Parallel 24

1.2K 153 39
                                    

Hindi biro ang nalaman ni Cassy.

Paanong pinsan pala ni Sherryl si Jacob? Pero sa kabilang mundo, si Peya ang pinsan nito? Ang babaeng kamukha, ngunit may ibang personalidad, ulila sa magulang at hindi kagandahan.

Kung ganoon, ang ginang na nagpakita sa kaniyang silid ay tiyahin ni Jacob at hindi ni Peya?

Naguguluhan man sa nangyayari, ngunit bakit pa ba siya magtataka? Eh, ang taong kapareho ng kaniyang itsura sa kabilang mundo ay sadyang ibang-iba. 

Pero, hindi niya maiwasang makisimpatya. Noong nagkukuwento si Sherryl, bigla ring gumuhit sa damdamin ang kakaibang pagkirot na kanina lamang niya naranasan sa loob ng labing-siyam na taong buhay sa mundong ibabaw. Umagos ang kaniyang luha na tila ba nakaranas na rin siya nang matinding dagok.

Sa kabila ng bigat na nararamdaman, lumabas na siya ng silid at hinayaang mapag-isa si Sherryl. Samantala, si Kuya Peter ay kanina pa naroon sa labas. Sensitibo kasi ang batang drayber at ayaw nitong makakita ng babaeng umiiyak.

“Grabe, kanina, action movie. Ngayon naman, drama. Ano pa bang ipapakita mo sa akin today?” tanong ng lalaki nang maupo siya sa tabi nito, sa labas mismo ng VIP room.

“Horror, gusto mo?” alok niyang biniro na lamang ito. Pero, malamang, mayamaya ay mananagot na siya.

Hindi lang kasi basta kapatid si Caleb, dahil matalik niya rin itong kaibigan na parating maaasahan. Dati nang maalaga ang kakambal, pero magmula noong maaksidente at ma-coma siya, lalo pa itong sumobra sa pagprotekta sa kaniya.

Nabaling ang kaniyang atensyon sa itaas na bahagi ng pader na nasa harapan nila. May bintana roon at matatanaw ang masiglang liwanag sa labas. Napakatahimik sa labas ng pasilyong kinaroroonan na halos puro puti lamang ang makikita sa paligid.

Nang mapatingin siya sa bandang kanan, napansin niya ang isang matandang babae na nakadamit pang-pasyente.  Maamo ang mukha nitong puno ng kulubot, ngunit mababanaag sa mga mata ang kasayahan at pagiging kontento.

Napakabagal ng paglalakad nito at halos nakakuba na ang likod kaya tatayo na sana siya para matulungan, ngunit nanigas na lamang ang kaniyang kalamnan nang makita kung sino o ano ang kasunod nito.

Nakasuot ng itim na talukbong ang nilalang na kataka-taka ring walang mukha. Mahaba ang itim nitong kasuotan na halos nakasayad na sa sahig. Mabagal din ang paglalakad nito na sinasabayan lamang ang matanda.

Halos mabingi naman siya sa tunog ng pagtibok ng kaniyang puso. Saka pa lamang niya naalalang mag-iwas ng tingin.

Patuloy pa rin ang pagtambol ng kaniyang dibdib hanggang sa makalampas ang mga ito. Nang maramdaman niyang medyo nakalayo na ang dalawa, saka pa lang siya nakalingon sa dulo ng koridor, kung saan nakita pa niya ang dagliang paglaho ng mga ito.

Isang malalim na paghinga ang hinugot ni Cassy sa kawalan.

Kung hindi siya nagkakamali, ‘yon  ang tagasundo. At ang matanda na naunang naglalakad kanina ay isang kaluluwa.

“Anong tinitingnan mo?” sabi ni Kuya Peter na nakasilip sa bandang kaliwa niya. “Anong mayroon doon?” Nawala ang atensyon nito nang tumunog ang sariling phone. “Hayan, tumatawag na naman ang tatay mo!” Iniabot nito sa kaniya ang bagay na ‘yon.

Kaagad na niya itong sinagot at bumungad ang sermon ng kakambal, “Nasaan ka ba nagpunta? Alalang-alala ako noong nalaman ko kay Lianne na wala ka sa klase ninyo kanina? Ano ba’ng pinaggagawa mo at isinama mo pa si Kuya Peter? Tama namang kasama mo siya, pero hindi iyon ang point, ang point doon ay umalis ka ng university?”

“Paano kung napahamak ka? Alam mong may kung ano-anong nangyayari sayo tapos naiisipan mo pang umalis nang hindi ako kasama? Saan ka ba nagpupupunta?” pahayag nitong halos naghuhurumentado na.

In Another Life: The Other Side Of The Parallel (Wattys2020 Winner)Onde histórias criam vida. Descubra agora