilalang na tila naririnig niya sa kaniyang isipan.

Mayamaya, bigla na lamang siyang nanigas at hindi na makagalaw sa kinatatayuan. Nagsimula nang mag-unahan sa kaniyang pisngi ang mga butil ng luha, at ngayon ay halos hindi na siya makahinga. Animo'y may kung anong unti-unting humihigop ng hangin mula sa kaniya.

Sa kabila niyon ay bumubulong pa rin ang ginang na tila walang katapusan.

“Caleb...” tawag niya sa kakambal gamit ang namamaos na tinig.

Pagkalipas pa ng ilang sandali, huminto ito at kasabay ng pag-ikot ng paligid ang unti-unting pagkawala ng kaniyang ulirat.







***

Will you come with me
To a place like heaven
Away from human desires
Just look into my eyes

I will bring you to a world
Without suffering
Just say yes and wear
this simple ring

Oooohhhhh

Being extinct
What do you think?

Oooooohhhhh

And we'll go to
a place like heaven
If your searching a paradise
Just look into my eyes

In Another Life: The Other Side Of The Parallel (Wattys2020 Winner)Where stories live. Discover now