Pasilip

4.2K 51 0
                                    



Kadiliman.

Namulat siyang nakatayo sa gitna ng walang hanggang karimlan. Kahit saan niya ibaling ang paningin, ang tanging bumabalot lamang ay ang kawalan ng liwanag.

Kawalan ng pag-asa.

Kawalan ng kasayahan.

Nakaramdam siya nang matinding kalungkutan na hindi pa niya nararanasan sa tanang buhay niya. Sinasabayan ito ng takot na unti-unting sumakop sa kaniyang katauhan, dahilan para umagos ang malalaking patak ng kaniyang luha.

Napayakap siya sa sarili nang maramdamang nanuot sa kaniyang kalamnan ang kakaibang paglamig ng paligid.

Sinubukan niyang tumakbo, pero ang tanging maririnig lamang ay ang pagyabag ng sariling mga paa. Batid niya ang kaniyang paggalaw, ngunit kataka-takang 'di siya makaalis sa kinaroroonan niya. Patuloy lamang siya sa pagtakbo kahit nababatid niyang wala siyang pinaroroonan.

Natigilan siya sa pagkilos nang maaninag ang paparating na liwanag. Napakalakas nito at nakasisilaw kaya bahagya niyang naipikit ang mga mata. Sa kabila niyon ay nasisilip niya ang kaakibat nitong bulto na dahan-dahan ding lumalapit sa kaniya.

Sa unti-unting paglapit ng nilalang ay mas lalong nagiging malinaw ang itsura nito. Ang kulot at mahaba nitong buhok ay iginagalaw ng kakaibang puwersa sa paligid.

Napatitig na lamang siya hanggang sa makarating at magpantay ito sa harapan niya. Nakatingin lang din ito na animo'y binabasa ang kaniyang kaluluwa.

Nanlaki ang mga mata niya, kasabay ng pagpigil sa sariling paghinga nang unti-unting may mapagtanto.

Ang babaeng 'yon...



Bakit kamukha niya?













Paalala

*********
Ang kuwentong ito ay para sa matatapang na mambabasang handang tumanggap ng hamon na tumuklas ng misteryo.

Ipapaalala ko na ring ito ay gawa-gawa lamang ng aking imahinasyon.

Ano mang pagkakatulad sa tunay na buhay ay imposible talagang mangyari, maliban na lang kung may kakambal kayong kilalang pianista, makapangyarihan kayo at kaya ninyong makapaglakbay sa ibang mundo.

Kung may kapangalan kayo sa isa sa mga karakter, mabuhay at magpunyagi kayo at naisali ko kayo sa istorya na ito.

Hindi ko po sinasadya, malikot lang po talaga ang aking imahinasyon.

***

Plagiarism is a not crime.
But COPYRIGHT INFRINGEMENT is.

Kapag napatunayan, maaaring makulong ng isa hanggang tatlong taon. May multa ring 50K-150K pesos. First offense pa lang yan.

Isa rin itong kasalanang mortal para sa mga manunulat na katulad ko(kahit amateur lang ako).

Kung sakali mang may makaisip na gumawa nito, hindi ko man makikita, nasisiguro kong may ibang makakaalam. (Nariyan lang siya at baka katabi n'yo. Baka siya rin mismo ang nambubuyo sa iyo.)

***

All Rights Reserved

Sinimulang isulat: 2016
Nag-post ng ibang chapter: 2017/2018
Posted na lahat: 2019
Continues Editing because of Lockdown: 2020
Kailan natapos: Di ko talaga maalala? 2018 yata?

In Another Life: The Other Side Of The Parallel (Wattys2020 Winner)Where stories live. Discover now