Parallel 37

1.2K 124 17
                                    

***

Unti-unti nang nasasanay si Peya sa mga estudyanteng nakatingin kapag kasama niya si Jake. Napapailing na lamang siya kapag sinasabi ng lalakinna naiinggit daw ang mga ‘yon, dahil kasama niya ang pinakaguwapong tao sa pamantasan.

Pinakamahangin ‘kamo.

Kapag nasa parke ng unibersidad at mag-isa, madalas na sinasadya ng mga babaeng estudyante ang magparinig sa kaniya. Tulad ngayon, nakatitig ang mga ito na para bang ano mang oras ay susunggaban siya.

“Hindi talaga ako naniniwala na gusto ‘yan ni Jake. Malamang nanti-trip lang ‘yon. Alam n’yo naman ‘yon, masyadong mapagbiro, at ito ang biro na hinding-hindi ko talaga paniniwalaan,” wika ng isang babae na sarkastiko siyang pinagtatawanan.

Nasa bandang kanan nakaupo ang mga babaeng labis pagngingitngit dahil sa pagiging malapit niya sa lalaki.

“Ha? ‘Yan? As if naman. Tama ka, girl, malakas mang-trip si Jake,” pagsang-ayon ng katabi nito na napahalukipkip at tinitingnan din siya nang pailalim. “Look at her clothes, minana pa ‘ata niya ‘yan sa ninuno niya, eh.”

Dahil sa sinabi ng babae ay nagtawanan ang mga ito.

Napatingin siya sa suot. Bakit maging ang asul na bestida na pag-aari ng ina ay pakikialaman pa ng mga ito? Napakuyom na lamang ang kaniyang kamao, kasunod nang paghugot nang malalim na paghinga.

Hindi tamang patulan niya ang mga ito, dahil panigurado, may mangyayaring 'di-maganda.

Mapang-asar din ang pagkakangiti ng babaeng estudyante na nakaupo sa katapat niyang mesa. “Well, ang possibility lang na magugustuhan siya ni Jake ay kung kinulam niya ito o baka naman, sobrang bumaba lang ang taste niya. But, maybe he’s just experimenting, right?” pahayag din nito saka napahalakhak.

“Hindi bale, kapag natapos na ang experiment niya sa mukhang palaka na ‘yan ay magsasawa din ‘yon, at malamang hindi na ‘yan papansinin ni Jake.”

“Idi-disect din ba siya ni Jake?” pagbibiro ng isa kaya lalong umugong ang malakas na tawanan sa parke. Maging ang ibang estudyante na nakakarinig ng usapan ay nakikitawa rin.

“Sana kapag ginawa ‘yon ni Jake, mamatay na siya, para mawala na ang eyesore na ‘yan dito sa university.”

Nang mapatingin siya sa nagsalita, kaagad niyang nakilala na isa 'yon sa kaniyang kaklase, si Gwen na may nakakaakit na mukha at magandang hubog ng katawan. Ngayon ay nakakibit-balikat ito at matalim ang pagkakatingin.

“I couldn’t believe na pati ang anak ng dean ay kinaibigan siya,” wika ng isa sa mga kausap nitong nasa kabilang mesa.

“Nagayuma nga kasi. Ang tindi talaga. Wala ba tayong puwedeng gawing paraan?” Inismiran siya ng huling nagsalita, na tila diring-diri sa kaniya.

“Like what? Aswang kaya ‘yan. Mamaya sundan tayo niyan pauwi. Hindi ba kayo natatakot?” wika ng isa na nahihintakutang napasulyap sa kaniya. “Isa pa, mukhang naririnig niya tayo.”

“Kung hindi ba naman sila mga hangal, malamang naririnig ko sila. Daig pa nila ‘yong mikropono sa lakas ng boses nila!” Napagdesisyunan nang tumayo ni Peya para umalis na lamang.

Wala naman siyang mapapala kung mananatili pa sa parke. Maghahanap na lang siya ng ibang lugar na mapaglilipasan ng oras.

Matapos ang mabilisang pagliligpit ng mga gamit pabalik sa bag, nagsimula na siyang humakbang patungo sa direksyon ng kanilang departamento. Ang kaniyang pagmamadali sa paglalakad ay sinasalubong ng hanging dulot ng nagtatayugang puno sa paligid.

In Another Life: The Other Side Of The Parallel (Wattys2020 Winner)Where stories live. Discover now