Parallel 51

1K 108 0
                                    

***

Mararamdaman sa aklatang kinaroroonan ni Peya ang pagluluksa ng lahat dahil sa nangyaring trahedya, ilang araw pa lang ang nakararaan. Ngayon, hindi lamang ang nasabing lugar ang tahimik, bagkus ay ang buong unibersidad. Nagdadalamhati para sa mga estudyanteng 'di na makapagtatapos.

Hindi man napuruhan at halos gasgas lang ang tinamo ni Miracle, lampas naman sa kalahati ng mga sakay ng bus ang nasawi, kabilang ang lima sa mga kaibigan ng babae.

Malaki ang pasasalamat ni Jake na 'di siya sumama sa trip sa Batangas. Mabuti raw at hindi siya napahamak. Ramdam niya ang lungkot ng lalaki dahil sa nangyari. Nakita rin niya ang simpleng pagpatak ng luha nito na pilit itinago sa kaniya.

Ilang araw na rin nilang hindi nakakasama si Miracle dahil sa pagluluksa nito. Maging si Caleb ay wala ring kagana-gana sa ngayon. Si Jake naman ang pilit na nagpapatawa sa kanila. Hindi ito nauubusan ng enerhiya, sa kabila ng katotohanan na itinatago lang nito ang lungkot na nadarama. Sumasakay na lamang siya para pagbigyan ang mga ginagawa nito.

'Di pa rin niya lubos-maisip kung paanong ang kagaya nito ay magkakagusto sa kaniya.

"Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?" bulong ni Jake na itinukod ang mga siko sa mesa, saka inilagay ang mga kamay sa ilalim ng pisngi. "Lalo ka sigurong naga-guwapuhan sa akin, ano?" pagbibiro pa nito kahit alam niyang mabigat din ang dinaramdam.

"Oo," pag-amin niyang ;di binibitiwan ang pagtitig nito. "Kaya nga nakapagtataka kung paano ka nagkagusto sa akin? Hindi naman ako maganda, kagaya ni Miracle?"

Napatawa ang lalaki at nakita niya ang paniningkit ng mga mata nito. "Ano'ng palagay mo sa akin? Sa panglabas na anyo lang tumitingin?" balik ni Jake sa mahinang tinig, "Siguro para sa kanila hindi ka maganda, pero para sa akin, ikaw ang pinakamabait," wika nito saka lalong tumawa sa sarili nitong biro.

Medyo nadismaya siya sa itinugon nito. "Puro ka naman kalokohan, eh," wika niyang itinuon na ang pansin sa assignment na ginagawa.

Abala din sa pag-aaral ang lalaki, pero kapag nagsimula na itong mangulit ay nawawala na rin ang pokus niya. "Mabait ka nga, ayaw mo pa?" patuloy pa nito.

Pero alam niyang pinapagaan lang nito ang loob niya, kahit na siya ang dapat na gumawa niyon.

Ilang beses na siyang inaya ni Jake na pumunta sila sa chapel ng ospital upang makiramay. Naroon kasi si Miracle, para madamayan ang mga magulang ng mga kaibigang namatay. Doon nga galing si Caleb na ngayon lang din nakapasok.

Tumanggi na lamang siya.

Ayaw niya sa mga ospital, dahil panigurado ay mas maraming tagasundo roon. Hindi niya gustong makita siya ng mga ito. Bumibigat ang kaniyang pakiramdam kapag nasa paligid sila. Noong bata pa siya ay naranasan na niyang mapalibutan ng mga ito. Nagtataka marahil dahil sa katauhan niya, mayroon siyang katawang-tao, pero ang kaluluwa ay hindi pang-mortal.

May anino nga siya, pero isa lamang 'yong ilusyon na nilikha noong maipanganak siya mula sa sinapupunan ng ina. Isang bagay na nais niyang itanong sa tiyahin para makumpirma.

"Cassiopeia Sto. Domingo," pabulong na pagbasa ni Jake sa nakapangalan sa kaniyang kuwaderno. "Naalala ko tuloy kung paanong nagulat si Milagros dahil napakaganda ng pangalan mo."

"Biruin mo, ipapangalan daw niya sa firstborn nila ni Caleb 'yon. "As if namang sure siyang babae agad ang magiging panganay nila, paano kapag lalaki?" Tila parinig nito sa kapatid. "Cassiopeio?"

Nakita niyang napalingon si Caleb kay Jake na katabi nito, saka ito sumagot sa mahinang tinig. "Babae ang magiging panganay namin, dahil 'yon ang gusto niya."

In Another Life: The Other Side Of The Parallel (Wattys2020 Winner)Where stories live. Discover now