Parallel 26

1.2K 148 30
                                    

"Mayroon ka pa ring Ikalimang Mata at nilinlang niya lang ako," wika ni Jacob na tila kausap ang sarili.

Naalarma naman si Cassy sa narinig kaya't nagpunta siya sa harapan nito. "Anong sinabi mo? Ikalimang Mata! Kung ganoon 'yon nga?"

"Sinong manlilinlang sayo? Siya ba ang may kagagawan kung bakit ako nagkakaganito? Sino ba siya? Kailangan ko siyang makausap para malaman ko kung bakit niya ito ginagawa sa akin!" patuloy niya.

Nakalihis pa rin ang mga mata ng lalaki mula sa kaniya. "Hindi mo siya puwedeng kausapin. At ngayon, kapag nalaman niyang nagkaharap tayo, magagalit siya. Kaya umalis ka na, baka mapahamak ka lang," pahayag nitong patuloy pa rin sa pag-iwas.

"Bakit siya magagalit? Anong karapatan niyang magalit? Sino ba siya?" Lalo pang tumindi ang pagnanais niyang malaman ang lahat, kaya mas lumapit siya, samantala ang lalaki naman ay napapaatras, patuloy ang pagdistansya na para bang mayroong siyang nakahahawang sakit.

Ngayon ay hinila na nito ang mop at lumipat ng ibang puwesto. Paika-ika itong naglakad patungo sa pinakadulo.

Sumunod lamang siya sa lalaki.

"Umalis ka na, dahil kahit na anong gawin mo, wala na akong sasabihin pa sa 'yo. Ako na ang bahalang makipag-usap sa kaniya," pahayag nitong ipinagpapatuloy ang ginagawang paglalampaso.

"Sino ba kasi siya, Jacob?" wika niyang halos mababanaag sa tinig ang pagmamakaawa na sa lalaki.

"Ibalik mo na lang ang libro, ako na ang bahalang magsunog ng bagay na 'yon," turan nitong nakatalikod naman sa kaniya.

"Bakit mo susunugin 'yon? At saka, sinabi mo kanina na hindi ikaw ang nagbigay sa akin ng bagay na 'yon. Kung ganoon, sino?" dagdag pa niya, ngunit hindi ito tumugon at mas lalo lamang humahakbang palayo sa kaniya.

Hindi siya umalis at pinagmasdan lang ang likuran nito. Mabilis niyang nakabisado ang hugis ng katawan nito. Saka naman napadako ang kaniyang tingin sa suot nitong sapatos. Gamit ang paningin ay sinukat niya 'yon sa kaniyang isipan.

"Anong paborito mong kulay?" Tinatantiya pa rin niyang maigi ang sukat ng paa ni Jacob. Mukhang kasukat naman nito ang kapatid.

"Hindi tayo ganoon kalapit para alamin ang paborito ng isa't isa," pahayag ng lalaki na nagpatuloy lamang sa pagmo-mop. "Hindi ko rin kailangan ng bagong sapatos. Maayos pa naman itong suot ko. Isa pa, hindi ko kasukat ang kakambal mo."

"Kung maayos pa 'yang suot mo ngayon, ano na lang ang sira sayo? Saka paano mo nalaman na—" Natigilan siya at humakbang sa harapan nito.

Ngayon ay tinititigan niya nang maigi ang mukha ng lalaki.

Totoo nga ang sinasabi ni Sherryl patungkol sa kapangyarihan nito?

"Ikaw? Ikaw ang estudyanteng sinasabi nilang may Ikalimang mata." Nagulantang siya sa nalaman kasabay ng pagkabog ng dibdib. "Mayroon ka ring ganoon? Nababasa mo ba ang iniisip ko?"

Hindi naman ito tumutugon.

"Tama ako, 'di ba? Nababasa mo 'ko? Pero, paanong hindi kita mabasa? May iba't ibang level pa ba 'yang Ikalimang mata na 'yan? Saka paano ba ako nagkaroon ng-"

"Umalis ka na. Bumalik ka na lang kapag dala mo na ang libro," pahayag nitong inilagay ang mop sa isang balde at dinala 'yon sa dulong cubicle kung saan may gripo na puwede nitong pagbanlawan.

Dismayado siyang tumugon, "Sige, aalis na ako. Pero babalik ako bukas, at kailangan ko ng kasagutan sa mga tanong ko," wika niyang muling napatingin sa sapatos nito.

Disidido na siya sa gustong kulay para sa lalaki.







***

In Another Life: The Other Side Of The Parallel (Wattys2020 Winner)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant