Parallel 34

1.2K 128 21
                                    


Isang halimaw na mayroong kahindik-hindik na itsura ang nakatayo sa tabi ng kama. Ang mata nito'y kulay puti, maitim na may pagkapula ang balat at ang buong mukha ay mayro'ng kulay itim at maliliit na ugat.

Nakaramdam si Cassy ng kakaibang panlalamig nang marinig ang tinig na nagmumula sa nakakasuklam nitong bibig.

"Umalis ka riyan!" Halos umalingawngaw ang kaniyang boses sa buong silid.

Napalingon sa kaniya sa kaniya ang nilalang na dalawang beses ng kaniyang taas. Noong una ay inakala niyang hindi ito makikinig, pero matapos nitong ngumiti nang nakakainsulto ay dahan-dahan naman din itong naglaho.

Napatingin siya kay Caleb na nakatalukbong sa ilalim ng kumot at tahimik na umiiyak. Damang-dama niya ang matinding hinanakit ng kapatid. Ang himig ng pag-iyak nito ay tila karayom na paulit-ulit tumutusok sa kaniya. At ang sensasyong idinudulot niyon ay kumakalat sa kaniyang buong katawan, sa kaniyang buong pagkatao at tumatagos din hanggang sa kaniyang kaluluwa.

Saka naman niya narinig ang isipan nito. "Mag-iisang taon na, pero ang sakit-sakit pa rin. Hanggang ngayon, nami-miss pa rin kita. Hindi ko mapatawad ang sarili ko, kasi, inaway pa kita sa huling sandali ng pagkikita natin. Sa huling pagkakataon, pinagselosan pa kita sa kapatid ko."

"Hindi ko mapatawad ang sarili ko dahil sa nagawa ko. Wala akong silbi! Gusto ko nang sumama sa 'yo. Gusto na kitang makasama. Bakit nandito pa rin ako? Wala na ring silbi dahil wala ka na rito. Kasalanan ko ang nangyari sa 'yo. Hindi dapat ikaw ang nawala, kung 'di ako."

Naririnig niya ang pamilyar na tinig ng babae, maging ang malakas na pagtawa nito. May nakikita siyang malabong eksena mula sa alaala ng kakambal. Nagkakasayahan ang mga ito, pero, kalaunan ay may kung ano ng pinag-aawayan. Ang narinig lang niya ay 'tungkol 'yon sa plano niyang mamuhay mag-isa.

Nag-away ang mga ito dahil sa pagkadismaya ni Caleb na alam ni Ice ang plano niya, pero ito na sariling kakambal ay hindi. Kinagabihan, nang hindi pa rin nagkakasundo ang dalawa, pinasakay niya ang babae sa kotse para isama ito sa bahay nila.

At ang kasunod niyon ay ang aksidenteng nasaksihan niya sa kaniyang balintataw.

Unti-unti siyang nanghina at napaupo sa gilid ng kama. Napahawak siya sa bibig at mabilis na naglandas ang luha sa mga mata. Bakit pakiramdam niya ay mayroong pumipiga sa kaniyang puso?

Kaya pala sinisisi ng kapatid ang sarili. Ganito pala ang nararamdaman nito? Mag-isa nitong dinadala ang lahat ng sakit at hindi man lang madamayan, sapagka't 'di naman niya matandaan ang babae. Ang babaeng minahal nito. Ang babaeng matalik na kaibigan.

Wala siyang magawa para dito.

Mag-iisang taon na? Isang taon na nga ba mula noong maaksidente siya? Napatingin siya sa kalendaryo ni Caleb na nakapatong sa mesa. Nakamarka roon ang araw na ito. Ngayong araw ang ikalabing-siyam sanang kaarawan ng babae.

Nakamarka rin doon ang araw, dalawang linggo mula ngayon. Ang araw ng aksidente nila. Ang araw kung kailan namatay ang babae, dalawang linggo matapos nitong ipagdiwang ang labing-walong taon nitong kaarawan.

Wala siyang magawa para sa kapatid, kaya nanatili na lamang siyang nakaupo sa gilid ng kama.

Baka-sakaling kahit papaano ay madamayan ito.


***

Mag-isang naglalakad si Peya sa mahabang pasilyo patungo sa susunod na klase, ang klase ni Propesor Valentin. Nabalitaan niyang hindi ito ang magtuturo sa kanila dahil sa pagkakasuspende, at alam niyang siya ang dahilan niyon.

Nakasuot siya ng itim na blusang may mahabang laylayan, at kaniyang ipinares sa itim na pantalong binili ng tiyahin. Pakiramdam niya ay hindi na siya mukhang kakaiba sa mga taga-lungsod, maliban nga lang kung hindi nakatali ang mahaba at kulot niyang buhok. Iniayos niya ito upang hindi maging sagabal sa pagkilos.

In Another Life: The Other Side Of The Parallel (Wattys2020 Winner)Where stories live. Discover now