Parallel 28

1.3K 149 42
                                    

Dahil sa pag-ulan kanina, naging matrapik ang pangunahing kalyeng kanilang tinatahak. Umaambon pa, kaya ang wiper na nasa windshield ay paulit-ulit sa paggalaw mula kaliwa hanggang sa kanan. Tamang-tama ang lamig ng panahon sa malamyos na tinig ni Moira dela Torre na maririnig sa kanilang sasakyan. Nakatingin lamang si Cassy sa labas ng bintana at nakikinig sa musika. Pero, hindi 'yon sapat para mapakalma ang puso.

Nayayamot pa rin siya dahil sa hindi pagsagot ni Jacob sa lahat ng kaniyang katanungan.

"Ayos ka lang?" tanong ni Caleb.

Napalingon siya sa kakambal na mukhang kanina pa nakatingin sa kaniya. Halos hindi na niya napansin sapagka't abala ang kaniyang isipan.

"Sa totoo lang, hindi," pag-amin niya.

Umayos ng pagkakaupo ang kapatid para makaharap sa kaniya. "Ano bang mayroon doon sa libro? Bakit ayaw na niyang bawiin sa 'yo? Sigurado ka ba talagang sa kaniya 'yon? At saka ano ba ang mga tinatanong mo sa kaniya na ayaw niyang sagutin?"

Wala naman siyang maisagot kaya napabuga na lamang siya sa hangin.

"So, 'yong pinakiusap mo sa assistant ni Dad na shoes at clothes ay para pala kay Jacob?" wika nitong tumango-tango. "Noong kailan lang ay may pinatira ka sa condo mo, dinala mo pa sa ospital. Tapos ngayon, namimigay ka na ng damit? Hindi masamang maging charitable, but, I don't think na gagawin mo ito nang walang dahilan."

"Ganoon ba ako kasama sa paningin mo?" Binigyan niya  ito nang matalim na tingin.

Kaagad namang dumipensa si Caleb at tinawanan siya. "Hindi, ah! Nakakapagtaka lang. Wala ka namang pakialam sa mga gan'yan dati, lalo na kapag inaaya ka ni mom na mag-volunteer, ayaw na ayaw mong sumama. So, talagang gusto mo siya?" paghihinala nitong tiningnan siya kasabay nang mapanuksong ngiti.

"Oo! Gusto ko siya, kaya ko siya tinulungan!" sagot niyang sumakay na lamang sa pang-aasar nito. "Pati si Sherryl, gusto ko! Gustong-gusto ko! Mahal ko na nga 'ata iyon, eh!"

Lalong humagalpak ng tawa si Caleb na tila umalingawngaw pa sa kotse. "Nililigawan mo ba siya?"

"Hindi ka nakakatulong, ha?" wika niyang bahagyang nainis.

"Grabe, hanggang ngayon—" pinutol naman nito ang sinasabi.

"What?" Nangunot tuloy ang kaniyang noo. Hindi niya rin alam kung bakit hindi na mabasa mula rito ang kasunod niyon.

Umiling lang ang lalaki, saka simpleng napangiti.

Ibang bagay naman ang sunod na pumasok sa kaniyang isipan.
"'Yong totoo, okay lang sa 'yo na magkagusto ako kay Jacob?"

"Bakit naman hindi?" balik-tanong ng kapatid.

"Kasi nga, iba siya sa karaniwan?" Naitanong lamang niya ito dahil sa magkaiba ang antas ng kanilang pamumuhay kumpara kay Jacob.

Pero, masyado lang siguro siyang nag-iisip. Eh, ni hindi nga siya pinapansin ng tao.

Medyo sumeryoso ang kapatid nang ito'y lumingon, "Pati ba ikaw, hinuhusgahan mo si Jacob? Walang iba sa kaniya. Oo, hindi siya privileged na tulad natin, pero sa totoo lang, ang sabi ni Professor Black, malaki ang potential niya."

"Malaki ang potential ni Jacob? What do you mean?"

Kaagad na tumugon ang kapatid, "He's a genius like you, pero sabi ni Professor mas lamang 'yon kasi meron siyang photographic memory—"

"Mayroon din akong ganoon." Napakurap siya at napatingin sa kung saan.

"Kailan pa?" Nangunot naman ang noo ni Caleb.

In Another Life: The Other Side Of The Parallel (Wattys2020 Winner)Where stories live. Discover now