Parallel 31

1.2K 132 27
                                    

“Hoy! Hangin, nandito ka lang pala,” wika ng babae matapos makainom. Kapansin-pansing hinihingal ito sanhi ng pagtakbo kanina. “Hinahanap ka ni coach, ah. Pumunta ka raw ng court mamayang 3 p.m. May try-out para sa kapalit ni Francis.” Sumandal pa ito sa pahabang upuan saka napatingin sa kaniya. “Girlfriend mo?”

Bigla namang nabilaukan ang kumakain na lalaki. “Ano?”

“Teka, ikaw si Peya, ‘di ba?” usisa ng magandang babae. “Pamilyar ka talaga sa akin?” wika nitong tiningnan siya nang maigi. “Nagkita na ba tayo dati?”

“Ngayon lang kita nakita.” Napatungo siya. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nag-iwas ng tingin. Siguro ay dahil ibang-iba ito sa kaniya. Napakaganda kasi ng babae at mukhang napakabait din. Malapit itong kaibigan ng lalaking nakaupo sa harap niya.

Bigla namang napasigaw ang babae at malakas na kinalampag ang mesa.

“Huwag mong sabihin,” bulong ng lalaki na narinig naman niya.

“Bakit?” wika ng magandang babae. “Natatandaan mo rin siya? Tama ako, ‘di ba?” sabi pa nito na tumingin sa kaniya. “Ikaw ‘yong pamangkin ni Tita Sabel? Ang assistant ni Dad. Nagkita na tayo sa martial arts school ng uncle ko. Hindi ba, pinapanood n’yo kami noon ng pinsan mong maarte?”

Saka ito lumingon sa lalaki. “Nitong bakasyon lang ‘yon, ‘di ba? Basta, muntik ko pa ngang mabugbog ang pinsan mo,” baling nitong napatingin sa kung saan. “Bakit ngayon ko lang naalala?”

May nangyari bang gano’n? Bakit hindi niya matandaan?

Nababasa ni Peya na hindi ito nagsisinungaling. Ilang bahagi ng kanilang alaala ang kaniyang nakikita. Totoo ngang nakaharap na ang dalawa, ngunit hindi naman niya makita ang ibang detalye.

“Sabi ko sa ‘yo, huwag mong sabihin, eh,” pagrereklamo ng lalaki, saka bumaling sa kaniya, “Kumain ka na nga. Kaya ka siguro patpatin, ano? Hindi ka kasi masyadong kumakain.”

Tinapunan lang niya ito ng masamang tingin.

Muling uminom ng tubig ang babae mula sa bote ng mineral, saka ito nagsalita, “Pero, ikaw nga si Peya? Nabalitaan ko kasing ibinagsak ka ni Professor Valentin, kaya isinumbong ko siya sa Dad ko. Napaka-unfair naman kasi niya.”

Nagtaka siyang alam nito ang tungkol sa balitang ‘yon.  Lahat nga yata ng estudyante rito ay interesado sa kung anong nangyayari sa buhay niya.

“Ibinagsak ka ng professor mo?” tanong ng lalaki na tumigil sa pagkain. “Bakit?”

Ang magandang babae ang tumugon, “Kasi, sinigawan siya ni Peya. Eh, sabi ng isang estudyante na nakausap ko, hindi raw si prof. ang sinisigawan nito. Mukhang may nakita na naman daw kasi itong ka—” Saka lang ito natigilan nang mapagtantong may mali nang nasasabi.

Hinampas nito ang sariling bibig at nagpilit ng tawa. “Sorry, ‘tong dila ko talaga, kung minsan, masyadong ano, eh.” Kaagad nagsisi ang babaeng may malamodelong pagngiti. “Basta, ang unfair daw ng naging treatment sa kaniya. Ang mga kagrupo naman niya ang absent noong reporting nila, dapat daw ay binigyan siya chance.”

Hindi siya makapaniwala sa naririnig mula sa babae. Mayroon palang panig sa kaniya ng araw na ‘yon? Mas lamang kasi ang tinig ng mga taong hindi siya gusto.

“Bakit ka nga ba sumigaw noon?” usisa ng lalaki.

Hindi siya makasagot at napatingin lang sa pagkain na nasa harapan.

Muling nagpilit ng tawa ang magandang kaibigan nito. Saka marahang siniko ang lalaki, na bukod sa pagiging hambog ay manhid din.

“Ano ka ba naman, Hangin? Kung ako man, baka hindi lang sigaw ang maranasan sa akin ng prof. na ‘yon. Baka sampolan ko pa siya ng judo skills ko at nang makita niyang hinahanap niya!” pahayag nitong sinuntok pa ang sariling kamao.

In Another Life: The Other Side Of The Parallel (Wattys2020 Winner)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें